» 32. LEVEL EIGHT - THE GAME (PART TWO)

40 5 3
                                    

Althea: 2
Anna: 6
Archer: 6
Brinsley: 2
Caden: 3
Chad: 2
Clara: 1
Ebony: 4
Ellery: 5
Edith: 3
Erico: 6
Grant: 5
Matt: 6
Missy: 3
Mio: 6
Ollie: 3
Oliver: 1
Patrick: 6
Raquel: 6
Sendrick: 4
Wilver: 1
Zabelle: 1
Zack: 6
Ziah: 2

"Hihintayin ko kayo sa safe room," sabi ni Archer kina Chad at Brinsley bago ito lumabas ng kuwarto at dumiretso sa safe room. Napangiti siya nang makita roon sina Caden, Ebony, at Patrick.

"I was in the 28th room at two snakes lang ang nandito kanina," kunot noong sabi ni Chad.

"Parang ang daya naman kung nag-iiba ang bilang ng mga ahas? Tsaka eight snakes? Grabe ang layo ng ibababa natin," saad ni Ellery na kasama rin nila roon.

"Well, their game, their rules," sabi naman ni Brinsley. Dali na silang umalis doon at nagtungo sa 20th room.

Nakita nila roon si Ollie at Missy na naggalinh sa 14th room. Ikinuwento nila ang nangyari at pati si Ollie ay napakunot ang noo dahil mukhang sinasadya iyon ni Ace at gusto lamang silang pahirapan.

"Buti nakatakbo kayo agad, ang dami n'on, eight?! Grabe!" saad pa no Ollie.

"Sana lang mamaya kung mapunta ulit tayo sa 28th room ay kaunti na lang ang ahas," sabi ni Ellery.

Samantala masasaya naman sina Matt, Raquel, at Mio na nasa 29th room. Ganoon din ang tatlong magkakaibigan na sa wakas ay nagsama-sama na. Sina Althea, Anna, at Ziah ay napunta na rin sa 29th room na nanggaling sa 22nd room kung saan may elevator.

Sina Sendrick at Zack naman na nasa 21st room ay kalmado lang dahil normal lang ang room na iyon. Ganoon din si Zack na nasa 23rd room at Edith na nasa 26th room.

Si Clara naman ay nag-iisa sa 24th room, galing siya sa 18th room kung saan may elevator paakyat sa 24th room. Ngunit may dalawang ahas doon kaya napunta siya sa 22nd room kung saan may elevator patungo sa 29th room.

Si Oliver naman ay napangiti na lang habang pinapanood sina Erico at Zabelle na magkayakap.

"Finally nagkasama na rin kayo," nakangiti pa nitong sabi sa dalawa.

Sabay-sabay na rin silang umakyat sa 17th room dahil may elevator ang 22nd room. Ang pinakanahuhuli ay si Grant na nasa 11th room.

Mayamaya lang ay ni-roll na muli nila ang dice sa kanilang devices.

Althea: 3
Anna: 4
Archer: SAFE
Brinsley: 4
Caden: SAFE
Chad: 2
Clara: 5
Ebony: SAFE
Ellery: 2
Edith: 6
Erico: 1
Grant: 3
Matt: 3
Missy: 3
Mio: 2
Ollie: 6
Oliver: 5
Patrick: SAFE
Raquel: 4
Sendrick: 4
Wilver: 1
Zabelle: 6
Zack: 6
Ziah: 1

Hindi maipaliwanag ang saya nika Althea, Anna, Clara, Edith, Matt, Mio, at Raquel nang makapasok sila sa safe room. Nakita nila doon sina Archer, Caden, Ebony, at Patrick na nagpapahinga at inaabangan kung sino ang mga papasok sa safe room.

Si Ziah naman ay medyo naiinis dahil kahit safe naman ang 30th room ay mas gusto niyang makapagpahinga na sa safe room at hindi maghintay pa ng isang roll, ngunit wala na siyang magagawa kun'di maghintay.

Sina Chad, Ellery, Wilver, at Oliver naman na nasa 22nd room ay umakyat na sa 29th room kung nasaan si Zack na nakangiti dahil malapit na siya sa safe room.

Masaya rin si Chad dahil siguradong safe na siya ngunit naiisip niya si Brinsley na napunta sa 24th room. Hindi pa siya napunta sa room na iyon kaya wala siyang ideya kung safe ba doon.

Sina Missy at Zabelle naman ay magkausap lang sa 23rd room kung saan normal ang room, ganoon din ang room ni Ollie na nasa 26th room.

Si Sendrick naman na nasa 25th room ay mabilis na nagpunta sa 23rd room dahil may dalawang ahas sa 25th room. Natuklaw siya ng isang ahas sa may tuhod kaya agad siyang tinulungan nina Missy at Zabelle.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now