» 02. LEVEL ONE - THE GAME

312 31 20
                                    

"Good luck everyone!"

Yon ang huling narinig ng players matapos magflash sa screen ang mechanics ng kanilang unang laro para sa level 1.

Hide and Seek, iyan ang kanilang unang lalaruin.

Madilim pa lang ay nagising na agad silang lahat dahil sa napakalakas na tunong na bumabalot sa loob. Pinag-ayos agad sila dahil maaga raw magsisimula ang laro.

Nagkani-kaniyang silang luto ng makakain. Ang iba ay may baong mga lulutuin, ang iba naman ay kumuha lang ng pagkain sa malaking refrigerator na para sa lahat.

Hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ng bawat isa sa mga oras na ito. Naliligo sila at kumakain habang may dala-dalang kaba.

Habang hinihintay ang announcement na magsisimula na ang laro ay nakatulala lang ang mga manlalaro. Ang iba ay nagdadasal, may mga halos maluha na dahil inisiip nila baka sila ang unang ma-eliminate, ang iba ay hindi mapakali dahil sa kaba at ang iba naman ay pinapakalma ang sarili.

Nakaupo si Brinsley sa kaniyang kama habang ang paningin ay nasa ibaba. Binabalot ng kaba ang kaniyang dibdib at parang gusto na niyang umatras pero alam niya naman na imposible iyon. Isa sa rules ng LEVEL 31 na kapag ikaw sumali, hindi ka na puwedeng umalis.

"Para sa pamilya ko, para sa pamilya ko, para sa pamilya ko, para sa pamilya ko, para sa pamilya ko, para sa pamilya ko para sa pamilya ko, para sa pamilya ko, para sa pamilya ko, para sa pamilya ko..."

Paulit-ulit niya iyong sinasabi para mapaalalahanan ang sarili kung ano nga ba ang dahilan kung bakit siya sumali sa laro. Para sa pamilya niya.

"Beb." Nilingon ni Brinsley si Oliver nang tawagin siya nito.

"Baka want mo ng water?" Pag-aalok nito na may nag-aalalamg tingin habang may hawak na baso ng tubig.

Huminga ng malalim si Brinsley saka kinuha ang isang basong tubig na inalok ni Oliver.

"Salamat." Ibinalik na niya kay Oliver ang baso na wala ng laman.

"Good luck sa'tin," nakangiting sabi ni Oliver pero halatang kinakabahan din. Napaisip tuloy si Brinsley kung saan kaya gagamitin ni Oliver ang pera na mapapalanunan kung sakaling manalo ito. 'Money' lang kasi ang nakalagay sa screen kagabi nang ipakita ang informations ng mga players.

"Good luck," sabi na lang din ni Brinsley habang may pilit rin na ngiti sa kaniyang mukha.

Mas nabalot ng kaba ang paligid nang pumasok ang ilang mga naka-itim na lalaki. Katulad ito ng mga naghatid sa kanila sa malaking bahay kung nasaan man sila ngayon. Isa-isa silang binigyan ng mga lalaking naka-itim ng isang basong tubig.

Nagtataka man at kinakabahan ay ininom ito ng mga manlalaro dahil wala rin naman silang magagawa kahit tumanggi sila. Wala pang isang minuto, lahat sila ay nakatulog.

Nagising ang lahat na nasa tapat sila ng isang mataas na building na may iilang palapag. May ilang gusali rin sa paligid pero walang tao. Tanging sila lang.

Napatingin silang lahat sa kanilang kamay dahil may narinig silang nag-beep. Mayroon silang lahat suot na parang relo pero hindi ito basta relo. May timer at kung ano-anong nakasulat pero hindi nila alam kung para saan.

Muling tumunog ang relo at nabasa nilang lahat na iyon daw ang timer para sa kanilang pagpasok sa loob. Kapag natapos na ang timer at wala pa sila sa loob, sasabog ang kanilang suot na relo. Sa takot ay sinubukang tanggalin ng ilan pero hindi iyon natanggal. Dahil doon ay agad na pumasok ang mga manlalaro sa loob ng building.

Sa taas ng entrance ng building ay nakasulat ang level na kanilang lalaruin at ang laro na kanilang lalaruin.

L E V E L 0 1
« HIDE AND SEEK »
PLAYERS: 31

LEVEL 31 (ONGOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang