» 31. LEVEL EIGHT - THE GAME (PART ONE)

43 5 0
                                    

"Bilib din talaga ako sa effort nila para lang sa laro na 'to, e," bulong ni Zack habang pinagmamasdan ang isang mataas na building.

"Saka ka na bumilib sa kanila kapag hindi na sila pumapatay ng tao," bulong din ni Matt na katabi niya lang sa paglalakad.

Papasok ang players ngayon sa isang mataas na building. Hindi ito gaanong malapad pero mataas ito. May pintura itong kulay berde at tsokolate at may mga disenyo ring mga ahas at hagdan.

Ang building na iyon ay may limang palapag at dahil mataas ang bawat floor ay nagmumuka rin itong mataas kahit na lima lang ang palapag nito. May rooftop din ito sa pinakataas at mayroon isang malaking room doon na kulay puti.

Bawat floor ay may 6 rooms. Kapag pinagsama-sama lahat ng palapag ay mayroong 30 rooms, idagdag pa ang nag-iisang kuwarto sa rooftop kaya mayroong 31 rooms ang buong building.

"Wow, angas," manghang saad ni Caden nang makita ang device na gagamitin nila sa laro. May dalawang naka-itim na lalaki sa entrance at doon na nila nakukuha ang device na kasing laki ng cellphone.

Nang makapasok ang lahat ay pinatayo sila sa harapan ng kuwarto kung saan nakalagay ang "START" sign. Binuksan na rin nila ang kani-kanilang mga device at doon lumabas ang rules at instruction ng laro.

Lahat sila ay nagsscroll sa screen habang binabasa ang instruction at sa pinakadulo noon ay nakalagay ang "Tap here if you are ready to play." Pinindot nila iyon matapos nilang mabasa ang instruction. Nang lahat sila ay tapos na at napindot na ang nasa pinakadulo ng nakasulat ay saka lamang bumukas ang pinto ng room na nasa kanilang harapan.

Isa-isa silang pumasok, ini-lock kaagad ng mga nakaitim na lalaki ang pinto nang lahat sila ay nasa loob na. Pinagmasdan nila ang loob, malaki ito pero wala itong kalaman-laman. Mayroon lang dalawang pinto doo, ang isa ay ang exit na pinasukan din nila kanina at ang isa naman ay ang pinto upang makapunta sa ibang room once na na-roll na nila ang dice.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay nagbago na ang nakalagay sa kanilang mga device. Isang malaking dice na ang nandoon at sa taas naman nito ay ang word na "ROLL", kulay grey pa ang salitang iyon at hinihintay na lang nila itong mag-iba ng kulay upang masimulan na ang laro.

"Shuta, kinakabahan ako," bulong ni Ellery habang ishini-shake ang kaniyang mga kamay.

"Sa dice nakasalalay ang buhay natin sa larong 'to, wala tayong control," sabi naman ni Sendrick.

"Pero ang interesting nung gamot na sinasabi, ah. Kapag ininom mo ay gagaling na agad yung kagat ng ahas?" napapaisip namang saad ni Clara.

"Posible kayang fake snakes lang yung gamit nila?" saad ni Brinsley.

Napa-isip din ang iba, medyo nabawasan ang takot nila dahil sa ideyang iyon pero siyempre hindi na mawawala ang takot nila na baka sila na ang ma-eliminate sa laro.

Naputol ang pag-uusap-usap nila nang magsabay-sabay tumunog ang kanilang mga device. Nagkulay berde na ang "ROLL" word sa taas ng kanilang mga device, hudyat na maaari na silang maglaro. Sinimulan na nilang i-tap ang screen para paikutin ang dice. Ilang segundo lang ang lumipas at tumigil na ang pag-ikot nito.

Althea: 3
Anna: 6
Archer: 4
Brinsley: 5
Caden: 6
Chad: 3
Clara: 2
Ebony: 6
Ellery: 2
Edith: 5
Erico: 3
Grant: 5
Matt: 2
Missy: 4
Mio: 3
Ollie: 1
Oliver: 1
Patrick: 6
Raquel: 4
Sendrick: 4
Wilver: 2
Zabelle: 1
Zack: 2
Ziah: 4

Nagsimula nang kumilos ang mga players. Lumabas na sila sa 1st room or start room at pumunta sa rooms na dapat nilang puntahanan

Sa 2nd room napunta sina Ollie, Oliver, at Zabelle kung saan normal lang ang room. Medyo kinabahan pa sila dahil 1 lang ang nakuha nila sa dice at sila ang nahuhuli ngunit okay na rin dahil normal room ang nakuha nila.

LEVEL 31 (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon