» 37. LEVEL NINE - GAME OVER

44 4 0
                                    

C O N G R A T U L A T I O N S !

L E V E L 0 9 ✓

22/31

Althea S. de Vera

Anna C. Herrera

Archer T. Gracia

Brinsley B. Flores

Caden A Cruz

Chad D. Javier

Clara O. Ponce

C̶l̶e̶o̶ C̶. A̶n̶d̶a̶y̶a̶

D̶a̶v̶i̶s̶ G̶. O̶r̶t̶i̶z̶

Ebony M. Cortez

Edith M. Rosales

E̶l̶l̶e̶r̶y̶ T̶. S̶i̶l̶v̶a̶

E̶m̶b̶e̶r̶ M̶. Y̶b̶a̶ñ̶e̶z̶

Erico I. Gil

G̶r̶a̶n̶t̶ R̶. S̶m̶i̶t̶h̶

H̶a̶z̶e̶l̶ V̶. S̶e̶v̶i̶l̶l̶a̶

Matt D. Francisco

Missy C. Torres

Mio D. Salazar

Ollie O. Palma

Oliver P. Vargas

O̶s̶c̶a̶r̶ A̶. C̶h̶u̶a̶

Patrick D. Mendez

Raquel M. Valdez

R̶o̶s̶e̶t̶t̶e̶ P̶. V̶e̶r̶g̶a̶r̶a̶

Sendrick A. Ilagan

T̶h̶a̶l̶i̶a̶ P̶. B̶l̶a̶n̶c̶o̶

Wilver P. Bautista

Zabelle G. Alonso

Zack S. Gomez

Ziah C. Trinidad

Thank you for being part of the game,
Ellery T. Silva

~•~

Brinsley

Kakaiba ang larong 'to kung ikukumpara sa mga nagdaang laro at levels. Sa level nine kasi ay hindi kami pinagod physically, pinatayo lang kami sa harap ng color wheel at pinahawak ng tablet.

Pero kahit ganoon lang ang ginawa namin, kahit hindi man kami napagod physically, halos lahat naman kami ay sobrang sakit ng dibdib. Hindi rin basta-bast 'yung naramdaman namin doon, hanggang ngayon ay naalala ko pa rin kung gaano kabilis 'yung pagtibok ng puso ko. Dinaig pa yata ang taong tumakbo ng ilang kilometro.

At dahil nga hindi gaanong napagod ang katawan namin ay mas masigla kami ngayon. Kung dati ay nagpapahinga lang kami pagkatapos ng laro, ngayon ay nagagawa pa naming gumawa ng kung ano-ano.

Normal na nagkukuwentuhan lag ang iba. Ang iba ay masiglang kumakain, mayroon ding nagawa pang mag-exercise. Mayroon namang tahimik lang gaya ni Wilver. Siguro'y iniisip niya si Ellery.

Isa ako sa mga tahimik lang. Iniisip ko kasi tungkol sa pagtutulungan namin na makalabas dito.

Kung sasabihin ko sa kanila 'yung naiisip ko, sasang-ayon kaya sila? Lahat kaya sila gusto na talagang umalis dito?

Baka kasi mayroon pa sa amin na gusto pa ring mapanalunan 'yung pera.

"Uy, te. Ang lalim naman yata ng iniisip mo." Umupo sa kama ko si Mia at tinabihan ako.

Sabihin ko kaya sa kaniya?

"Uhm, Mia," tawag ko.

"Hmm?" Itinaas niya ang dalawa niyang kilay.

Inilibot ko ang paningin ko at nagulat ako nang makitang may black man sa sulok na nakatingin sa amin.

"Uhm, nevermind, hehe," saad ko.

"Hay naku, te, gutom lang 'ya. Tara kain tayo roon." Hinila niya ang aking braso. Sumama na lang ako at inalis na muna sa isipan ko 'yun.

Siguro sa rest day ko na lang sasabihin sa kanila.

LEVEL 31 (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon