» 44. REST DAY

16 0 0
                                    

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo." Rinig kong saad ni Patrick kay Archer.

Narito kaming lahat ngayon sa second floor, nagpapahinga at gumagawa ng kaniya-kaniyang gustong gawin.

Nakaupo lang ako sa gilid habang nagbabasa ng libro. Kasama kong magbasa sina Missy, Matt, Clara, at Chad. Katabi lang din namin sina Archer at Sendrick kaya naririnig namin ang usapan nila.

Tumabi na rin sa amin si Patrick na katatapos lang tumawag sa kung sino man ang tinawagan niya.

"Wala, iniisip ko lang 'yung next game natin," sagot naman ni Archer.

"Napapaisip nga rin ako ron e. Try Not To Eat Challenge? Paano naman kaya magiging mechanics don tsaka paano siya magiging challenging?" saad naman ni Sendrick na nakisali na sa usapan.

"Baka masasarap 'yung pagkain so matatakam tayo." Nakisali na rin si Caden matapos nitong tumawag sa kaniyang pamilya.

"Ang corny naman ng game kapag ganon," saad ni Patrick na bahagya naming ikinatawa.

"Wait lang guys, ah." Tinanguan ko lang si Missy, papunta siya sa may telephone upang tumawag sa family niya.

Ako, kanina pa ako nakatawag sa bahay. At wala pa ring nagbago, problemado pa rin kami sa pera. Pakiramdam ko nga ay gusto na magalit ni mama sa amin ni papa dahil una, hindi pa kami umuuwi, pangalawa, hindi pa kami nagpapadala ng pera, baka iniisip niyang pinabayaan na namin sila.

Nag-aalala rin ako kay papa. Bakit hindi pa siya umuuwi? Baka may nangyari na sa kaniyang masama.

"Bebs, okay ka lang?" Nilingon ko sina Mia nang makarinig ako ng umiiyak. Si Missy. Agad siyang nilapitan ni Matt at gayon din ako.

"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong kay Missy. Lumapit din sa samin sina Zabelle at Clara. Ang iba naman ay natigilan sa kanilang mga ginagawa at napunta rin kay Missy ang atensiyon.

"M-My brother..." humihikbi saad ni Missy. Inaabangan lang naming lahat kung ano ang sasabihin niya.

"H-He..." mas lalong lumala ang kaniyang iyak dahilan upang hindi niya maituloy ang gustong sabihin.

Pinunasan niya ang kaniyang luha at umiling. "O-Okay lang ako guys, baba na lang muna ako," saad niya. Nagtungo siya sa hagdan at sumunod naman sa kaniya si Matt. Bumalik sa mga kaniya-kaniyang gawain ang lahat.

Umupo muli ako sa puwesto ko kanina. "Bakit ang tahimik mo? Iniisip mo pa rin ba si Raquel?" saad ko kay Chad.

"Tahimik naman talaga ako 'di ba?" Natawa pa siya. "I'm okay, the important thing is we survived." Nginitian niya ako. Sinuklian ko na lang din siya ng ngiti.

Nahagip naman ng mga mata ko si Archer na nakatingin sa amin. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin, baka may gusto kasi siyang sabihin pero ngiti lang ang isinukli niya.

Normal na araw lang ang nangyari sa aming lahat. Maliban siguro kay Missy na hindi ko pa alam kung anong nangyari. Pero alam ko na bawat isa sa amin ay hindi maiwasang hindi maisip ang susunod na laro.

Bago sa amin ang one game for five levels. Maganda nga siya kung iisipin dahil mas mapapadali pero alam kong hindi naman kami tanga para umasang walang kapalit iyon.

It's Ace that we're talking about. Kung sa ten levels nga sobra na niya kaming pinahirapan, sa level 11 to 15 pa kaya? Tapos isang game lang?

Kinakabahan ako sa totoo lang.

At kung iisipin yung name ng game which is Try Not To Eat Challenge, iisipin mong madali lang. Pero sa pagkakaalam ko kay Ace, walang madali sa kaniya.

Halos matapos ko na yung librong binabasa ko which is a short fiction, para lang kahit papaano ay mapunta naman ako sa ibang world, nang tawagin kami ni Matt. Gabi na pala at oras na raw para kumain. Ipinaalala rin ng black men na ngayon iaannounce ang ibang information of the game para bukas.

LEVEL 31 (ONGOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora