» 19. LEVEL FIVE - THE GAME (SET FOUR)

87 17 5
                                    

"Whooo! Naka-inom din, sa wakas!" Masayang sabi ni Ollie matapos niyang uminom ng dalawang baso ng tubig.

Sumunod sa kaniya ang uhaw na uhaw na rin na si Brinsley. Sumunod si Chad saka si Erico na yakap-yakap si Zabelle na katatapos lang umiyak saka uminom ang iba pa.

L E V E L 0 5
ICE ICE WATER
22/26

Pagkatapos nilang uminom ay tumabi na sila sa iba pang mga manlalaro na nanonood sa malaking screen. Tahimik lang ang lahat at nakatutok sa pinapanood.

Kahit na ligtas na sila, hindi pa rin nila maiwasang hindi kabahan sa magiging result ng laro.

Nagsimula na ang viva challenge. Tapos na ang unang round at lahat naman ay nakasunod. Ngayon ay lahat sila ay naghihintay sa susunod na viva challenge. Lahat ay alerto at halatang kinakabahan dahil last set na.

"Viva... jump!" Dahil sa sobrang kaba ay agad na sumunod ang limang players kaya wala pa ring taya.

"Viva... jumping jack!" Tulad kanina, nakasunod ang lahat ng players.

"Viva... sit!" Lahat ay awtomatikong umupo at wala pa ring taya.

"Viva... jog in place!" Lahat ay nagmamadaling tumayo saka tumakbo sa kanilang pwesto. Sa ngayon, may nahuli na. Si Zack.

"Fuck..." pahina nang pahina na bulong ni Zack saka napakamot sa ulo niya at nagpa-ikot-ikot sa pwesto. Halatang namomroblema.

Ang ibang manlalaro naman ay nakatingin lang sa kaniya. Pinagmamasdan ang kabuuan niya at para bang pinag-aaralan ang mga galaw niya.

Lahat sila ay sobrang bilis ng pagkabog ng mga dibdib na para bang nagkakarerahan. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa utak nila, kung sakalung sila ang ma-eliminate.

Dumilim na ang paligid nila. Mayamaya ay lumiwanag muli at natangpuan nila ang sarili nila sa loob ng isang malaking coffee shop. Hindi iyon sobrang laki pero sakto lang para makatakbo sila. Kahit salamin ang harang noon ay wala silang makita sa labas. Gulo-gulo ang mga upuan at lamesa at wala gaanong gamit sa pinaka loob.

"Zack Gonez needs to ice one player when the time is up. Zack Gomez only have one minute to ice the player."

Mayamaya lang ay nagkalat na ang mga manlalaro habang si Zack ay pinagpapawisan na sa isang gilid. Napakabilis ng tibok ng kaniyang puso at namamawis na ang mga kamay niya.

Iniisip niya na lang na madadalian lang siya dahil isa lang naman ang kailangan niyang i-ice. Pero sa katotohanang siya ang taya at last set na ay hindi niya maiwasang hindi kabahan.

"The game starts now!" Nang marinig iyon ni Zack ay dali-dali siyang tumakbo para habulin ang mga players. Sa sobrang kaba niya ay hindi niya alam kung saan siya tatakbo at kung sino ang uunahin niya.

SET FOUR
00:04:57

Ice-d Player
0/1

"Umayos ka nga, Zack," mayamayang bulong niya sa kaniyang sarili. Mahina niyang hinampas ang kaniyang magkabilang balikat saka huminga ng malalim. Saglit niya pang ipinikit ang kaniyang mata at sinabi sa sarili na ang unang makikita niya ay ang player na una niyang hahabulin.

Muli siyang huminga ng malalim saka iminulat ang mga mata. Napalunok na lang siya nang makita si Ellery sa hindi kalayuan.

LEVEL 31 (ONGOING)Där berättelser lever. Upptäck nu