» 22. LEVEL SIX - THE GAME (PART ONE)

131 17 11
                                    

Nagising ang lahat ng manlalaro sa isang malawak na sports court at sa pinaka unang beses ay may kasama silang mga naka-itim na lalaki.

Tatlong naka-itim na lalaki ang kasama nila. May mga hawak itong kahon na nagsasabing: TEAMS at TASKS/NUMBERS. Dalawa ang kahon na may TASKS/NUMBERS at isang kahon naman ang may TEAMS.

Inilibot nila ang paningin nila sa buong court. Sa dulo ng court ay may isang malaking lamesa at madaming kung ano-ano sa paligid nito, katapat naman noon ay ang isang pinto na papasok sa safe room. Sa kabilang dulo naman ng court ay may isang malaking lamesa rin na napalilibutan din ng kung ano-ano at may pinto rin sa tapat noon.

Sa unang pinto ay may nakalagay na RED TEAM at sa isang pinto naman ay BLACK TEAM ang nakalagay. Sa gitna ng court ay may nakita silang malaking screen at doon din nila nakita ang makapal na tali. Iniisip pa lang nila na itatali iyon sa kanilang katawan at maghihilahan pa ay parang nasasaktan na sila dahil sa kapal ng tali na iyon.

L E V E L 0 6
« TUG OF WAR »
PLAYERS: 26

GOOD LUCK
Must reach level 31

S

inenyasan sila ng mga naka-itim na lalaki na pumila. Sumunod naman agad sila at para silang mga estudyante na pinapapila ng teacher dahil magsisimula na ang flag ceremony. Parang mga bata pa silang nagtulakan at nagkagulo sa pagpila.

Ilang segundo ang nakalipas at diretso na ang pila nila. Ang nasa pinaka unahan ng pila ay si Sendrick. Napalunok pa muna siya bago bumunot sa unang kahon. Dahan-dahan niyang binuksan ang papel at doon niya nalaman kung ano ang team niya.

RED.

Nang mabasa niya iyon ay dumiretso na siya sa isa pang lalaki na may hawak ng kahon ng TASKS/NUMBERS na para sa red team. Nanginginig pa siyang bumunot doon saka binuksan ang papel.

ONE: SHOOT TEN SMALL BALLS IN THE MOVING BASKET.

Mahilig maglaro ng basketball si Sendrick kaya parang tumalon ang puso niya dahil sa nabasa. Iniisip niyang makakapasok agad siya sa safe room kaya naman patago na lang siyang ngumiti habang nakatingin pa rin sa papel niya. Pinapunta na siya ng naka-itim na lalaki sa lamesa ng team niya kaya naman nakangiti siyang sumunod.

Ang sunod sa pila ay si Missy. Nakapikit siyang bumunot sa kahon saka tiningnan ang papel.

RED.

Napatingin pa siya sa ka-team niyang si Sendrick bago kumuha ng papel sa kahon ng TASKS/NUMBERS.

SEVEN: PAINT YOUR WHOLE FACE USING A SMALL BRUSH.

Hindi alam ni Missy kung ano ang magiging reaksiyon niya. Pakiramdam niya kasi ay madali lang iyon kaya hindi siya nakaramdam ng kaba. Sumunod na si Missy kay Sendrick habang hinahawakan ang mukha na para bang tinatantiya kung gaano iyon kalaki.

Sumunod na bumunot ay si Erico. Sinulyapan niya pa saglit si Zabelle bago bumunot.

BLACK.

Pagkatapos niyang malaman ang team niya ay agad na rin siyang bumunot sa isa pang kahon.

THREE: WRITE YOUR FULL NAME USING YOUR TOES

Napaisip agad si Erico sa maaaring mangyari habang naglalaro. Unang pumasok sa isip niya ay madali lang iyon pero nang maalala niya na may humihila sa kaniya ay napabuntong hininga na lang siya.

Gusto pa sanang hintayin ni Erico si Zabelle pero ayaw siyang payagan ng naka-itim na lalaki. Sinenyasan siya ni Zabelle na sumunod na lang sa lalaki bago ito bumunot.

LEVEL 31 (ONGOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum