» 29. LEVEL SEVEN - GAME OVER

67 6 1
                                    

C O N G R A T U L A T I O N S !

L E V E L 0 7 ✓

24/31

Althea S. de Vera

Anna C. Herrera

Archer T. Gracia

Brinsley B. Flores

Caden A Cruz

Chad D. Javier

Clara O. Ponce

C̶l̶e̶o̶ C̶. A̶n̶d̶a̶y̶a̶

D̶a̶v̶i̶s̶ G̶. O̶r̶t̶i̶z̶

Ebony M. Cortez

Edith M. Rosales

Ellery T. Silva

E̶m̶b̶e̶r̶ M̶. Y̶b̶a̶ñ̶e̶z̶

Erico I. Gil

Grant R. Smith

H̶a̶z̶e̶l̶ V̶. S̶e̶v̶i̶l̶l̶a̶

Matt D. Francisco

Missy C. Torres

Mio D. Salazar

Ollie O. Palma

Oliver P. Vargas

O̶s̶c̶a̶r̶ A̶. C̶h̶u̶a̶

Patrick D. Mendez

Raquel M. Valdez

R̶o̶s̶e̶t̶t̶e̶ P̶. V̶e̶r̶g̶a̶r̶a̶

Sendrick A. Ilagan

T̶h̶a̶l̶i̶a̶ P̶. B̶l̶a̶n̶c̶o̶

Wilver P. Bautista

Zabelle G. Alonso

Zack S. Gomez

Ziah C. Trinidad

Thank you for being part of the game,
Ember M. Ybañez

~•~

Brinsley

Gabi na nang makabalik kami. Ang iba ay hindi na nagawang makakain dahil sa pagod at sakit ng kanilang katawan kaya natulog na lang sila upang hindi na maramdaman ang sakit.

Katatapos ko lang kumain at mag-ayos ng aking sarili. Naka-upo ako sa aking kama habang minamasahe ang aking paa.

May kamay akong nakita malapit sa mukha ko, may hawak itong kung anong oil. Inangat ko ang aking paningin at nakita ko si Archer.

"Baka sakaling makabawas sa sakit," aniya habang inaabot sa akin 'yung hawak niya.

"Salamat," saad ko at nginitian siya. Hindi na rin siya nagtagal sa may kama ko at bumalik na sa pwesto niya.

Naglagay ako ng kaunting oil sa palad ko saka iyon kinuskos sa aking binti at paa. Mayamaya lang ay medyo uminit ang pakiramdam ko sa aking mga binti. Effective.

Kung iisipin simple lang 'yung laro namin ngayon, pero pinagod talaga nila kami. Nilagyan pa nila ng twist, a.

Napapikit ako nang maalala ang ginawang execution kay Ember. Hindi ko yata kayang mapunta sa ganoong sitwasyon.

Bumuntong hininga ako. Sana bukas ay hindi masyadong gamit ang mga paa namin sa laro. Natotorture na ang mga binti namin dito, e.

Bumangon ako para uminom ng tubig. Madilim na at ang liwanag na lang ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa loob. Babalik na sana ako sa kama ko nang may marinig akong mahinang mga hikbi.

Hinanap ko kung saan nanggagaling iyon ag nakita ko ang kana ni Anna. Nakatakip siya ng kumot pero nagtataas-baba iyon kaya halatang umiiyak siya.

Bumalik sa akin 'yung mga nangyari kanina. Grabe rin ang nangyari sa kaniya dahil muntik na siyang matalo sa laro. Alam ko lahat kami rito ay takot na takot na at hindi maiwasang isipin na sumuko na lang at umalis na sa laro.

Ano kayang gagawin nila kung sakaling umayaw na kaming lahat? Papatayin nila kami? Pag pinatay niya kami wala na siyang players para sa laro na mahal na mahal niya, tss.

Bumalik na ako sa kama ko at nahiga.

Napapaisip tuloy ako kung ano kaya ang gagawin ni Ace para gawin kaming lahat na palaban. 'Yung kahit isang segundo ay hindi na papasok sa isip namin ang umalis sa larong 'to.

LEVEL 31 (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon