» 05. LEVEL TWO - THE GAME

167 21 11
                                    

"Brinsley!"

Napamulat ang mga mata ko dahil sa sigaw na iyon. Nagising ako sa isang madalim at tahimik na gubat na tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw.

"Guys?!" Pagtawag ko sa mga kasama ko.

Nasaan na sila? Nasa laro na ba kami?

"Guys?! Hello?!" Pagatawag ko muli pero walang nasagot. Madilim pa naman kaya nahihirapan akong makita ang paligid.

Naibaling ko ang tingin ko sa likuran ko dahil may kaluskos akong narinig doon.

"May tao ba riyan? Olivia?" Wala pa ring sumagot.

May narinig muli akong kaluskos pero wala akong makita na kahit ano o sino na maaring gumawa ng kaluskos at doon na ako nagsimulang kabahan. Nasaan na ba ako? Eliminated na ba ako?

"GUYS?!!" Mas nilakasan ko ang pagtawag sa kanila pero wala pa rin akong natatanggap na sagot.

"OLIVIA?!"

"ZABELLE?!"

"ERICO?!"

Tinawag ko na rin ang mga manlalaro na madalas kong nakakausap pero kahit sila ay wala.

"Nasaan ba kayo?!!!"

"Brinsley."

Nilingon ko agad yung tumawag sa akin at agad nangunot ang noo ko dahil sa nakita.

"Oscar? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Eliminated na siya pero bakit buhay pa siya?

Nagulat ako nang bigla siyang umiyak ng sobrang lakas, sumabay pa ang biglang pagbuhos ng ulan, malalakas na kulog at kidlat. Pati ang mga dahon na galing sa mga puno ay nagliliparan na dahil sa lakas ng hangin.

"Hindi mo ako sinama sa safe room! Pinatay mo ako, Brinsley!"

Napalunok ako dahil sa sinabi ni Oscar.

"A-Ano bang sinasabi mo?" Nauutal kong tanong. Unti-unti na akong nakokonsiyensiya. Bakit ba kasi ako nandito? Nasaan ba ako?

"Pinatay mo ako, Brinsley!" Sigaw niya pa muli at ngayon ay may galit na ang kaniyang mga mata.

"Hindi totoo 'yan!" Na-iiyak na ako.

"Hindi ka totoo! Patay ka na!" Dagdag ko pa.

"Oo dahil pinatay mo ako!"

"Hindi!"

"Pinatay mo ako, Brinsley!"

"Tumigil ka na!"

"Ikaw ang pumatay sa akin! Pinatay mo ako!"

"Pinatay mo ako, Brinsley!"

"Pinatay mo ako!"

"TAMA NAAA!!!"

"BEB! BRINSLEY, WAKE UP!"

Mabigat ang paghinga ko nang magising ako dahil sa paggising sa akin ni Olivia. Pawis na pawis ako at ramdam ko pa rin yung takot na nararamdaman ko sa panaginip ko. Tiningnan ko si Olivia at agad ko siyang niyakap. Buti ginising nuya ako.

"Thank you," sabi ko sa kaniya at mas niyakap pa siya ng mahigpit.

"Natatakot na ako, Olivia," dagdag ko pa. Alam ko naman na hindi ako ang pumatay sa kaniya pero bakit napanaginipan ko siya? Bakit ako nakokonsiyensiya?

"Okay, tell me. What happened?" Nag-aalalang tanong niya. Naupo siya sa kama ko at ngayon ko lang din napansin na kami lang pala ang gising, tulog pa lahat ng manlalaro. Madilim pa kasi.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now