» 16. LEVEL FIVE - THE GAME (SET ONE)

118 20 9
                                    

"Ice ice water change your foot..."

"If your foot is dirty..."

"Please go home and change it..."

"Ice ice water change your foot..."

"If your foot is dirty..."

"Please go home and change it..."

"Ice ice water change your foot..."

"If your foot is dirty..."

"Please go home and change it..."

Paulit-ulit iyong naririning ng mga manlalaro nang magising sila at walang makita dahil sa sobrang dilim.

"Nasaan ako?"

"Hello?!"

"Guys? Nandiyan ba kayo?"

"Wala akong makita."

"Ako rin, sobrang dilim."

"Wala rin akong mahawakan."

"Ahhh, ang sakit ng ulo ko."

"Ang lakas nung tugtog, hindi ko kayo marinig!"

"Nakakabingi nga!"

Lahat ng mga manlalaro ay puro tanong ang nasa isipan. Alam man nila kung ano ang mangyayari sa laro, hindi pa rin nila maiwasang kabahan dahil para silang nakapikit dahil sa sobrang dilim at napakalakas pa ng tugtog na para bang nasa loob iyon ng kanilang tenga.

Patuloy lang sila sa pagtatanungan at pagkapa sa paligid nang sunod-sunod a umilaw ang kanilang tinatapakan. Kulay puting bilog na sobrang liwanag ang nasa ilalim ng kanilang mga paa. Dahil doon, kahit papaano ay nagkita-kita sila.

Pinagmasdan nila ang kanilang paligid na para bang ngayon lang sila nakakita. Naka-bilog na ang mga manlalaro, isang malaking bilog. Hindi nila alam kung nasaang lugar sila dahil sa sobrang dilim. Ang tangi lang nilang nakikita ay ang isa't isa at ang malaking screen na nasa hindi kalayuan. Kahit ang speaker kung saan nanggagaling ang malakas na tunog ay hindi nila makita kung nasaan.

L E V E L 0 5
« ICE ICE WATER »
PLAYERS: 27

GOOD LUCK
Must reach level 31

Tahimik lang silang lahat nang biglang may lumabas na asul na ilaw na nasa gitna ng bilog na binubuo nila. Tumigil ang malakas na tugtog at napalitan iyon ng bilang.

"Ten..."

"Nine..."

"Eight..."

Lahat sila ay hinihintay lang kung ano ang susunod na mangyayari. Wala na silang oras na magsalita o magtanong pa dahil pinangungunahan na rin sila ng kaba.

"Seven..."

"Six..."

"Five..."

"Four..."

"Three..."

"Two..."

"One..."

Nang matapos ang bilang ay muli nilang narinig ang tugtog na naririning nila kanina. Kasabay noon ay ang pag-ilaw ng asul na ilaw sa bawat isang manlalaro.

"Ice ice water change your foot..."

"If your foot is dirty..."

LEVEL 31 (ONGOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin