» 12. LEVEL FOUR - THE GAME

148 17 4
                                    

"Nasa Pilipinas pa ba tayo?" Tanong ni Caden nang ilibot niya ang kaniyang paningin sa lugar kung nasaan sila.

"Whoo, ang lamig." Napayakap si Thalia sa kaniyang sarili. Pina-suot naman sila ng jacket pero hindi iyon sapat para hindi na sila makaramdam ng lamig.

"Makapal na 'yung jacket pero nilalamig pa rin ako," sabi naman ni Althea na napayakap na rin sa kaniyang sarili.

"Sa pagkakaalam ko, wala namang gan'to sa Pilipinas," Sabi ni Wilver, tulad ni Caden ay inililibot niya rin ang kaniyang paningin sa kanilang paligid.

"Kahapon ay tubig tapos ngayon, yelo at niyebe." Napayakap din si Sendrick sa kaniyang sarili dahil sa lamig na kaniyang nararamdaman.

"Hindi talaga ako mahal ni Universe," malungkot na sabi ni Zack kaya napatingin sa kaniya ang ilang manlalaro.

"Kahapon, kailangan nating lumangoy para maging safe, e hindi nga ako marunong lumangoy tapos ngayon..." inaabangan lang ng mga kasama niya ang kaniyang sasabihin.

"Kailangan nating tumakbo para maging safe, e baka nga mas mabilis pa sa'kin 'yung bata kapag tumatakbo," dagdag pa nito.

"Again, hindi ka nag-iisa," natatawa pang sabi ni Hazel kahit ang totoo ay sobra na siyang kinakabahan. "Mahal na talaga kita." Nagulat ang lahat dahil sa sinabi ni Zack.

"Ano?!" Tanong ni Zack nang makita ang reaksiyon ng kaniyang mga kasama.

"I mean kasi na, mahal as a friend or what-- ate, gano'n or mahal as tao, kasi parang lagi akong may karamay at saka hindi ako pumapatol sa mas matanda sa'kin 'no!" Pagpapaliwanag niya.

Natawa na lang ang ilan kay Zack pero ginagawa lang nila iyon para itago ang takot at kaba na nararamdaman nila. Lahat sila ay nanginginig pero hindi lang iyon dahil sa lamig. Nanginginig sila dahil sa takot na baka sila ang maging pagkain ng lobo na hahabol sa kanila.

Nagsimula nang maglakad ang mga manlalaro sa niyebe na dinadaanan nila. May mga matataas na puno rin at mga bato sa paligid. Sobrang tahimik at tanging sila-sila lang ang makikita sa lugar na iyon.

"Guys," pagtawag ni Ebony sa kaniyang mga kasama. Doon nila nakita ang malaking papel na nakapaskil sa malaking puno.

L E V E L   0 4
« ALPHA & OMEGA »
PLAYERS: 28

GOOD LUCK
Must reach level 31

Pagkatapos na pagkatapos nilang mabasa iyon tumunog ang kanilang mga relo at sinasabing simula na ang laro.

"Uh, guys.."

Napatingin ang lahat kay Thalia nang tawagin sila ng babae. Hindi ma-ipaliwanag ang gulat sa kanilang mga mukha, nanlalaki ang kanilang mga mata at laglag ang mga panga dahil sa kanikang nakita.

Nakita na nila ang isang lobo. Ang Alpha. Malaki ito, galit at makikita mo ang mga ngiping matutulis na handa nang kumagat ng laman.

"Takbo!" Sigaw ni Patrick saka dali-daling tumakbo sa ibang direksiyon. Sumunod ang lahat sa kaniya pero napatigil din silang lahat nang may isang malaking lobo na naman ang humarang sa daan nila. Ang Omega.

Makikita rin ang napakatulis nitong mga ngipin na handa na ring kumagat at kumain ng laman.

"Shit, takbo!" Sigaw muli ni Patrick.

Lahat sila ay kumaripas ng takbo sa magkaka-ibang direksiyon. Para silang mga kabayo sa sobrang bilis ng paggalaw ng kanilang mga paa pero hindi iyon sapat. Gusto man nilang bilisan pa ang paggalaw ng kanilang mga paa ay hindi nila magawa. Mahirap dahil nalulubog ang kanilang mga paa sa ibang parte ng niyebe na tinatakbuhan nila.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now