» 40. LEVEL TEN - THE GAME (PART TWO)

82 4 0
                                    

"Kaya pala flashlights kasi sobrang dilim pala talaga dito sa loob, wala talagang makikita parang nakapikit na tayo rito, eh," saad ni Zack.

Magkakasama silang tatlo nina Clara at Patrick. Nang pumasok sila sa dilaw na pinto ay wala silang ibang nakita kun'di kadiliman. Mabilis naman agad nilang nabuksan ang hawak nilang flashlights kaya kahit papaano ay nakakakita na sila sa dilim.

"Ang laki ng room, kailangan nating mag-ingat dahil hindi pa natin alam kung anong meron dito sa loob," saad ni Patrick habang inililibot ang liwanag ng flashlight sa kabuoan ng kuwarto.

May nakita silang ilang piraso ng mga upuan at mga lamesa. May kung ano-ano ring nakakalat sa sahig tulad ng mga boteng walang laman at ilang mga sirang gamit. May mga sapot ng gagamba sa bawat sulok ng kuwarto at hindi masyadong maganda ang amoy sa loob.

"Baho ah." Napatakip na lang ng ilong si Clara.

Ilang minuto rin nilang nilibot ang buong kuwarto. Wala namang kahit anong kakaiba roon at pakiramdam nila ay hindi rin naman delikado. Ang challenge lang talaga roon ay walang ilaw.

"Baka dead end din 'to? Wala namang pinto, eh," sabi ni Zack sa dalawa niyang kasama.

Magsasalita na sana si Patrick nang mapasigaw ito, "Ahhhh!"

Mabilis namang lumapit sa kaniya ang dalawa saka ito tinutukan ng flashlight, doon nila nakita ang isang butas sa sahig, sapat lang ang laki nito para magkasya ang isang tao.

Patuloy pa rin sa pagsigaw si Patrick. Sinilip ng dalawa ng butas, kulay pula ang loob nito at hindi diretso pababa ang bagsak kundi parang isang slide sa playground.

"Patrick?!" sigaw ni Clara nang hindi na marinig ang boses nito.

"Patrick! Ayos ka lang ba?!" sigaw ni Zack nang hindi sumagot si Patrick sa pagtawag ni Clara.

Ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin silang naririnig mula rito. Nagkatinginan ang dalawa at makikita ang pag-aalala at takot sa kanilang mga mukha.

Sisilipin sana muli nila ang loob ng butas nang magulat sila sa paghiyaw ni Patrick. Nakahinga naman sila ng maluwag dahil ang sigaw ni Patrick ay hindi tunog ng humihingi ng tulong kun'di sigaw ng parang nanalo sa loto.

"Bwisit ka! Tinakot mo kami ron!" sigaw sa kaniya ni Clara.

"Bumaba na kayo rito! Bilis! Matutuwa talaga kayo, promise!" Bakas pa rin ang tuwa sa tono ng pananalita ni Patrick.

"Ladies first." Inalalayan ni Zack si Clara na makapasok sa butas. Nilingon pa saglit ni Clara si Zack na parang natatakot ito, tinanguan at nginitian lang siya ni Zack at wala na siyang nagawa nang itulak siya nito pababa sa underground slide na iyon.

"Ahhhh loko ka, Zack!" maririnig ang tili ni Clara na pahina nang pahina. Inilawan ni Zack ang butas habang natatawa at nang wala nang marinig na sigaw ay pumasok na rin siya sa butas at hindi nag-alinlangang dumausdos pababa.

Nanlaki ang mata nina Clara at Zack dahil sa tuwa nang makita ang room na kinaroroonan nila. Nakita nila si Patrick na nakahiga at nakapikit sa isang mahabang upuan na tila nagpapahinga.

Dahan-dahan naman nitong iminulat ang kaniyang mga mata at binigyan ng matamis na ngiti ang dalawa niyang kasama.

"Welcome to safe room!" Mas lumawak ang mga ngiti nila dahil sa sinabi ni Patrick. Doon nila napagtanto na ang butas na iyon ay isang shortcut papunta sa safe room.

Hindi nila napigilan ang mga sarili na mag-group hug dahil sa tuwa.

Muli nilang pinagmasdan ang loob at nakita nilang may malaking tv screen doon kung saan makikita ang loob ng bawat kuwarto. Mga cctv pala ang tinitingnan nila at kitang-kita nilang lahat sa screen na iyon kung ano ang nangyayari sa bawat players.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now