» 24. LEVEL SIX - THE GAME (PART THREE)

77 14 1
                                    

RED VS. BLACK

ARCHER VS. ERICO

ARCHER: NINE:
FILL THE DRUM WITH WATER.

ERICO: THREE:
WRITE YOUR FULL NAME USRING YOUR TOES.

Nahila agad ng black team ang tali kaya nakapagsulat agad si Erico ng isang letra. Surname na lang ang kulang niya,  tatlong letra lang iyon kaya dalawang letra na lang ang kaniyang kulang sa task.

"Buti ang ikli lang ng apelyido mo, Erico," sabi ni Edith. "Oo nga, eh," sagot naman ni Erico habang inuunat ang paa para maabot ang whiteboard. Pilit niya ring ibinabalanse ang sarili para hindi siya matumba dahil isang paa lang ang gamit niya sa pagtayo.

Mayamaya lang ay naabot na niya ang white board pero sa halip na letrang 'i' ang ma-isulat niya ay bilog ang nabuo niya dahil sa likot ng paa niya. Nahihirapan kasi siya dahil sa paghila ng kabilang team.

"Isang timba na lang, kaso sobrang bigat," saad ni Archer. Isang timba na lang ang kulang para mapuno ang drum pero tulad ni Ollie kanina ay nanginginig na ang mga binti at braso ni Archer dahil sa sobrang bigat noon.

Pilit na hinila nina Wilver at Rosette ang tali para kay Archer. Nagsusugat na ang mga palad nila dahil sa sobrang paghila.

"Ahhh shit," bulong ni Wilver nang makitang nagdugo ang palad niya. "Anong nanagyari?" Tanong ni Archer, hindi niya na rin kinaya ang pagbubuhat kaya ibinaba niya muna iyon. Nabitawan din ni Wilver ang tali dahil sa palad niyang nagdugo.

Si Rosette na lang ang natira. At dahil hindi siya makakilos ng maayos ay hindi na niya nalabanan ang black team.

"Isulat mo na, Erico!" Sigaw ni Ziah. Sobrang lapit na ni Erico sa white board kaya hindi diya nagdalawang isip pa na isulat ang huling dalawang letra ng pangalan niya.

RED VS. BLACK

ARCHER VS. ERICO

ARCHER: NINE:
FILL THE DRUM WITH WATER.

ERICO: THREE:
WRITE YOUR FULL NAME USING YOUR TOES.

ARCHER < ERICO
ERICO WINS!

"Good luck, kayanin niyong dalawa, okay?" saad ni Erico kay Ziah at Edith na natira sa black team. Tumango lang ang dalawa kahit halata sa mukha nilang natatakot na sila sa magiging resulta ng laro.

Tinapik ni Erico ang balikat ng dalawa, tiningnan niya rin ang red team at tinanguan niya ang mga ito saka kinuha ang susi para nakapasok sa safe room.

L E V E L 0 6
TUG OF WAR
21/25

"Dalawa na lang tayo, Edith. Kaya natin 'to," sabi ni Ziah. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya.

Si Ziah na ang sunod na gagawa ng task at si Edith lang ang maghihila. Ayaw niya man aminin pero may parte sa kaniya na gustong matalo si Ziah dahil mahihirapan siya kung mag-isa lang siyang lalaban sa tatlo.

RED VS. BLACK

WILVER VS. ZIAH

WILVER: ELEVEN:
DRINK EIGHT GLASSES OF WATER.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now