» 03. LEVEL ONE - GAME OVER

181 29 0
                                    

C O N G R A T U L A T I O N S!

L E V E L 0 1 ✓

30/31

Althea S. de Vera

Anna C. Herrera

Archer T. Gracia

Brinsley B. Flores

Caden A. Cruz

Chad D. Javier

Clara O. Ponce

Cleo C. Andaya

Davis G. Ortiz

Ebony M. Cortez

Edith M. Rosales

Ellery T. Silva

Ember M. Ybañez

Erico I. Gil

Grant R. Smith

Hazel V. Sevilla

Matt D. Francisco

Missy C. Torres

Mio D. Salazar

Ollie O. Palma

Oliver P. Vargas

O̶s̶c̶a̶r̶ A̶. C̶h̶u̶a̶

Patrick D. Mendez

Raquel M. Valdez

Rossette P. Vergara

Sendrick A. Ilagan

Thalia P. Blanco

Wilver P. Bautista

Zabelle G. Alonso

Zack S. Gomez

Ziah C. Trinidad

Thank you for being part of the game, Oscar A. Chua.

~•~

BRINSLEY

Nagising ako na nasa kama na ako. Inalala ko kung ano ang huling nangyari.

Nakatingin kami sa screen na nasa loob ng safe room nang biglang binalot ng usok ang loob ng silid. Puro pag-ubo lang ang narinig ko non hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Tumayo na ako nang maalala ang nangyari, napahawak ako sa ulo ko dahil bigla akong nahilo sa bigla kong pagtayo. Tiningnan ko ang mga kasama ko, ang iba ay tulog, ang iba ay nakain habang ang iba ay nag-uusap. Mahahalata mo pa rin sa iba na hindi pa rin sila nakakamove-on sa nangyari.

Tningnan ko ang braso ko at wala na doon ang relo na suot namin kanina. Tiningnan ko rin ang malaking screen dito sa loob dahil hindi ko pa nababasa ang nakalagay doon.

May nakasulat lang na 'congratulations' at nakalagay rin doon ang mga pangalan namin, ang pangalan ni Oscar ay naka-ekis na.

Napabuntong hininga na lang ako. Naghanda na ako ng makakain ko dahil nakaramdam ako ng gutom. Habang kumakain ay pinagmasdan ko lang ang mga kasama ko. Bigla ko tuloy naalala sila Caden.

Tiningnan ko si Caden at nagamot na ang paa nito. Ganoon din si Wilver at ngayon ay nagpapahinga na sila. Nagamot na rin si Erico at sabay silang kumakain ngayon ni Zabelle. Si Olivia naman ay inaalayan si Mia, malalim ata ang sugat nito. Sana gumaling agad.

Binabalot ng katahimikan ang loob na makakadagdag sa kaba o takot na nararamdaman ng bawat isa sa amin.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang video kanina ni Oscar. Ayaw kong isipin pero ang hirap hindi isipin. Naalala ko na naman kung paano hiniwa ang leeg niya at kung paano sumirit ang dugo galing doon.

Shit, bakit ko ba inisiip yon habang nakain ako?!

Agad akong pumunta sa banyo saka sumuka doon. Ngayon ko lang din nalaman na hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit. Agad kong inalis ang damit ko dahil nakita ko rin na may bahid ito ng dugo.

Bakit naman nagkaroon ng dugo 'to.

Inalis ko na ang lahat ng damit ko saka naligo. Ipinahinga ko lang ang sarili ko sa bathtub at pilit kong inaalis sa utak ko ang nangyari kanina

Bukas ay panibagong laro, ibig sabihin ay panibagong player ang ma-e-eliminate.

Sino kaya? Sana hindi ako.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now