» 26. REST DAY

110 15 10
                                    

"Brinsley, tapos mo na tawagan 'yung pamilya mo?" Tanong sa akin ni Caden pagka-akyat niya rito sa taas.

Tanghali na at lahat naman kami ay nagising na pero ang iba ay gumising lang para kumain at maligo saka bumalik muli sa pagtulog. Siguro'y pagod at masakit pa rin ang katawan nila dahil sa tug of war.

Ang iba naman ay ginagawa lang ang kadalasan nilang ginagawa tuwing rest day. May nagbabasa, nanonood, nagtatahi, tumatambay sa terrace at iba pang pwedeng gawin. Katatapos ko lang tumawag kina mama, nagkamustahan lang kami at mabuti naman at ayos lang sila. Mabuti nga at hindi siya nagtataka kung bakit dalawang araw bago muli ako tumawag.

"Katatapos lang, bakit?" tanong ko pabalik kay Caden, tatabihan ko kasi sana sina Missy sa couch habang nanonood nang bigla niya akong tanungin.

"Tawag ka ni Chad, eh," sagot niya at napaturo pa sa direksiyon kung nasaan si Chad. Kaya pala hindi ko siya nakita rito sa taas, nasa baba pa pala siya.

"Bakit daw?" nakakunot noong tanong ko muli kay Caden. Nagkibit balikat lang siya at nilampasan na ako para tumawag sa pamilya niya. Nagtataka akong nagtungo sa hagdan at bumaba.

Ano naman kaya ang kailangan no'n?

Habang bumababa ay nakasalubong ko si Archer na papunta sa taas. Nagtama ang paningin namin at agad niya akong nginitian kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Natawagan mo na family mo?" Tanong niya saka tumigil muna sa pag-akyat. "Mmm, katatapos lang," sagot ko at tumigil din muna sa pagbaba.

"Kumusta sila?" Tanong muli ni Archer. "Ayos lang naman, mabuti nga hindi nila napapansin na may schedule ang pagtawag ko," sabi ko.

Bahagya namang natawa si Archer saka muling nagsalita, "Sige na, akyat na ako. Ikaw ba? Saan ka pupunta?"

"Uhm, kay Chad lang," sagot ko saka pilit na ngumiti. Mabagal naman siyang napatango saka pilit ding ngumiti.

"Ahhh sige, akyat na ako," pagpapaalam niya. Tinanguan ko na lang siya saka tinuloy na rin ang pagbaba.

Agad kong inilibot ang paningin ko nang makababa ako para hanapin si Chad. At dahil halos lahat ay tulog at kaunti lang ang gising ay nakita agad siya ng mga mata ko.

Nandoon lang pala siya sa may mini kitchen na katabi ng kama niya. Pero bakit naman siya nakatayo sa may kalan? Ang alam ko ay mas lalo na siyang natakot na lumapit sa kalan dahil sa nangyari sa kaniya.

"Tawag mo raw ako?" Tanong ko nang makalapit sa kaniya. Nilingon niya naman ako at nakita kong may maliit na kurbang nabuo sa labi niya.

"Uhm, yeah. I–I made something." Napatungo siya at napakamot sa kaniyang batok. "Ano 'yun?" Tanong ko.

"Here." Saglit siyang tumalikod sa akin at may kinuha. Mayamaya lang ay hinarap niya muli ako at inabot sa akin ang isang plato na may... itlog?

"Nagluto ka ng itlog?" Nakangiti kong kinuha iyong plato na may itlog. Gusto kong matawa dahil hindi ko inexpect na itlog ang ibibigay niya. Kita ko rin sa mukha niya na parang proud pa siya dahil muntik na niyang ma-perfect 'ung shape ng itlog.

"Naisipan ko lang i-try. A-Ayos lang ba?" Kumuha ako ng tinidor saka kumuha ng kaunting itlog para tikman ang luto niya.

Agad na nalukot ang mukha ko nang ma-isubo ko ang itlog. Dahan-dahan ko iyong nginuya, gusto ko sanang i-luwa pero ayaw ko naman gawin iyon sa harap ni Chad.

"Why? Hindi ba okay?" nakakunot noong tanong niya. Pilit akong ngumiti saka pilit na nilunok ang itlog bago magsalita. "Isang kutsarang asin ba ang nilagay mo?" Dahan-dahan kong sabi sa tono na hindi niya mamasamain.

LEVEL 31 (ONGOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora