» 20. LEVEL FIVE - GAME OVER

94 17 1
                                    

C O N G R A T U L A T I O N S !

L E V E L 0 5

26/31

Althea S. de Vera

Anna C. Herrera

Archer T. Garcia

Brinsley B. Flores

Caden A. Cruz

Chad D. Javier

Clara O. Ponce

C̶l̶e̶o̶ C̶. A̶n̶d̶a̶y̶a̶

D̶a̶v̶i̶s̶ G̶. O̶r̶t̶i̶z̶

Ebony M. Cortez

Edith M. Rosales

Ellery T. Silva

Ember M. Ybañez

Erico I. Gil

Grant R. Smith

H̶a̶z̶e̶l̶ V̶. S̶e̶v̶i̶l̶l̶a̶

Matt D. Francisco

Missy C. Torres

Mio D. Salazar

Ollie O. Plama

Oliver P. Vargas

O̶s̶c̶a̶r̶ A̶. C̶h̶u̶a̶

Patrick D. Mendez

Raquel M. Valdez

Rosette P. Vergara

Sendrick A. Ilagan

T̶h̶a̶l̶i̶a̶ P̶. B̶l̶a̶n̶c̶o̶

Wilver P. Bautista

Zabelle G. Alonso

Zack S. Gomez

Ziah C. Trinidad

Thank you for being part of the game,
Hazel V. Sevilla

~•~

Brinsley

"Zack, hindi mo kasalanan."

Sabay-sabay kaming kumakaim ngayon. Tahimik lang ang lahat maliban kay Zack na sinasabing nakokonsiyensiya siya at sa mga katabi niyang paulit-ulit sinasabing hindi niya kasalanan.

Dapat na siguro kaming masanay sa ganito. Dahil sa mga klase ng laro na pinapalaro sa amin ni Mr. Ace ay hindi talaga namin maiiwasang hindi makonsiyensiya kahit na wala naman talaga kaming kasalanan. At saka napalapit na rin kasi kami sa isa't isa. Ang hirap namang iwasan iyon dahil may mga panahon na kailangan mo rin talaga ng makakasama sa laro.

I mean... gusto lang din naming makaligtas. Lahat naman ay iyon ang gusto.

Iyon lang naman kasi ang paraan para manalo at mapanalunan ang pera.

Mayamaya lang ay natapos na kaming kumain. Ang iba ay ngayon pa lang maliligo at maglilinis ng kanilang katawan. Ang iba naman ay nilabhan na ang ginamit nilang damit para may magamit sila sa laro bukas. Ang iba naman ay nag-ayos na ng higaan at nagsimula nang magpahinga.

Napatingin muli ako kay Zack na halatang malalim pa rin ang iniisip. Kahit ako, may parte sa akin na nakokonsiyensiya dahil pakiramdam ko ay sa akin naman talaga nagsimula.

Hindi naman sila mapupunta sa set four kung wala sila sa set three, hindi sila mapupunta sa set three kung wala sila sa set two, at hindi naman sila mapupunta sa set two kung hindi dahil sa akin.

Napabuntomg hininga na lang ako saka sinimulamg ayusin ang kama ko. Pilit ko na lang iyong inalis sa utak ko. Iisipin ko na lang din na hindi naman mangyayari iyon sa kanila kung hindi sila sumali rito, kaya hindi lang ako ang may kasalanan.

"Ayos ka lang ba?" Nilingon ko si Olivia nang tanungin niya ako. "Iniisip mo na naman ba na ikaw ang may kasalanan?" Tanong niya pa muli.

"Sa lahat ba ng level ay iisipin mong ikaw ang may kasalanan kung bakit ma-e-eliminate ang isang player?" Nakakunot noong sabi niya.

"Hindi naman. Hindi ko lang talaga mapigilan," sagot ko sa kaniya. "Tsaka, baka masanay rin ako pagtagal," dagdag ko. Napabuntong hininga na lang si Olivia.

Level five pa lang ito, wala pa kami sa kalahati ng buong laro. Sa tuwing iniisip ko na masasanay ako sa pagkawala ng bawat manlalaro sa amin ay may parte sa akin na kinikilabutan.

May parte sa akin na ayaw masanay na palaging may mawawala at mamatay sa amin pero alam kong kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil normal iyon sa larong ito. At saka alam kong mas mahihirapan lang ako kung palagi kong iisipin ang mga manlalarong natanggal na sa laro.

Umupo na ako sa kama ko nang magtama ang paningin namin ni Chad. Pilit ko siyang nginitian at agad din naman niya akong sinuklian ng maliit na ngiti.

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit niya ako hinayaang pindutin ang buton niya sa set one. At kung bakit hindi siya tumakbo noong naglalaro kami sa set two.

Ayaw ko namang isipin na dahil iyon sa akin pero wala na kasi akong maisip na dahilan.

Bumangon ako muli saka tiningnan si Chad. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang nakahiga na siya at nagpapahinga. Napagdesisyunan kong h'wag na lang itanong.

Bumalik na ako sa pagkakahiga. Mayamaya lang ay ipinikit ko na ang mga mata ko. Sobra akong napagod sa laro ngayon, sana naman ay hindi na gaanong nakakapagod ang laro sa next level.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now