Kabanata 2

11.6K 197 58
                                    

Kabanata 2

Big Deal

Maaga ako nagising kinabukasan para pumunta sa bahay nila Vien. Sa hindi malamang dahilan ay para akong batang excited makatungtong ngayon sa bahay nila. Inabot ko ang isang pandesal na nakahain sa lamesa at kinagat. I waved my hands bilang pagpapaalam sa mga kapatid ko.

Maaga umaalis ng bahay si Papa dahil pangingisda lamang ang tanging kinabubuhay namin. Si Mama naman, pumunta kina Aling Rose para maglaba, iyon naman ang isa pa naming kinabubuhay. Simple lang ang buhay namin. Maging ang mga may kaya rito sa lugar namin ay simple lang din mamuhay. Siguro ay nasanay na kami na galing sa dagat ng bayan namin galing ang lahat.

"Umuwi ka ng maaga, Ianne! Hindi ko ginusto iyong ginawa mo kagabi," pahabol na sabi ni Ate Penny.

Tumawa naman ako at hindi na sumagot. Ang kinuha kong isang pandesal sa amin ang naging almusal ko sa araw na iyon hanggang sa makarating ako sa bahay nila Vien. Pumasok ako sa loob at naabutan kong nakaupo sa couch si Jarrik at tulala.

"Hi!" bati ko sa kanya tsaka kumaway.

Ang kaninang walang ekspresyon niyang mukha ay biglang nagkaroon ng ngiti. He waved back tsaka tinapik ang couch sa tabi niya; para roon ako maupo. Ginala ko ang tingin ko sa buong bahay para hanapin si Vien. Usually, mga ganitong oras ay tulog pa iyon pero ngayong may bisita na siya rito ay alam kong maaga rin siyang nagising.

"Naliligo," sagot ni Jarrik kahit na wala naman akong tinatanong. Takang tinignan ko siya ngunit tinawana lang niya ako.

Tsaka ko lang napagtanto ang sinabi niya nang biglang may marinig akong yapak ng paa mula sa taas. Nalipat doon ang tingin ko at nakita si Vien na bagong ligo. Basa pa rin ang buhok at pinapatuyo niya iyon gamit ang maliit na tuwalyang kinukuskos niya roon. Dala ng hangin ay naamoy ko agad ang amoy ng shower gel niya.

"Good morning!" bati ko sa kanya at saka nginitian siya.

Hindi ko alam kung bakit malakas ang enerhiya ko ngayon kahit na marami namang nangyari kagabi. Kinalimutan ko na rin ang away namin ni Vien at inisip na nadala lang siya sa mga pangyayari kaya niya ginawa at sinabi ang mga iyon. Kung ako ay naka-move on na, siya naman ay hindi pa rin nakakalimutan ang pag-CCPR ko kay Jarrik.

"Aga mo," puna niya.

"Gusto ko maligo ngayon sa dagat!" masayang sabi ko.

Iyon talaga ang balak ko kagabi bago matulog. Kung kagabi ay umulan, ngayon naman ay maganda ang sikat ng araw. Tamang tama sa mga taong gustong lumangoy.

Huminto siya sa harap ko at seryoso akong tinignan. Sumimangot ako nang wala manlang makitang ngiti mula sa labi niya. Nang mapansin niya iyon ay pwersahan niyang bininat ang labi para sa isang ngiti. Natawa ako at nanggigil bigla sa kanya.

"Hindi ako marunong lumangoy," nakayukong sabi ni Jarrik na para bang nahihiya siyang sabihin iyon.

Nalipat ang tingin ko sa kanya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon. Hindi rin kasi ako marunong lumangoy at si Vien ang nagturo sa aking kung paano. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin noon na walang kwenta raw na nakatira ako malapit sa dagat tapos ay hindi manlang ako marunong palutangin ang sarili sa tubig.

"Tuturuan ka namin ni Vien!" masayang sambit ko tsaka tinignan si Vien na nakasandal sa pader habang pinapanuod kaming nag-uusap. "'Di ba, Vien?" wala namang nagawa si Vien kundi tumango.

Pumayag naman si Jarrik at sinabing mag-aayos na muna. Naiwan kami ni Vien sa sala. Umupo siya sa tabi ko at wala pa ring imik. Ganito naman talaga siya. Kung hindi mo kakausapin ay hindi rin magsasalita. Kaya siguro kami nag-click kasi sobrang daldal ko.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon