Kabanata 40

3.4K 71 19
                                    

Kabanata 40

Frozen

Napanganga ako nang marinig ko ang sinabi niya. Para iyong malamig na tubig tapos ay binuhos sa mukha ko para magising ako sa mahimbing na pagkakatulog. Pagkakatulog na wala namang patutunguhan kundi ang pagkagising.

"H-huh?" Hindi maproseso ng isip ko ang lahat kaya kahit gusto kong magsalita ay walang lumalabas na tamang sasabihin ang bibig ko.

Kinapa ko ang nararamdaman ko at nalasahan ko roon ang maalat at lasang metal na dugo mula sa aking puso. Mas lalo akong nanlamig nang makita ko ang walang ekspresyong mukha ni Jarrik sa harap ko na naghihintay lamang sa sagot ko.

Lumunok ako at kumurap-kurap. Nagbabaka sakaling matauhan ako ngunit wala pa ring pagbabago. Tinignan ko si Vien na nakakunot noo habang pinapanuod ako. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya mas lalong umurong ang dila ko.

"A-ah. W-wala."

Pinilit kong abutin ang kamay ni Vien para hawakan. Mainit iyon. Hindi ko alam kung mainit ba talaga iyon o dahil malamig lang ang kamay ko. Naramdaman kong hinigpitan niya ang hawak doon at alam kong gamit noon, nasabi ko na sa kanya kung ano ang dapat kong sabihin.

"I think we should go," ani Vien at bumuntong hininga. "Glad to know you're okay."

Isang tapik ni Vien sa balikat ni Jarrik ay nagsimula na kaming maglakad. Nagpaalam din kami sa mga kapatid ni Jarrik na nagtataka sa inasal namin. Siguro ay dahil hinintay namin ng ilang minuto si Jarrik tapos ay iyon lang ang sasabihin namin.

"Something's not right. Wait, iyon lang 'yon?" Ani Yvonne.

"You're kidding. Right?" Si Rielle naman.

Matalino sila para malinlang. Matalino sila para kagatin ang ginawa naming rason ni Vien. At alam kong ganoon din si Jarrik. Ngunit wala siyang ginawa para pigilan kami.

Nagpatuloy kami ni Vien sa paglalakad. Nanginginig ang aking kamay habang hawak niya iyon. Siguro kung hindi niya hawak ang kamay ko ay hindi ko alam kung saan ako tutungo. Dahil sa ngayon ay nawala na ako sa katinuan ko.

"I'm sorry..." mahinang sabi ni Vien nang makarating kami sa elevator.

Nakayuko lang ako. Nag iinit ang buong katawan ko pagkatapos iyon manlamig kanina. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga sa sobrang bigat ng nakadagan sa dibdib ko.

Nagbago na si Jarrik. O baka hindi lang talaga siya kilala? Baka iyong Jarrik na pinakita niya noon sa Sta. Cruz ay hindi naman talagang siya. At itong Jarrik na nasa Maynila ay ang totoo niyang ugali.

"For what?" Mahina ko ring tanong.

"For this," he sighed. "Noong una pa lang naman talaga ay ayaw mo na sa ideya na ito pero pinilit pa kita."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Sa pagkakataong nagtama ang mata namin ay hiniling ko na sana ay bumalik nalang ako sa kanya. Na sana ay siya nalang ulit ang hanapin ng puso ko. Na sana siya nalang ulit.

Nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako para sa sarili ko. Kung hindi naman dahil sa akin ay hindi mangyayari ito. Bakit ba kailangan mangyari pa ito? Masaya naman kami noon ni Vien. Walang problema.

"Actually, thank you." Kinurot ko ang likod ng kamay ko. "Thank you, Vien sa lahat. Ako nga dapat ang humingi ng sorry kasi hindi mo naman deserve ang masaktan."

"No one deserves to be hurt." Hinila niya ako nang bumukas ang elevator. "Choice ko naman ito kaya wala ka pa ring kasalanan."

Swerte ang mamahalin ni Vien at alam kong hindi ako iyon. Kung sobra na ang pagmamahal niya sa akin ngayon, what more pa kung mahanap na niya ang para sa kanya. Wala ka nang hihilingin pa sa isang Vien Fortalejas. Para kang nakakuha ng jackpot prize.

Pagbalik namin ng condo ni Lucas ay naroon na siya. Nakaupo siya sa couch at walang damit habang kumakain ng pop corn. Nang makita niya kami ay agad siyang tumayo at tinakpan ang katawan niya gamit ang kamay.

"Alam kong maganda ang katawan ko pero tatakpan ko muna," pilit siyang ngumingisi habang inaabot ang t-shirt sa gilid ng couch.

Sinuot niya ang kulay pulang t-shirt at saka kumaway sa akin. Matangkad siya, pero mas matangkad pa rin si Vien. Maganda rin ang pagkakadepina ng panga niya at medyo hawig siya ng kaunti ni Vien. Mas gusto ko nga lang ang mukha ni Vien dahil halong may pagka-amo at bad boy iyon. Samantalang kay Lucas naman ay pure na pang bad boy.

Iyong tipong kasali sa isang fraternity na nakikipag away sa kalye-kalye.

"Hi!" Parang bata niyang bati.

"Huwag mo na akong agawan, Lucas." Ani Vien at saka iniwan ako para pumunta sa kusina.

"Bakit nanaman? Lahat nalang ng babae, sa iyo, ganoon?"

Bumalik si Vien na may hawak na can beer. Binuksan niya iyon gamit lamang ang isang kamay at agad na tinungga. Nakahawak ang isang kamay niya sa kanyang bulsa.

"Sa iyo na lahat ng babae, huwag lang si Ianne."

"Nice. Mas lalo tuloy akong nagka-interes sa kanya."

Kung mag usap sila ay akala mo wala ako sa harapan nila. Alam ko naman din na binibiro lang ni Lucas si Vien ngunit ang isa naman ay pikon na. Kung kay Lucas palang ay pikon na siya, ano pa kaya ang pakiramdam niya tuwing si Jarrik ang kausap ko?

"Back off. She's taken," ani Vien sa isang iritadong boses.

"By you? Sus, madaling agawin!"

"Hindi sa akin, gago."

Umirap nalang ako at napagpasyahan na pumunta sa kwarto ni Lucas para maligo.

Para kasi silang bata kung mag away. Hindi ko nga akalain na ganoon pala maging pikon si Vien. Pinapatulan ang pang batang pang aasar ng kanyang pinsan.

Habang patuloy na rumaragasa ang tubig sa katawan ko ay hindi ko nanaman mapigilang isipin iyong kanina. Nahihiya ako para sa sarili ko. Nahihiya ako, pero wala akong pagsisisi roon. Atleast nakita ko siya ulit. Atleast alam kong safe siya.

Iyon naman ang mahalaga, hindi ba? Ang malaman na okay siya kahit hindi ka okay.

Pagkatapos kong maligo ay naabutan kong nanunuod ng TV ang magpinsan habang magkatabi sa couch. Seryoso silang dalawa at parang intense ng pinapanuod nila kaya inakala ko na baka action iyon or something na related sa mystery. Pero nang makita ko kung ano iyon ay halos mapahilamos ako ng mukha.

"Frozen!?" Gulat na tanong ko.

Nasa parte na ang palabas kung saan hinahanap ni Ana si Elsa.

"Shhh!" Sabay pa nilang sabi.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa pangyayaring ito. Dito lang pala sila nagkakasundong mag pinsan. Sa panunuod ng disney movie at pang babae pa! Kakaiba.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon