Kabanata 14

4.2K 94 56
                                    

Kabanata 14

Wala Sa Sarili

"Is he your first love?" Tanong ni Jarrik habang ang tingin ay hindi inaalis sa akin.

Madaling araw na at narito pa rin kami sa labas ng bahay nila Vien. Umiinom nanaman siya ng beer na nakuha niya sa refrigerator. Malakas ang hangin at sumasabog ang buhok ko kaya tinali ko iyon pataas.

Tumango ako. "First and I hope siya na rin..."

Alam kong hindi dapat magsalita ng tapos lalo na't bata pa kami pero mararamdaman mo kasi talaga iyon, e. Kung siya, siya talaga. Kahit na anong gawin ng problema, hindi kayo matitibag.

Napatango-tango siya. Kahit na hindi na ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman ko pa rin ang talim ng titig niya. Parang naka-glue iyon sa akin kaya hindi niya kayang umiwas ng tingin. Biglang nag-init ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan. Ang arte ko naman.

"How long have you been together?" Sunod na tanong niya.

"Isang taon. Magdadalawa na sa susunod na buwan..."

Lumagok siya sa iniinom niya. Hindi ba siya inaantok? Hindi rin ako inaantok pero kasi kanina pa siya umiinom, dapat nakakaramdam na siya ng antok pero gising na gising pa rin siya.

Naamoy ko nanaman ang amoy niya. Tanungin ko kaya kung anong pabango neto? Para kasing ngayon lang ako nakaamoy ng ganoon. Exclusive lang ba iyon para sa kanya?

"What makes you love him?" Halos mapairap na ako sa sunod na tanong niya.

Akala ko ay tapos na iyon, hindi pa pala. Bakit ba siya interesado?

"He's stupid, careless, a lot of times childish, seloso-"

"Seryoso ka ba riyan?" Hindi na pinatapos ni Jarrik ang sinasabi ko atsaka siya humalakhak habang umiiling.

"Iyon ang minahal ko sa kanya. Ang imperfection niya," ngumiti ako sa kanya habang sinasabi iyon.

Totoo naman, e. Hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao kung puro magagandang bagay lang sa kanya ang nagustuhan mo. Mas masarap magmahal kung eembrace mo iyong mga panget sa kanya.

Napawi ang ngisi ni Jarrik at napalitan ng seryosong mukha. Para siyang manghang mangha sa sinabi ko na parang may sinabi akong kakaiba. Kumunot ang noo ko at inisip ko pa kung ano ang nasabi ko. Wala naman, a?

"Swerte naman ni Vien," mahinang sabi niya tsaka tumawa.

Ngumiti lang ako. Bigla niyang kinuha ang gitara ni Makki sa gilid na nakalimutan niya noong isang araw. Tumugtog si Jarrik ng mga kantang hindi ko alam kaya tumawa ako.

"Anong kanta iyon?" Tumatawang tanong ko.

"Hindi ko rin alam."

Weirdo talaga ang isang ito. Minsan akala mo matino, iyon pala hindi. Parang mas may sapak pa siya sa ulo kaysa kay Vien. Umiling nalang ako habang tumatawa.

Nang tumugtog siya ng isang seryosong kanta ay bigla akong napatingin sa kanya. Nakatingin na rin pala siya sa akin habang ngumingisi na parang sinasabing, "alam mo itong kantang ito"

Sino ba namang hindi makakaalam ng mga kanta ng Parokya ni Edgar? Bata palang ako ay iyon na ang tugtugin ng mga tao rito sa amin. Nakakagulat lang dahil mukhang mahilig din siya sa Parokya ni Edgar. Akala ko kasi ay iyong mga bagong singer ngayon ang hilig niya o kaya ang mga singer na taga ibang bansa.

"Lumayo ka na sa akin

'Wag mo 'kong kausapin

Parang awa mo na

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon