Kabanata 18

3.8K 83 48
                                    

Kabanata 18

Shut up

Hindi ako makagalaw habang nakaupo sa tabi ni Vien. Inangat ko siya ng tingin at nakitang ngumunguya siya noong pulutan habang ang isang kamay ay nakahawak sa back rest ng inuupuan kong monoblock. Tumatawa siya sa isang kwento ni Wave, habang ako ay walang maintindihan sa sinasabi nila.

"Bakit?" nagbaba siya ng tingin sa akin nang mapansin ang paninitig ko. Umiling ako at nag-iwas ng tingin.

Gusto ko siyang tanungin sa mga ginawa niya rito sa Bagong Sikat but at the same time, natatakot din ako sa isasagot niya. Nakita ko naman si Jael na tumatawa sa gilid ng isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay palihim silang nagkakatitigan ni Vien.

Praning na yata ako.

Humalakhak nanaman siya sa kwento nila. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa buhok ko habang tumatawa. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinatawanan nila.

"Tapos alam niyo ba? Takot na takot sa Caterpillar iyang si Vien pero gustong gusto naman ng Butterfly!"

Humagalpak nanaman sila sa tawa. Ngumisi nalang ako at kunyare ay natawa na rin. Hindi ko magawang tumawa at punong puno ng hinala ang loob ko.

Tumayo ako. "CR lang ako..."

Kahit hindi ko alam kung saan ang CR ay umalis pa rin ako. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maigi roon. Naninikip ang dibdib ko at kailangan kong uminom ng tubig.

Pagdating ko sa kusina ay nagsalin agad ako ng isang basong tubig at nilagok iyon ng diretso. Huminga ako ng malalim. What the fuck is wrong with me!?

"Are you okay?" napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.

Nilingon ko iyon at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong baso nang makitang nakasandal sa pader si Jarrik habang nakahalukipkip. May hawak siyang beer sa isang kamay.

"I don't know..." nilapag ko ang baso at umupo.

Madalas ay lagi kong tinatago ang nararamdaman ko pero bakit kay Jarrik, ang dali dali kong masabi. Kumunot naman ang noo niya at umupo rin sa katapat kong upuan.

"Eh anong gusto mong mangyari ngayon?" seryoso niyang tanong.

Napahilamos ako sa mukha ko. Gusto ko ng umuwi pero sayang ang perang ginastos ni Jarrik para lang makarating kami rito. Titiisin ko nalang hanggang sa oras na pwede na kaming umuwi.

"Gusto mo ng umuwi?"

"Hindi. It's not that-"

"It's okay, Ianne. Pumunta tayo rito para sa iyo, uuwi ulit tayo dahil ulit sa iyo," seryosong sabi niya habang lumalagok sa beer.

Masasayang ang pera niya sa pag iinarte ko. Wala naman kahinahinala roon, hindi ba? Classmate sila ni Vien at dapat alam ko na na magsasama sila rito sa field study na ito.

"Ianne-"

"Hindi nga tayo uuwi, Jarrik," sabi ko at pumikit ng mariin.

"Go, talk to him. Sabihin mo lahat ng concerns mo, malay mo naman ay may paliwanag siya."

Tama siya. Dapat ko munang makausap si Vien bago magdesisyon at bago makaramdam ng ganito. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tumayo ako tsaka nilagay sa sink ang ginamit kong baso.

"Tara, balik na tayo?" aya ko sa kanya.

Tumango siya. "Sige na, mauna ka na..."

Pagkabalik ko ay naabutan kong naghaharutan si Jael at Vien. Lumipat ng upuan si Jael at nakaupo siya ngayon sa upuan ko. Natigilan ako at napahinto sa paglalakad. Kailan pa sila naging close?

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon