Kabanata 12

4.5K 95 57
                                    

Kabanata 12

Party

Ilang araw na sa group project si Vien. Naiintindihan ko naman dahil sasabak na sila sa thesis next year at mas magiging busy na siya lalo noon. Ilang araw na rin na puro si Jarrik ang naghahatid sa akin pauwi. Minsan inaabot pa kami ng anong oras dahil lagi siyang nag-aaya lumabas.

"Next week, field study naman sa Bagong Sikat..." sabado nang puntahan ko si Vien sa bahay nila.

Nakaupo kaming dalawa sa couch. Nakahawak siya sa back rest ng inuupuhan ko habang nakatingala at hinihilot ang sentido niya. Mabibigat na rin ang hininga niya, tanda ng sobrang kapaguran.

"Ilang araw naman kayo roon?"

Malayo ang Bagong Sikat dito sa amin. Kabilang bayan na iyon, e. Maraming bukid doon at may hacienda'ng inupahan ang SCC para sa field study. May dorms doon dahil hindi pwedeng uwian. Unang una, malayo. Pangalawa ay hindi sila makakapagfocus. Pangatlo ay kulang sa oras.

"Isang buwan o dalawa..."

Lumunok ako. Naiiyak na ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Hindi siya makakaalis kung kahit ako ay ipapakita ko sa kanya na hindi ko kayang malayo sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Seryosong seryoso at namumula ang mata niya. Pagod na ngumiti siya sa akin tsaka hinalikan ang buhok ko.

"I'll leave you with Jarrik, don't worry..." bulong niya. "Kaya huwag mo na rin balakin na manlalaki, may mata ako." Ngumisi siya.

Nakailang lunok na ako dahil sa dami ng nakabara sa lalamunan ko. Kung saan saan na rin akk tumitingin para lang hindi bumagsak ang luhang nagbabadya.

Masyado pa akong bata para maramdaman ang ganitong klaseng pangungulila. Pero may edad nga bang required para rito? Marahil ay OA sa iba ito, pero anong magagawa ko? Naninikip talaga ang dibdib ko at namamasa ang mata ko. Hindi ko kayang pigilan ang damdamin ko.

"B-baka..." hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil lalo akong naiyak nang halikan niya ang pisngi ko habang humahalakhak.

"Wala akong babae. Ikaw lang ang babae ko," bulong niya.

Agad na napapunas ako ng luha nang biglang bumaba si Jarrik mula sa kanyang kwarto. Dire-diretso ang punta niya hanggang kusina at hindi manlang niya kami tinapunan ni Vien ng tingin.

Mabigat ang pakiramdam ko nang umuwi ako ng bahay. Kahit isubsob ko ang mukha ko sa libro ay walang pumapasok sa utak ko. Mas pinili ko nalang na matulog ngunit nanatili akong tulala sa kisame. Naririnig ko ang mahihinang hilik ni Heavy na nasa kabilang kama. Buti pa siya, mahimbing ang tulog niya.

Bukas, linggo, may kainan sa bahay nila Vien kasama ang mga barkada niya dahil sa pag-alis nila sa lunes. Inanyayahan din si Spring kaya walang problema sa akin. Atsaka, nagiging close ko na rin naman sila Wave, iyong mga babaeng barkada nalang nila. Malakas talaga ang kutob ko na may gusto sila kay Vien, e.

Tanghali na nang magising ako. Hinayaan naman ako nila Ate Penny dahil akala niya ay nag-aral ako kagabi kahit hindi naman talaga. Tahimik lang ako habang kumakain kami ng umagahan.

"May mga pupunta sa Bagong Sikat sa lunes, a? Kasama ba roon si Vien?" Tanong ni Nanay.

"Oho, may kaunting salo-salo ngayon sa bahay nila. Pupunta ho ako,"

Tumango naman si Nanay. Tinanong ako sa aking pag-aaral, wala naman akong problema dahil lumalaban ako sa first spot. Iyon din ang dahilan kung bakit pinapayagan nila ako, alam nilang kahit anong mangyari ay hindi ko pa rin pinapabayaan ang pag-aaral ko.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon