Kabanata 49

3.6K 70 44
                                    

Kabanata 49

Let Go

Lumabas ako ng bahay nang wala sa sarili. Hindi ko alam kung saan ako pupuntaㅡkung saan ako dadalhin ng paa ko na akala mo ay may sariling isip para ipunta ako sa lugar na sa tingin nito ay makakapag-isip ako ng maayos.

I'm so wasted. Nalilito na ako. Ligaw na ligaw na ako at hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sarili ko. Bumuntong hininga ako dahil pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga sa sobrang bigat ng dibdib ko.

Naririnig ko na ang pag-alon ng karagatan. Nakakatawa. Nandito nanaman ako sa gilid ng dagat. Bakit ba tuwing narito ako at nakikinig sa paghampas ng tubig alat na iyon ay gumagaan ang pakiramdam ko? Katulad nalang ngayon. Hindi ko na namalayan na nakangiti na ako habang pinagmamasdan ang layo ng dagat.

Umupo ako sa seashore. Kahit na nababasa ang paa ko ng tubig ay wala akong pakielam. Nagulo ang buhok ko nang humangin ng malakas. Kakaiba ang hangin ngayon dahil naiwan pa rin ang lamig na galing sa ulan kanina at nakahalo ang amoy maalat ng dagat.

Tumingala ako para makita ang liwanag ng buwan. Wala iyon kanina dahil natatakpan ng makapal na ulap, ngunit heto na siya ngayon, kumikinang kahit na dumaan ang matinding kapal ng ulap. Ganoon din ang tao, hindi ba? Kapag natakpan ng problema ay hindi mo makikita ang kinang nito, pero pagkatapos at kapag nalagpasan na ang problema ay patuloy pa rin ito sa pagkinang.

"A penny for your thoughts?" Isang malalim na boses ang nakapukaw ng malalim kong pag-iisip.

Nilingon ko iyon at tiningala. Naroon ang bagong ligong si Jarrik. Malayang tumutulo ang tubig mula sa buhok niya na hindi pa yata natutuyo. Tipid akong ngumiti sa kanya at binalik ang tingin ko sa dagat.

May napanuod ako sa isang sikat na palabas at ang linyang sinabi noong bidang babae ay tumatak sa isip ko simula noong napanuod ko iyon hanggang sa ngayon.

She said, you can love and still let go.

"Bakit nasa labas ka pa? Malamig, ah?" Umupo na rin siya sa tabi ko.

Niyakap ko ang tuhod ko at nangalumbaba roon. Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong niya kaya matagal bago ako nakasagot. Siguro ay kailangan kong mahalin muna ang sarili ko, bago magmahal muli ng iba.

"Bakit nasa labas ka pa? Malamig, ah?" Balik na tanong ko sa kanya kaya natawa siya.

"Ako unang nagtanong kaya sagutin mo ang tanong ko," natatawa niyang sabi.

Tumawa ako. "No reason. Gusto ko lang."

"Naalala ko iyong kwento mo noon tungkol sa prince at princess. Dito mo rin kinwento sa akin iyon, e. Hopeless romantic, huh?"

Natawa ako. "Tama ka nga. Ang corny ng hopeless romantic."

"O, tapos ngayon nagbago na pananaw mo? H'wag ganoon, Ianne." Biro niya kaya siniko ko siya.

"Totoo naman, hindi ba? Hindi simple ang mga bagay na sa tingin mo ay simple lang. Kumplikado ang lahat, magulo. Buhol-buhol at hindi ko alam kung maiintindihan ko ba."

"Lahat naman kumplikado. Lahat naman magulo. Hindi ka matututo sa isang bagay kung hindi ka nagkamali. Kailangan mo munang madapa para makabangon ulit, 'di ba?"

Sarili ko nga ay hindi ko maintindihan. Paano ko pa maiintindihan ang iba? Ang love? Kailangan ko munang magsimula sa sarili ko. Kailangan ko munang alamin kung sino ako, dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kilala ang sarili ko. At kahit na sino ay walang nakakakilala sa akin dahil nagtatago ako sa isang katauhan na hindi naman ako.

"Ianne, about us..." narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "You know, I love you, right?"

"May girlfriend ka, Jarrik..."

"She's not my girlfriend. Natatakot kasi ako na baka pagbalik ko rito at nalaman na kayo na ulit ni Vien ay magmukha akong tanga. Magmukha akong kaawa-awa. Kaya sinama ko siya rito para kunyare ay girlfriend ko. Pero hindi ko pala kayang magpanggap lalo na kapag nakikita mo. Pakiramdam ko nagtataksil ako sa iyo," sabi niya.

Kahit anong sabihin niya ay wala akong maintindihan. Hindi ako nagsalita. Walang nagsalita sa amin. Ayaw gumana ng utak ko para sumagot sa mga sinabi niya. Pagod na ring umiyak ang mata ko, kaya hindi nalalabas ng dibdib ko ang gusto niyang ilabas. Nananatili lang siya roon at iniiwang mabigat ang dibdib ko.

"Sabihin mo lang na mahal mo ako, Ianne, aayusin kong lahat ito. Para sa iyo..."

"Jarrik..."

Gusto kong sabihin na mahal ko rin siyaㅡgaya ng talagang nararamdaman ko. Pero hindi talaga. Magulo pa ang lahat. Ayaw kong sumugal sa larong hindi ko naman kayang ipanalo. Masasaktan lang kami parehas.

"Noong nakita kita sa condo ko? Hindi mo alam kung gaano ko kagusto na yakapin ka at sabihing mahal kita. Mahal na mahal. Pero naroon si Vien. Kaibigan ko si Vien at alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya." Suminghot si Jarrik.

Hindi ko kayang lingunin siya. Hindi ko kayang ikumpirma sa sarili ko na umiiyak si Jarrik. Umiiyak nanaman ang isang lalaki nang dahil sa akin. Mas lalo lamang nakadagdag ng bigat sa dibdib ko.

"Parehas kami, Ianne. Parehas kami ng tingin sa iyo. Parehas ka naming mahal at masakit para sa akin iyon dahil kaibigan ko ang karibal ko at tinuring na kapatid."

Siguro kung ibang babae ang nakarinig ng mga sinabi ni Vien at Jarrik sa akin ay iisipin na ang swerte ko dahil mahal ako ng dalawang lalakiㅡna pinag-aagawan nila ako. Pero hindi. Mahirap. Lalo na kapag pinipilit mong walang masaktan sa kanila.

Sa kakaisip ng para sa kanila, nakakalimutan mo na ang sarili mo. Sa kakapilit na h'wag silang masaktan, ang sarili mo naman ang nasasaktan mo.

"Jarrik, magulo ang lahatㅡ"

"Okay lang. Naiintindihan ko." Nagpunas siya gamit ang dulo ng t-shirt niya. "Sinasabi ko lang ang lahat ng ito dahil deserve mong malaman na mahal kita."

Deserve ko nga ba? Sa tingin ko ay hindi. Hindi ko deserve na mahalin ng todo. Hindi ko deserve si Vien at Jarrik.

Akala ko ay wala ng tubig ang mailalabas ng mata ko pero mukhang mali yata ako. Dahil sa mga oras na ito ay parang sirang gripo ang mata ko dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha mula roon.

"A-alam mo rin ba kung ilang beses kong inisip na worth it ba kung susundan kita sa Maynila? K-kung worth it ba kung aamin ako sa iyo kahit na hindi ako sigurado kung may babalik sa akin?" Sa wakas ay nakapagsalita na ako.

Marahas kong pinunasan ang basa kong pisngi. Gusto kong humarap kay Jarrik pero masyado akong miserable ngayon. Desperada na akong matapos itong lahat at wala akong alam na paraan kung paano.

"I tried, Jarrik. Sinubukan ko dahil akala ko ay iyon ang tama. Akala ko iyon ang magpapasaya sa akin. Pero mali ako... lalo ko lang ginulo ang lahat. Magulo akong tao, Jarrik. Hindi ko pa kaya at sa tingin ko ay hindi ko kakayanin..."

Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko at pinatong niya iyon sa balikat niya. Doon ako umiyak nang umiyak. Napapagod na ako. Napapagod na akong masktan. Napapagod na akong umiyak. Ano bang paraan ang gagawin ko para huminto itong lahat?

Ang perfect ng nasa paligid namin. Nasa gilid kami ng dalampasigan, malakas ang hangin, malakas ang hampas ng alon, maganda ang pagkakabilog at liwanag ng buwan at mga bitwin.

Pero heto kami, dalawang taong pinagkaitan ng kaligayahan.

Naalala ko nanaman ang linya sa pinanuod ko. Mukhang tama nga iyon at sa pagkakataong ito, iyon ang magandang sabihin sa taong kasama ko.

"I love you, Jarrik and I let you go..."

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon