Kabanata 47

3.2K 71 29
                                    

Kabanata 47

I Know

Imbes na sagutin na ang mga sinabi ko ay nanatili siyang tahimik. Parehas kaming nasa ilalim ng malakas na ulan ngayon. Ang ingay ng pagpatak ng bawat tubig mula sa langit sa mga bubong ng bahay ay masakit sa tainga, ngunit nakikipaglaban ang ingay mula sa hampas ng mga alon.

Lumiwanag ang kalangitan para sa panibagong kidlat. Bigla kong naalala iyong araw na nakita ko siyang walang malay sa dalampasigan. Ganito rin iyon. Ganito rin kasama ang kalangitan ngayon at ganito rin ang pakiramdam ko noon. Mabigat. Pero magkaiba ang rason.

"Pumasok ka na sa loob, magkakasakit ka." Aniya.

Napatawa ako. "Why do you care, Jarrik? Bakit ka nag-aalala sa akin?"

Mukha na akong tanga ngayon sa kung ano anong lumalabas sa bibig ko. Aminado akong may gusto akong marinig mula sa kanya. Gusto kong sabihin niyang nag-aalala siya dahil espesyal ako sa kanya. Pero... iyon nga ba talaga?

"Help me,

It's like the walls are caving in

Sometimes I feel like giving up

But I just can't

It isn't in my blood..."

Kahit na wala talagang kanta ay pakiramdam ko ay tumutugtog iyon habang nagtitigan kami ni Jarrik. Walang gustong sumuko. Walang gustong sumilong at walang gustong umiwas ng tingin.

Bumuntong hininga siya. Halos malagutan ako ng hininga nang bigla siyang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya palapit ay natataranta ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako, kinakabahan, natutuwa o ano. Hindi ko maipaliwanag.

"I'm looking through my phone again

Feeling anxious

Afraid to be alone again

I hate this

I'm trying to find a way to chill

Can't breathe

Oh is there somebody who could

Help me..."

Kinurot ko ang likod ng palad ko. Nawawala na ako sa sarili ko dahil palapit na siya nang palapit. Kahit na nabasa ng ulan ang buong katawan niya ay naamoy ko pa rin ang pamilyar niyang amoy. Iyong hindi pabango at body wash.

Kung hindi amoy ng sarili niya.

"Jarrik..." natataranta kong sabi.

"Ito ang gusto mo, hindi ba?" Aniya at biglang huminto nang nasa harap na niya ako.

Napatingala ako sa kanya dahil sa height. Hindi naman ako maliit, sadyang matangkad lang talaga sila Vien at Jarrik. Namumula ang pisngi at labi niya. Ang makapal niyang kilay ay magkasalubong na para bang nahihirapan. Hindi katangusan ang ilong niya ngunit hindi iyon hadlang sa kakisigan niya.

Gulo-gulo ang buhok at malayang tumutulo roon ang tubig. Sa dami ng emosyon ko ay bigla ko nalang naiyuko ang sarili. Ngayon ko lang din napansin na dumudugo na pala ang likod ng palad ko na kanina ko pa kinukurot.

"Ianne, hindi ka rin tanga at manhid para hindi mo maramdaman ang lahat..." bulong niya na halos hindi ko na marinig nang maayos.

"H-huh?"

Bumagsak ang balikat niya. Nag-iwas siya ng tingin at hindi umimik. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi-sabi. Hinawakan niya ang bibig niya at napansin ko ang malalalalim niyang hininga.

"Ano ba iyon, Jarrik?!" Inis na tanong ko.

"Mahal kita, Ianne!" Biglang sigaw niya. "Dammit!"

Hindi ako makakilos. Para bang nawala bigla ang kaluluwa ko sa katawan ko. Iniwan akong laglag ang panga, nanlalaki ang mata at nanlalamig ngayon. Malamig na kanina ang simoy ng hangin ngunit ngayong narinig ko ang sinabi niya ay mas lalo akong nanlamig.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon