Kabanata 46

3.4K 67 10
                                    

Kabanata 46

Iiwan

Hanggang sa matapos ang party ay hindi pa rin nawawala sa isip ko iyong sinabi ni Vien kanina. Pinapanuod kami ni Jarrik? Para saan? Para tignan kung okay lang kaming dalawa o para tignan kung naging miserable ba o hindi ang buhay ko noong umalis siya?

Lasing na lasing si Spring kaya inaya muna kami ni Vien para roon matulog sa kanila. Masyadong strikto ang Daddy ni Spring at hindi alam ang lahat ng ginagawang kalokohan ng kanyang anak. Nakakapagtaka nga na hindi umaabot sa Daddy ni Spring ang kalokohan niya, e ang bilis ng chismis dito sa Sta. Cruz.

"Ianne?" Nilingon ko siya nang bigla siyang magsalita.

Pinahiga nilang dawala ni Wave si Spring sa guest room. Doon nalang din siguro ako matutulog dahil sumama si Tick at Coups sa amin kaya naroon sila sa sala. Apat sila roon nina Wave at Lucas. Hindi ko alam kung doon din matutulog si Vien o mananatili siya sa kwarto niya.

"Ba't hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Vien at saka tumabi sa akin.

May hawak siyang beer. Puting sando at itim na boxer ang suot niya. Kumikislap ang diamond earring niya sa kanang tainga tuwing tumatama roon ang ilaw. Nagsiksikan kaming dalawa sa iisang upuan, kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Nakakapagtaka dahil malamig ang simoy ng hangin, pero ang init niya.

"Hindi pa inaantok," sagot ko.

Ayaw ko namang buksan ang topic tungkol kay Jarrik. Masasaktan lang siya. Masasaktan ko nanaman siya. Minsan nga iniisip ko na baka mas okay kay Vien kung iiwan ko nalang siya. Atleast, hindi na niya kailangan pang masaktan tuwing nasasaktan ako kay Jarrik.

Kung p'wede ko lang sana turuan ang puso ko na kay Vien nalang ulit. Dahil kay Vien, almost perfect na. Kay Vien, magaan lang ang lahat. At kay Vien, hindi ako masyadong nasasaktan.

Iyon nga lang, kay Jarrik ako masaya. Si Jarrik ang hinahanap ko at si Jarrik ang gusto ko.

"Hindi pa natin napag-uusapan ang lahat ng tungkol sa atin," tumawa siya. "Biglang tanggap ko na lahat at hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong ipaglaban ang nararamdaman ko."

Hindi ako nagsalita. Kapag ba pinagusapan namin iyon at nagkaroon kami ng closure ay mababalik lahat ng dati? Mababalik ang pagmamahal ko sa kanya? Sana nga ganoon lang kadali iyon.

"I'm sorry, Vien..." kinurot ko ang likod ng kamay ko. "Alam kong nasasaktan ka lagi nang dahil sa akin. Hindi ba mas mabuti kungㅡ"

"Kung iwan mo ako? Kung lalayuuan mo ako?" Tumawa siya at saka lumagok sa hawak na beer.

Umihip ang malakas na hangin. Malalakas ang hampas ng dagat at mukhang nababadya ang ulan. Madaling araw na kaya malamig na talaga. Nagpapasalamat ako sa mainit na braso ni Vien sa tabi ko dahil nalalabanan ko kahit papaano ang lamig.

Tumingala ako para tignan ang buwan. Nakakatawang isip na dati ay iyon ang naging way ng pag-uusap namin ni Vien. Na kung titingin ako sa buwan dito sa Sta. Cruz ay iyon din ang parehas na buwan na makikita niya sa Bagong Sikat, ibig sabihin niyon ay malapit lang kami sa isa't isa.

Ngayong magkatabi kami. Pakiramdam ko ay ang layo-layo naman namin. Pakiramdam ko ay kahit yakapin ko siya ngayon, hindi ko pa rin siya maaabot.

"Bigyan mo ako ng chance ulit, Ianne. Babawiin kita sa kanya. Babawiin ko kung ano talaga ang akin..."

Yumuko ako at naramdama ko ang mainit na likidong lumandas sa pisngi ko. Pumikit ako ng mariin at saka bumuntong hininga. Matagal bago ako nakasagot sa tanong niya. Pero sa tingin ko ay ito talaga ang tama.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon