Kabanata 41

3.3K 77 14
                                    

Dedicated kay ate Krizza! SMTemptress dahil binabasa niya pala ito. Hihi. Kilig ako ♡

_________

Kabanata 41

It's Okay

Imbes na maging mas mabigat ang pakiramdam ko, pagkatapos ng nangyari kahapon ay mas gumaan pa iyon. Atleast may napala ako at atleast may nalaman ako.

Kasaluyukuyan kaming nag-aayos ng gamit ni Vien dahil mamayang madaling araw na ang flight namin. Nilingon ko si Lucas na prenteng nakaupo sa couch habang hawak ang remote at nagsscan ng channel sa TV.

"Sama kaya ako?" Biglang sabi niya kaya maging si Vien ay napatigil din sa kanyang ginagawa para tignan ang pinsan.

"Huwag na. Wala kang ticket," aniya na parang inaasar pa ang pinsan.

Tumingala si Lucas at binitawan ang hawak na remote. Pumikit siya ng mariin na akala mo ay pasan niya ang lahat ng problema ng tao. Na akala mo ay siya lang ang taong may problema sa mundo.

Nakakatuwang makita na sa likod ng asaran nilang dalawa ay makikita pa rin ang pagiging close nila. Tumayo bigla si Vien para puntahan si Lucas at tapikin ang balikat niya. Umiling ako at pinagpatuloy nalang ang pag-aayos ng gamit at para na rin makapag-usap ng matino ang magpinsan.

"Sige na, Kuya..." rinig kong sabi ni Lucas.

Napatigil pa ako dahil iyon yata ang unang beses kong marinig mula kay Lucas na tinawag niyang Kuya si Vien. Hindi ko pa naman siya masyadong kilala at hindi ko alam kung tinatawag ba niyang Kuya si Vien, o ngayon lang. Pero nakakatuwa.

"Paano si tita? Baka magalit iyon," ani Vien.

Sa nakikita ko ngayon ay malaki ang tsansa na makasama si Lucas sa amin. Hindi ko lang alam kung magugustuhan niya sa lugar namin na malayo sa kabihasnan. Sigurado akong hindi pa siya nakakapunta roon, o kung nakapunta man siya roon ay siguro bata pa siya.

Kahit hindi ko tanungin at kahit hindi sabihin ni Lucas ay nararamdaman kong may gusto siyang takasan dito sa Maynila. Hindi ko alam kung ano. Responsibilidad? Ewan.

"Ako nang bahala sa kanya. Hindi naman kita idadamay sa oras na malaman nila, e."

Pinapanuod ko sila habang nag-aayos ng gamit. Nagulat pa ako nang biglang lumingon sa akin si Vien, kaya ang mata ni Lucas ay napunta rin sa akin.

Nataranta ako at kumurap-kurap. I looked away. Mukha akong shunga kanina na titig na titig sa kanilang magpinsan habang nakangisi. Kinagat ko ang labi ko dahil for sure, mukha talaga akong tanga.

"Ianne? Ano, isasama ba natin ito?" Tanong niya sa akin.

"H-huh?" Gulat na tanong ko. "Bakit ako?"

Lahat ng desisyon ni Vien simula nang maging kami ay nasa akin. Kaya nasanay na siyang tanungin muna ako bago pumayag o tumanggi. Pero sa pagkakataong ito ay mukhang hindi yata dapat ako ang magdecide.

"Kung gusto niya, e, 'di welcome naman siya lagi sa Sta. Cruz."

"Yes!" Sigaw ni Lucas habang pumapalakpak. "O, kita mo na, Vien! Ang hirap mo talagang kausap kahit kailan. Mabuti pa itong si Ianne, madali, e."

Humalakhak ako sa pagbabago ng mood ni Lucas. Kanina lang ay parang malapit na siyang sumuko sa buhay, pero ngayon, tuwang tuwa naman na akala mo ay ito na ang huling araw niya sa mundo.

"Ewan ko sa iyo. Huwag ka lang talaga gumawa ng kalokohan," sabi ni Vien, at saka lumapit sa akin.

"Sus, makapagsalita ito akala mo kung sinong malinis. Alam ko lahat ng sekreto mo, hoy!" Ani Lucas.

Hindi naman siya pinansin ni Vien. Nginitian niya ako habang nag-aayos, kaya ngumiti rin ako. Simula noong pumayag si Vien ay hindi na natigil sa pagsasalita si Lucas. Tinatanong niya si Vien kung ano raw ang magandang outfit pauwi roon.

"Isla iyon, Lucas, ha. Hindi syudad." Sarcastic na paalala ni Vien.

"Porket ba isla iyon, hindi na puwedeng pumorma?"

"Kung maghahanap ka lang ng chicks doon, huwag mo nang ituloy. Walang magkakagusto sa iyo roon dahil matataas ang standards nila." Pang-asar pa ni Vien.

Pagkatapos kong mag-ayos ay ako naman ang umupo sa couch. Inayos ni Vien ang mga maleta sa gilid at saka umupo na rin sa tabi ko. Si Lucas naman ngayon ang pinapanuod naming mag-ayos ng gamit.

Hindi ko alam kung ilang buwan ang itatagal niya roon ngunit halos ilagay na niya lahat ng damit niya sa maleta na akala mo ay hindi na siya babalik dito. Sabagay, kapag trip niya ang simpleng buhay ay baka magustuhan niya roon.

Delikado nga lang siya dahil baka hunting-in siya ng mga babae roon. Bonus nalang na Fortalejas siya.

"Igaya mo ako sa iyo!" Nakataas ang isang sulok ng labi niya habang sinasabi iyon.

"Loyal ako, Lucas." Naramdaman ko ang pagtapik ni Vien sa balikat ko.

"Anong loyal? Hindi ba't may kinwento ka sa akin noon habang kayo pa ni Ianne?" Tumawa pa siya.

Napawi naman ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinabi ni Lucas. Para bang malamig na tubig iyon at sinampal niya mismo sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o paano ako magre-react doon.

Oo, ngayon ay wala na kami ni Vien. Hindi na big deal sa akin kung may magustuhan siyang ibang babae dahil kahit ako ay may gusto namang ibang lalaki. Pero iyong marinig na may kinukwento siyang ibang babae habang kami pa noon ay hindi ko matanggap.

"Opps! Akala ko wala na kasi," nagpeace sign pa si Lucas habang nakangiwi.

Nilingon ako ni Vien, "Hindi totoo iyonㅡ"

"Totoo iyon! Nakalimutan ko lang kasi iyong name ng babaㅡ"

"Fuck you. Shut up!" Sigaw ni Vien.

Sa dilim ng mukha ni Vien ngayon ay hindi imposibleng masapak niya ngayon si Lucas. Lalo na't hindi pa nasindak itong pinsan niya at pilit pa rin siyang inaasar.

Ang talim ng titig niya ay napawi nang lingunin niya ako. Nakanganga lang ako at hindi ko alam kung dapat ba akong magreact, dapat ba tanggap ko, o ano. Hindi ko alam. Magulo ang isip ko at hindi ko kayang mag-isip ng matino.

"I-ianne..."

Binuka ko ang bibig ko ngunit walang salita ang lumalabas doon. Para bang umurong ang dila ko at hindi ko kayang magsalita kahit na marami akong gustong sabihin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Wala akong pakielam kung ano ang itsura ko ngayon. Kung mukha ba akong tanga o kung maayos pa ba ang mukha ko. Ang gusto ko lang ay makapag-isip ng diretso.

"Hindi totoo iyon, Ianne. Huwag kang maniwala sa abnormal kong pinsan."

Huminga ako ng malalim dahil para akong nalulunod na kailangan ng oxygen. Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay hanggang ngayon, niloloko niya ako.

Dapat hindi na ganito ang maramdaman ko. Dapat hindi na ako apektado dahil sa pagkakataong ito ay mas malaki ang sakit na binigay ko kay Vien. Mas masakit na makita ang taong mahal niya at minsan nang naging kanya na mapunta sa iba. Na iba ang gusto niya.

Kaya wala akong karapatang makaramdam ng sakit.

Ngumiti ako sa kanya. "I-it's okay,"

But I think it's not.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon