Kabanata 19

3.8K 83 44
                                    

Kabanata 19

My Innocent

"Dammit, Ianne!" Malutong na mura niya. "Dahil ba ito sa pagtanggi ko sa iyo?"

Hindi ako makasagot. Hindi lang naman dahil doon, pero isa na rin iyon sa dahilan kung bakit ko nasabi na may iba na siyang gusto. Ako na nga ang nag-insist, pero walang kahirap-hirap niyang tinanggihan ang alok ko, ano sa tingin niya ang mararamdaman at iisipin ko?

"Listen..." umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay. Tinitigan niya ako sa mata at pakiramdam ko ay nawala bigla ang inis, tampo at galit ko sa kanya. Kakaiba ang epektong binibigay niya sa akin.

"You're too young... We're too young to do that. Nasa tamang pag-iisip pa naman ako kaya ako na ang tumigil dahil kung tinake advantage ko iyon? Malamang ay nakuha na kita."

"I'm 18, you're 19. Anong young doon?" Hindi ko na makilala ang sarili kong boses nang sabihin ko iyon.

"Bullshit, Ianne!" Pumikit siya ng mariin. Binitawan niya ang kamay ko atsaka hinawakan ang puson niya na parang pinapakalma niya ang sarili niya.

Ano, naiinis na ba siya sa akin at balak na niya akong sapakin?!

"Sapakin mo ako, Vien!" Sigaw ko. Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko ngayon pero pakiramdam ko ay kailangan kong ilabas ito.

Marahas kong hinawakan ang kamay niya at biglang lumuwag ang tali ng towel sa baiwang niya kaya natanggal iyon. Nanlaki ang mata ko. Binitawan ko ang kamay niya para takpan ang mata ko kahit na nakita ko na.

"Oh, shit!" Mura niya.

Init na init ang pisngi ko sa nakita ko at parang gusto kong umiyak ngayon. This is the first time na makakita ako ng ganoon, hindi ko aakalain na sobrang magugulat ako. Sana ay lumubog nalang itong kamang inuupuan ko, kasama ko para mawala na ako rito!

Walang nagsasalita sa amin at tanging tunog lamang ng aircon ang maririnig. Hindi ko pa rin kayang tanggalin ang kamay ko sa mata ko kahit na alam kong naka bihis na siya dahil sa pagsara at pagbukas ng pinto sa cr.

"Bakit kasi hindi ka pa nagbihis kanina?!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Humalakhak siya at naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Kung gaano katangkad si Vien ay... ayaw ko na! Kung ano ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko!

"Akala ko ba gusto mo? Oh, tara na," hinawakan niya ang balikat ko kaya malakas ko iyong tinabig. Nanunukso ang boses niya at parang tuwang tuwa sa reaksyon ko.

"Huwag mo akong hahawakan ka, kupal ka!" Sigaw ko at sumandal sa pader.

Topless siya ngayon at nakasuot lang ng white boxer. Wala man siyang abs pero maganda ang hubog ng katawan niya, lalaking lalaki. Malapad ang balikat at nanliliit ako lagi sa kanya kahit na maliit naman talaga ako.

"Ianne... let's do it. Ready na ako, nakapag isip isip na akong tama ka nga at nasa tamang edad na rin tayo para gawin iyon," he's wearing an amused grin and then he chuckled.

Ano bang pumasok sa utak ko kanina para sabihin iyon sa kanya? Hindi nga ako nagiisip. Paano nalang kung wala rin siya sa sarili? Malamang ay iyak ako ngayon. Humalakhak siya at prenteng humiga sa kama habang ang dalawang kamay ay nasa likod ng ulo niya.

Nanatili akong nakatayo roon at pinapanuod siya. Nakapikit ang mata ngunit alam kong hindi siya tulog. Kinurot ko ang likod ng kamay ko. Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko.

"Pasensiya ka na. Hindi ako nagiisip agad," mahinang sabi ko.

"Mabuti naman at alam mo na ang tama sa mali," huminga siya ng malalim. "Halika na rito, matulog na tayo..."

Hindi ko maigalaw ang paa ko. Hindi ko yata kayang makatabi siya ngayon sa pagtulog dahil sa nakita ko. Talaga bang ganoon ang itsura no'n? Bakit parang nakatayo yata?

Nagulat ako nang bigla niya akong nilingon. Umupo siya at nagdasal naman ako na sana ay huwag niya akong lapitan dahil baka masampal ko siya.

Bumuntong hininga siya, "Alam mo bang nasaktan ako sa tanong mo? Wala ka ba talagang tiwala sa akin, Ianne?"

Ang hiya ko dahil sa nakita ko ay napalitan ng bagong hiya dahil sa mga sinabi ko. Lumabi ako at yumuko. Masakit ngang pagbintangan ka ng taong mahal mo pero masisisi niya ba ako? Si Jael iyong kasama niya, e. Tapos sobrang close pa nilang dalawa.

"Kay Jael ako walang tiwala..." mahinang sabi ko.

Tumawa siya. "You're so innocent... ang inosenteng Ianne ko," tumayo siya at nilapitan ako.

Somehow, hindi na ako nailang. Nagpahila ako sa kanya at umupo kami sa gilid ng kama. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya at nilagay ang ilang takas na buhok sa likod ng tainga ko. Napangiti ako.

"Huwag kang magbabago. Gustong gusto ko kung paano ka magulat sa mga bagay na bago sa iyo..." he whispered.

Niyakap niya ako. Anong oras na pero heto kami, nagdadrama pa at hindi pa natutulog. Maaga pa yata kami mamaya para pumunta sa farm, isasama niya raw kasi ako kaya kasama na rin ako sa maagang gigising.

"Sa tingin mo talaga walang epekto sa akin no'ng ginawa mo?" Humalakhak siya.

"Wala naman talaga!" Sumimangot ako.

Hindi manlang ba siya na-seduce roon? Sa mga naririnig ko kasing usapan sa school at lalo na kay Spring ay madali lang ma-seduce ang mga lalaki, lalo na't ang babae ang mag-insist.

"Inosente ka pa talaga..." hinaplos niya ang buhok ko at humalakhak. Bumitaw siya sa yakap kaya magkaharap kami ngayon at kitang kita ko ang ngisi sa labi niya.

"Totoo naman, e. Kitang kita ko. Parang ang dali lang sa iyo na iwan ako rito kanina!" Ngumuso pa ako lalo.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit matagal ako sa Cr?" Biglang tanong niya.

Ano naman kinalaman ng pagligo niya sa CR, sa nangyayari? Hindi ko na napansin kung gaano siya katagal dahil kung ano ano ang iniisip ko kanina.

"Huwag mo na ngang sagutin..." humalakhak siyang muli at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"I love you, my innocent Ianne." Pinagdikit niya ang noo naming dalawa, "Sa akin ka lang dapat ganito. Ako lang dapat ang nakakakita ng ganitong side mo, naiintindihan mo?" Seryosong bulong niya.

I love you too, Vien.

____________

Short update palang ang kaya kong ibagay rito sa ngayon. Bawi nalang ako next chapter! :* 'yong Ride or Die po pala, pakibasa rin hehe ♡

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon