Kabanata 37

3.4K 64 7
                                    

Kabanata 37

Trust

"Sigurado ka ba talagang aalis tayo, Vien? Paano iyong mga project na hinahabol mo?" Tanong ko nang magkaroon kami ng oras makapag usap.

Hindi niya ako pinansin ngunit naglalaro sa kanyang labi ang ngisi na akala mo ay tuwang tuwa talaga siya na ganito ang reaction ko sa plane ticket at pagpunta namin ng Maynila.

Oo, masaya ako kasi malaki ang chance na makita ko ulit si Jarrik. Pero natatakot ako. Wala akong alam sa Maynila at tanging si Vien lang ang kasama ko. Saan kami titira? Anong gagawin namin? Saan namin hahanapin si Jarrik? Paano namin siya mahahanap?

Iyan ang mga tanong na naglalaro sa isip ko. In short, natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako hindi dahil si Vien ang kasama ko. Natatakot ako kasi baka wala kaming mapala rito.

"Don't you trust me?" Sakrastiko niyang tanong habang nakatingin ng diretso sa akin.

"Syempre, I trust you butㅡ"

"Thank you, Ianne..." ngumiti siya and this time, totoong ngiti na ang binigay niya.

Bakit siya nagpapasalamat sa akin? Nanatili akong kunot noo habang nakatingin sa kanya. Naiwan kami sa table at pinapanuod namin ngayon si Spring, Wave, Coups at Tick na naglalaro ng baraha. Umirap ako.

Bawal ang maglaro ng baraha kapag nasa loob ka ng school pero kahit ilang beses na silang nahuli at nadala sa guidance ay wala pa rin. Naglalaro pa rin sila. Ang rason nila ay monopoly naman daw iyon.

"Just say no!" Sigaw ni Tick at saka malakas na hinagis ang baraha niya sa lamesa.

"Thank you? For what?" Tanong ko.

Nilingon niya ako. Hinawakan niya ang kamay kong nakalapag sa lamesa. Diretso ang tingin niya sa mata ko kaya kitang kita ko ang lahat ng emosyon niya.

"Thank you for trusting me..."

Magtatanong pa sana ako ngunit tumingin na siyang muli kina Spring at nakihiyaw. Nanatili naman siyang nakahawak sa kamay ko.

"Huwag kang mag alala, Ianne. Gagawin natin ang lahat para mahanap si Jarrik..." nilingon ko siya pero hindi naaalis ang tingin niya sa kina Coups. "Gagawin ko ang lahat para sa iyo..."

Mabilis lumipas ang araw. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung aayaw pa ba ako o maeexcite. Nakapagpaalam na ako kay Nanay at ang sinabi ko ay pinadala kami ng school sa Maynila.

Kapag nalaman niyang si Vien lang ang kasama ko ay alam kong hindi siya papayag, kaya gumawa nalang ako ng alibi.

"Ianne, curious ako roon sa babaeng gusto ni Vien..." sabay kaming umuwi ni Spring dahil may gagawin pa raw ang mga boys.

Nagkibit balikat ako sa sinabi niya. Baka kasi kapag nagsalita ako ay madulas akong ako talaga ang kasama ni Vien papuntang Maynila. Gusto ko kasi talagang magtanong sa kanya kung paano sa Maynila pero ayaw ko rin na malaman niya.

"Baka sa section nila? Who knows?" Walang ganang sabi ko.

"Hindi ka nagseselos?" Tanong niya. "Wala na ba talaga, Ianne? President pa naman ako ng Vianne!" Malungkot na sabi niya.

Kung siya ang President ng Vianne ay si Vien naman ang President ng Jarrianne! Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Vien ito. Kung bakit tinutulungan niya kaming dalawa ni Jarrik.

"Spring..." bumuntong hininga ako para malaman niyang ayaw ko ng pag usapan ito.

"Okay," sagot niya. "Basta tandaan mo na kapag feeling mo na "You against the world" na, lingon ka lang sa akin. Magiging "Us against the world" na!"

Tumawa ako sa sinabi niya at tumango. Hindi ko naman nakakalimutan na nariyan pa rin si Spring na tunay kong kaibigan. Ayaw ko lang madamay pa siya sa gulo ko kaya ako nalang muna. Saka nalang kapag hindi ko na talaga kaya.

Sabado na ngayon at kakatapos ko lang mag ayos ng sarili. Hinihintay ko nalang si Vien na dumating sa bahay at kapag nagtanong si Nanay kung bakit kasama ko si Vien ay sasabihin kong ihahatid lang niya ako.

Hindi pa rin pala alam nila Nanay na wala na kami ni Vien. Ang alam nila ay kami pa rin. Pati ang pamilya ni Vien. Mahirap kapag walang problema ang pamilya sa relasyon, parang mahirap sabihin na wala na.

"Nariyan na si Vien, hija..." narinig ko ang katok ni Nanay sa kwarto ko.

Bumuntong hininga ako at isinabit sa balikat ko ang back pack na dala. Isang silip pa sa salamin ang ginawa ko bago tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Vien na nakaupo sa sala, kasama si Heavy at Nanay. Nilingon niya agad ako nang makita. Tumayo siya at nilapitan ako para tulungan sa aking gamit.

Alas sais ng madaling araw ay nakarating na kami sa airport. Pagbaba namin ng sasakyan nila Vien ay humampas agad ang malakas na hangin kaya sumabog ang buhok ko sa aking mukha. Inayos ko iyon at tinulungan si Vien sa mga gamit namin.

"You ready?" Tanong niya. Tumango lang ako.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago tuluyan nang makapasok sa loob ng eroplano. Hindi ko alam kung magkano ang plane ticket at mas mabuting huwag ko nalang tanungin dahil baka hindi pa ako pumayag. Alam ko namang mahal.

Sinuot ko ang earphone sa aking tainga at tumugtog ang isang pamilyar na kanta dahil sa madalas ko iyong pakinggan nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko ay para sa akin ang kantang ito pero hindi ko alam kung bakit at kung para kanino ko inaalay.

"I don't want to know

Who we are without each other

It's just too hard

I don't want to leave here without you

I don't want to lose part of me

Will I recover that broken piece?

Let it go and unleash all the feelings..."

Kung sasabihin ko ba kay Jarrik na siya ang mahal ko ay mamahalin din niya ako pabalik? Paano pala kung hindi naman talaga niya ako mahal? Edi wala kaming napala ni Vien sa Maynila.

Hindi ko pa pala natatanong kay Vien kung saan kami titira roon pero may tiwala ako sa kanyang planado na niya itong lahat kaya hindi na dapat ako mag alala.

"Did we ever see it coming?

Will we ever let it go?

We are buried in broken dreams

We are knee deep without a plea

I don't want to know

What it's like to live without you

Don't want to know

The other side of a world without you..."

Nakakatawa mang isipin pero alam ko na kung para kanino talaga ang kantang ito. Para kay Vien. Dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala siya.

Pinilig ko ang ulo ko at inalis nalang ang kung ano anong iniisip ko. Ipapahinga ko nalang muna ang sarili ko sa ngayon dahil alam kong magulo ang haharapin ko sa Maynila.

At bukas ay haharapin ko na ang magulong iyon.

________

Hi guys! May bago pala akong BTSVelvet story and medyo Kookrene vs. Vrene din iyon haha baka gusto niyong basahin. Ang title ay "SHADOW REALM"

Song : The Other Side by Ruelle (nasa multimedia)

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon