Kabanata 22

3.9K 88 32
                                    

Kabanata 22

He's Back

"Baby, I'm dancing in the dark with you

Between my arms

Barefoot on the grass,

Listening to our favorite song

When you said you looked a mess,

I whispered underneath my breath"

Kinuha ni Jarrik iyong gitara na naiwan ni Makki noong isang araw dito. Umihip ang malakas na hangin at sumabog ang aking buhok sa mukha ko.

Narito kami sa veranda at kanina pa kung ano ano ang kinakanta nitong si Jarrik. Nawala na kasi ang tama ng alak sa akin at bigla nalang parang gusto kong tumambay muna kaya ito ang naisipan niyang gawin namin. Madaling araw na at may pasok pa kami ng maaga.

"But you heard it, Darling," tinigil niya ang pag stram sa gitara at ngising tumingin sa akin, "You look perfect tonight..."

Naramdaman ko namang nag init ang mukha at hiniling na sana ay hindi ako namumula ngayon dahil kung nagkataon ay nakakahiya kay Jarrik! Mamaya kung ano ano ang isipin niya.

"Ang corny, ha?" Kunyareng kantyaw ko pero sa totoo lang ay para nang sasabog ang dibdib ko sa daming emosyon ang nagtatago roon.

Humalakhak lamang siya at tumigil sa pagkanta. Tanging alon mula sa karagatan ang naririnig namin at ang malakas na paghampas ng hangin sa aming balat.

Ilang minuto rin ang tinagal ng katahimik nang bigla siyang mag stram kaya nilingon ko siya. Ang suot niyang ngisi ay hindi nawawala habang nakatingin sa akin na parang hinahamon niya ako kung alam ko ba ang kantang kakantahin niya o hindi.

"I met you in the dark,

You lit me up

You made me feel

As though I was enough

We danced the night away,

We drank too much

I held your hair back when

You were throwing up"

Kumunot naman ang noo ko. Matagal ko nang alam ang kantang iyan dahil madalas ko iyang marinig sa school o kahit saang lugar, pero ngayon ko lang nabigyan ng meaning ang lyrics.

Humalakhak si Jarrik nang makita ang nalilito kong mukha. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Kung sasapakin ko ba o mananahimik nalang na kunyare ay hindi ko alam ang lyrics.

"I knew I loved you then

But you'd never know

'Cause I played it cool,

When I was scared of letting go"

Hindi na ako makatingin sa kanya. Kung iyong naunang lyrics ay aaminin ko pa na medyo kami nga iyon, pero iyong sumunod? Imposible. Hindi pwede.

Napansin yata niya na hindi ako mapakali kaya tinigil na niya ang pagkanta, hanggang sa mag aya na siyang matulog. Nag iba kami nang way dahil nasa kaliwa ang guest room na naging kwarto na niya sa kwarto ni Vien na nasa kanan.

Nahiga ako sa malambot na kama ni Vien. Tuwing narito ako ay amoy ni Vien ang naamoy ko at pakiramdam ko ay narito siya at niyayakap ako, kaya naman niyakap ko ng mahigpit ang unan.

Kahit na puyat ako at masakit ang ulo ko ay pinilit ko pa ring bumangon kinabukasan. Uuwi pa ako ng bahay para makapagpalit ng uniporme. Magpapaliwanag pa ako kung bakit hindi ako umuwi kagabi.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon