Kabanata 31

3.8K 86 51
                                    

Kabanata 31

Pink Skies

"Kantahan mo pa ako," sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang nakapikit habang dinadama ang pagaayos ko sa buhok niya. Hindi naman siya sumagot pero alam kong hindi siya tulog at narinig niya ang sinabi ko.

Napakatahimik ng lugar. Malakas na tumatama sa balat namin ang hangin habang naririnig ang lakas ng tunog ng alon. Hindi mainit at hindi rin ganoon kalamig. Sakto lang.

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na tumira sa syudad, pero base sa mga kwento ni Spring ay lagi niyang sinasabi na mas nakakarelax daw ang pamumuhay rito sa Sta. Cruz.

Magulo sa Maynila, punong puno ng mga gadget ang mga tao roon at lahat sila ay busy maghanap ng pera dahil iyon lang bubuhay sa kanila roon. Sa mga kwentong ganoon ay napapangiwi nalang ako. Ni-minsan ay hindi ko pinangarap na makapunta sa Maynila.

"Thrift store fashion

Imperfect tattoos

Taking showers

Minus shampoo"

Agad kong kinagat ang labi ko nang marinig ko siyang magsimula sa pagkanta. Isa kasi iyan sa mga kanta na paborito ko talaga galing sa banda na paborito ko rin.

Nag-init ang pisngi ko. Pumikit ako at mas dinama nalang ang kanta niya. Bagay na bagay iyon sa malalim at panlalaki niyang boses. Mas lalo pa ngang nagkaroon ng dating, eh.

"You are my favorite everything

Been telling girls that since I was 16

Shut up, I love you

You're my best friend"

Dinilat kong muli ang mata ko para makita siya. Nakatingala na rin siya sa akin habang nakangising kumakanta. Gumagalaw ang kamay niya habang kumakamanta siya. Hindi katulad sa kinanta niya kanina, ito ay medyo up-beat ang tono.

"Get you under pink skies,

I know exactly where we should go

'Cause I love the way your green eyes

Mix with that Malibu indigo

Talking under pink skies,

I think our hearts are starting to show

And it's better, you and I,

Under pink skies"

Sinabayan ko ang pagkanta niya at sabay kaming natawa. Ilang oras din ang tinagal namin doon hanggang sa napagpasyahan naming pumasok na sa school.

Buhat niya ang back pack ko habang nasa akin naman ang bag niyang mukhang walang kalaman-laman sa sobrang gaan. Para lang kaming magbarakada habang sabay na naglalakad sa ayos namin ngayon.

"Iyakin ka kaya!" sinundot ko pa ang tagiliran niya habang inaasar.

Kapag ibang tao ang nag-aasar sa kanya ay hindi naman siya mabilis mapikon. Pero kapag ako na ay pikon na pikon siya. Naalala ko noong una ko siyang inasar, isang buong araw niya yata akong hindi kinausap.

"Hindi nga!" kunot na ang noo niya. "Bakit, nakita mo na ba akong umiyak?"

Sa totoo lang ay bihira lang siya umiyak. Siguro ang una't huli kong nakita siyang umiyak ay noong umalis ang Mommy niya, paluwas ng Maynila. Pero pagtapos noon? Never ko na siyang nakita pang umiyak ulit.

Gusto ko lang talagang asarin siya kasi kahit naman alam niyang hindi totoo ang sinasabi ko ay naniniwala siya at napipikon talaga siya.

"Hmm," nag-isip ako. "Ngayon? Paiyakin kaya kita ngayon?"

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon