Kabanata 38

3.3K 72 21
                                    

Dedicated sa dalawa kong baby! baesjimin and kajiksmine ♡ huwag muna mag spoil, okay? :)

Kabanata 38

Now or Never

Malakas na hangin pagkababa namin ng eroplano. Halos sumakit na ang buong katawan ko sa sobrang tagal ng byahe. Mataas ang sikat ng araw at masakit iyon sa balat, hindi katulad sa Sta. Cruz na mahangin pa rin dahil sa dagat na nakapalibot doon.

"Let's go?" Inagaw ni Vien mula sa akin ang back pack ko.

Wala akong alam sa syudad kaya sunod lang ako nang sunod kay Vien. Kumapa ako ng salita, para sana kahit papaano ay mapagusapan kaming dalawa pero wala. Parang gusto ko nalang tumahimik na muna.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa namin o mali. Hindi ba parang nagmumukhang ako pa ang naghahabol sa isang lalaking iniwan naman ako in the first place? O tama lang, dahil it's now or never. Kung hindi ko siya makakausap ay mapupunta lang sa wala ang nararamdaman namin.

Ilang minuto pa bago dumating ang sasakyan nila. Hinawakan ni Vien ang siko ko at inalalayan niya ako sa pagpasok. Hindi ko pa alam kung saan kami titira. Parang nakakahiya naman kung sa bahay nila, pero mas nakakahiya naman kung magrerent pa siya ng hotel para sa akin or sa aming dalawa.

"Hiniram ko sa pinsan ko iyong condo niya habang wala siya rito sa Maynila..." biglang nagsalita si Vien sa tabi ko na parang narinig niya ang tanong sa isip ko.

"Vien, alam mo ba talaga kung ano ang mangyayari sa atin dito? Ni hindi natin alam kung saan siya nakatira," hininaan ko ang boses ko para kaming dalawa lang ang makarinig.

Ibang ibang ang itsura ng syudad kaysa sa probinsyaㅡ sa Sta. Cruz. Dito ay naglalakihan ang mga gusali, mausok at maraming sasakyan. Marami ring tao ang makikita sa gilid ng kalsada, ang iba ay estudyante na papasok na sa kani-kanilang paaralan. Ang iba naman ay papasok ng trabaho. At ang iba ay hindi ko alam.

"Sinong nagsabi na hindi ko alam?" Nilingon niya ako habang nakangisi.

Nagulat ako. Alam niya kung saan? Malamang ay baka may nakwento noon si Jarrik sa kanila na hindi ko inakala na alam nila. Tumingin nalang ako sa bintana habang nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, pero hindi ko pa rin maitanggi na naroon pa rin ang kaunting kaba.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at piniling huwag mag isip ng kung ano anong negative. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building ay alam ko na agad na rito ang condo na tinutukoy niya. Pinasadahan ko ng tingin ang laki ng building at namangha ako dahil halos sumakit na ang leeg ko kakatingala sa sobrang laki.

"Salamat, Kuya Nanding!"

Inalalayan ako ni Vien sa pagbaba. Nahangin muli ang buhok ko nang makababa kami kaya sumabog iyon sa mukha ko. Inayos ko iyon habang si Vien naman ay nilalagay ang dalawang back pack sa kanyang balikat.

Hinawakan niya ang likod ko at sabay kaming pumasok. Kinausap niya pa ang guard at sinabing pinsan niya ang may ari noong condo'ng tutuluyan namin. Nakaramdam naman agad ako ng pagod nang makakita ako ng couch sa may lobby.

Kung kanina ay hindi ko ramdam ang pagod, ngayon parang gusto ko nalang mahiga at matulog mag hapon. Hindi pa pala kami kumakain. Dahil yata nalipasan kami ng gutom ay hindi ko na maramdaman ang gutom ko. Matutulog nalang ako pag naroon na kami sa unit.

"Nasaan ba ang pinsan mo at pumayag siyang gamitin natin ang condo niya?" Tanong ko habang tinatahak namin ang elevator.

Pinindot niya iyon at hinarap ako. "Hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko kaya huwag mo nalang itanong," ngumisi siya sa akin.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon