Kabanata 11

4.9K 90 35
                                    

Kabanata 11

Torete

Para akong baliw na nakangisi ng malawak habang tinatahak ang cafeteria. Hinanap ko si Spring at nagulat ako nang makita si Wave sa harapan niya. Mukhang seryoso silang naguusap at kitang kita ko pa ang pagkasalubong ng mga kilay ni Spring.

Lumapit ako. Nag-angat ng tingin sa akin si Wave atsaka tahimik na umalis dala dala ang iniinom niyang coke in can. Kunot noo akong umupo sa inuupuan kanina ni Wave habang nagpapatuloy lang sa pag kain si Spring na parang walang nangyari.

"What was that?" Tanong ko.

"Bakit ang tagal mo? Nauna na tuloy akong kumain at hindi na kita nahintay pa." Hindi iyon ang sagot sa tanong ko.

Pakiramdam ko ay may kailangan akong malaman tungkol kay Spring, pero kung ayaw naman niyang sabihin ay wala akong magagawa. Tumayo ako para mag-order ng ulam. Nililingon ko si Spring na baka makahanap ako ng sagot sa mga tanong ko pero tahimik lang siyang kumakain doon.

Should I ask Vien about it? Alam kong may alam ang isang iyon. But then, I'm invading Spring and Wave's privacy kaya huwag nalang siguro. Hihintayin ko nalang na si Spring mismo ang magsabi sa akin, kung meron man.

"Any plans later?" Tanong niya habang umiinom ng mountain dew at pinapanuod naman ako sa pag kain.

"Mag-aaral..." nagkibit balikat ako.

Na-settle na namin ni Vien ang problema. Hindi siya papayag sa pagiging King kung hindi ako ang magiging Queen niya. Atleast, hindi ko na kailangang magpretend na tama ang desisyon ko kahit hindi naman.

"Again?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Alam mo, ang boring mo na, Ianne! Why don't you unwind? Lagi nalang iyang mga libro mo ang kaharap mo. Pahinga ka naman!" Umirap siya.

Hindi nalang ako nagsalita dahil totoo naman. Nagpatuloy ako sa pag kain. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa beanleaf dahil may isang oras pa kaming bakante. Same order ang inorder ni Spring.

"Sandali lang, Ianne..." bigla siyang tumayo at lumabas ng beanleaf.

Bago ko pa matanong ay mabilis na siyang nakalabas at nakatawid sa kabilang kalsada. Saan pupunta ang isang iyon? Buti nalang at nabayaran na niya lahat ng ito, kung hindi ay baka maghugas pa ako ng pinggan.

Sumimsim ako sa frappe ko habang tulala. Kahit na inassure ako ni Vien na hindi siya papayag maging King kung hindi ako ang Queen ay parang nababahala pa rin ako. Pakiramdam ko kasi malakas ang kapit ni Jael o ano. Napaparanoid lang yata ako.

"Bawal po nakatunganga rito," nagulat ako nang biglang may magsalita sa tabi ko.

Halos mapasigaw ako dahil doon! Hindi ko manlang namalayan na may nakaupo na pala sa tabi ko at sa tingin ko ay kanina pa niya ako pinapanuod. Nilapag ko ang frappe sa table at pabirong pinalo siya. Pinangharang niya ang tray para maiwasan ang mga palo ko.

"Aray! Tulala ka kasi, e!" Tumatawang sabi niya.

Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Ayaw niya akong pansinin tuwing narito kami sa beanleaf, hindi ba? Then, fine! Hindi ko rin siya papansinin. Akala niya, ha?

"Ganyan ka na pala. Parang kagabi lang, matino ka pa?"

Kahit na ayaw ko siyang pansinin ay dahil sa kung ano anong sinasabi niya, nakukuha niya ang atensyon ko. Kaunti lamang ang tao sa beanleaf at lahat ng iyon ay may mga inumin na kaya siguro wala siyang ginagawa ngayon at inaasar ako.

"Where's Spring? Iniwan ka? Aw!"

Hindi ko alam kung ano ang nakain niya para maging ganito siya kakulit. Noong unang kilala ko sa kanya ay ang tahimik niya, pero unti-unting kumukulit simula noong napasama sa mga barkada ni Vien.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon