Kabanata 45

3.2K 70 18
                                    

Kabanata 45

Audience

Lahat ng hilong naramdaman ko kanina ay bigla nalang nawala nang makita ko ang taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bumalik siya. Bumalik si Jarrik sa Sta. Cruz.

Bumalik siyang may kasamang iba.

Lumunok ako dahil sa maraming nakabara sa lalamunan ko. Pilit akong ngumiti, kinausap ang mata ko na kung p'wede sana ay h'wag siyang maglaglag ng tubig mula roon, dahil hindi ko kayang umiyak sa harapan niya. Nila.

"Ianne!" Si Baste.

"Hi," bati ko. "Nasaan pala CR ninyo? Ihing ihi na kasi ako..."

Hindi ko na tinapunan ng tingin si Jarrik. Baka lalo lang ako umiyak. Lalo kong lang masasaktan ang sarili ko. Hindi ko man nakita ng maayos ang babaeng kasama niya ay masasabi kong maganda iyon. Maamo ang mukha at pasok na pasok sa taste ni Jarrik.

Tinuro sa akin ni Baste ang daan. Nagdadalawang isip pa siya dahil alam niya kung ano ang nakita ko. Narinig ko pa ang sinabi niya kanina na hindi namin alam. Nagtatago ba siya sa amin? Para saan? Para hindi ako masaktan, o dahil ayaw na niyang ma-involve pa sa amin?

Nang sa wakas ay nahanap ko na ang CR ay agad akong pumasok, naupo sa toilet bowl habang sapo ang noo. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Masaya ako para sa kanya, pero hindi ko kayang maging masaya para sa sarili ko.

"Tanga, Ianne..." bulong ko sa sarili ko.

Hinayaan kong lumabas ang kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan kong tumakas ang mga luhang kanina ko pa kinukulong sa mata ko. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha, walang pakielam kung kumalat ang make-up na nilagay ni Spring kanina.

Ilang minuto akong nagtagal doon. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumalik. Hindi ko alam kung big deal sa iba ang pagkawala ko ng ganoon katagal, pero alam kong kay Vien ay big deal iyon. Hindi na ako nahirapang hanapin ang table namin katulad ng hirap ko kanina sa paghahanap ng CR.

Pero bago ako makarating doon ay nakita ko nanaman ang taong dahilan ng pag-iyak ko kanina. Nandoon siya. Nandoon siya, kasama ang girlfriend niya.

"Ianne!" Tawag ni Vien. "Bakit ang tagal mo?"

Napalingon sa akin si Jarrik. Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso nalang kay Vien. Ngumiti ako sa kanya, habang nilalagok ang natira kong beer kanina.

"Hindi ko pala alam kung nasaan ang CR, sorry." Pilit akong ngumiti.

Kahit hindi ako nakatingin kay Vien ay nararamdaman ko ang matalim niyang titig sa akin. Sinusuri ang bawat galaw ko. Wala akong maitatago sa kanya dahil alam niya ang lahat. Alam niyang balisa ako ngayon dahil nasa table namin ni Jarrik.

Umihip ang pang-gabing hangin. Ang mga puno sa paligid ay nagsasayawan at kahit na malakas ang tugtog dito ay hindi ko alam kung bakit naririnig ko pa rin ang bawat hampas ng alon sa dagat. Naamoy ko ang malaat niyong amoy, pero kahit ganoon ay nakatulong pa rin sa pagpapa-relax ko sa sarili ko.

Biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta. Ngumit imbes na pang party, dahil oras na nang mga kabataan ay naging mabagal at dahan-dahan iyon. Hindi ko alam kung nananadya pa ang operator ng mga kanta o ano, e.

"Looking from a window above

It's like a story of love

Can you hear me?

Came back only yesterday

I'm moving further away

Want you near me..."

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon