Kabanata 25

3.7K 97 76
                                    

Kabanata 25

Buntis

"Uuwi na tayo," ani Vien tsaka tumalon papuntang driver's seat at pinaglalaruan sa kamay ang susi.

"Paano si Spring!" pigil ko sa kanya at gumapang na rin ako papunta sa shot-gun seat para pigilan siya.

Hindi siya sumagot at ngumisi lang sa akin habang binubuksan ang engine ng van nila Baste. Lumingon pa ako sa labas dahil kabadong kabado ako sa gustong mangyari ni Vien. Kawawa pa si Spring doon, wala siyang kasama!

"Don't worry about Spring, nandoon naman si Wave," sagot niya.

Umirap ako at sinandal ang ulo sa inuupuan ko tsaka pumikit ng mariin. Naramdaman kong umaandar na ang sasakyan kaya alam ko ng hindi na siya mapipigilan. Narinig ko ang halakhak niya kaya lalong nag init ang ulo ko.

Kanina lang ay halos mapatay na niya si Jarrik, ngayon naman ay para siyang bata na gustong gusto akong bwisitin.

"Ianne, alam mo bang may gusto akong gawin ngayon?" biglang tanong niya.

"Ano?" inis na tanong ko pabalik sa kanya nang hindi minumulat ang mata.

Pinatay niya ang kantang tumutugtog at naging tahimik ang buong lugar. Napamulat ako ng mata nang wala sa oras at nilingon ko siya.

Nakahawak ang kanang kamay niya sa manibela at ang kaliwang kamay ay nakasandal ang elbow sa may bintana habang pinaglalaruan niyon ang lower lip niya. Seryosong seryoso ang mata niya ngunit nakataas ang isang sulok ng labi.

"Sexㅡ"

"Vien!" sigaw ko para mapigilan ang dapat niyang sasabihin.

Agad na nag init ang pisngi ko. Hindi ko na alam kung ano ang irereact ko kaya tinakpan ko nalang ang dalawang tainga ko gamit ang dalawang kamay. Ginulo ko ang buhok ko at lumayo ng kaunti sa kanya.

Kahit na anong takip ko sa tainga ko ay rinig na rinig ko pa rin ang halakhak niya. Humagalpak siya sa tawa at pinalo pa ang manibela sa kakatawa.

"It's not funny!" inis na sabi ko at pinalo ang braso niya.

Inis na inis ako sa kanya ngayon. Alam kong matagal ng manyak ang bibig ng isang ito pero nagugulat pa rin ako sa tuwing sinasabi niya ng diretso sa akin ang gusto niya.

"Kaya nga. Sino bang nagsabing nakakatawa ang sinabi ko?" he snorted. "Seryoso ako roon, Ianne..."

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Halos magtaasan ang lahat ng balahibo ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Tinignan ko siya at nakita ang nang aasar niyang mukha.

"Hindi nakakatuwa, Vien," sabi ko pero hinayaan ko namang hawakan niya ang kamay ko kaya ang kaliwang kamay na niya ang may hawak sa manibela.

"Ianne..." malalim ang namamaos ang boses niya.

Bumuntong hininga siya at kahit hindi niya sabihin ay alam kong naalala nanaman niya ang nangyari kanina roon sa kubo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para gumaan ang pakiramdam niya.

Tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kakaunti lang ang taong dumadaan sa kalsada na ito dahil ang tabi niyon ay mga kakahuyan at mga talahib.

"Alam mo ba kung gaano kasakit iyong nakita ko kanina?" biglang sabi niya.

Lumunok ako. Kung kinakailangan na umiyak ako ngayon sa harap niya para lang maniwala siya na hindi ko alam na si Jarrik iyon ay gagawin ko, maniwala lang siya.

"Akin iyon, eh." hinawakan niya ang baba ko pataas hanggang sa labi ko. "Akin ito, pero hinalikan niya..."

He laughed with no humor. Hinayaan ko lang siyang magsalita. Kitang kita ko sa mata niya ang sakit kaya nasasaktan din ako. Paano kung ako naman makakita sa kanya na may kahalikang ibang babae? Pakiramdam ko ay makakapatay rin ako no'n.

"Akin ka, Ianne..."

Seryosong sabi niya at agad na sinunggaban ang labi ko. Hinawakan ng isang kamay niya ang batok ko para mas mapadiin ang halik, habang ang isa ay pinipisil ang kamay ko.

Bawat sulok ng labi ko at inangkin niya, na para bang may gusto siyang burahin doon gamit ang halik. Nang sabayan ko ang halik niya ay mas lalong naging marahas ang halik na binibigay niya sa akin. Pakiramdam ko ay mamamaga ang labi ko.

He titled his head at ang kamay niyang nasa batok ko ay bumaba sa leeg ko. Dahan dahan at paunti unti iyong bumaba hanggang sa maramdaman ko na iyon sa gilid ng dibdib ko.

"V-vien..." bulong ko.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko at wala na akong ibang magawa kundi ang pumikit. Napanganga ako sa halo halong emosyon ang binibigay ng bawat haplos at halik niya.

Dinala niya ang dalawang kamay ko sa leeg niya kaya sinabit ko iyon doon. Mas binigyan ko siya ng access sa leeg ko. Hinahawi na ng isang kamay niya ang suot kong damit.

Gusto kong mag protesta pero wala akong maisip para pigilan siya. Kumakawala sa bibig ko ang malalalim na hininga na dulot ng ginagawa niya sa akin.

Dumilat ako. He's sweating even with the full blast air conditioning. Tumigil siya at tumingin sa akin. Nakitaan ko ng paghahamon ang mga mata niya. Furious and lustful eyes were directed on me habang nakaawang ng kaunti ang bibig niya.

"Vien..."

Nagulat ako nang bigla siyang lumayo sa akin. Sinandal niya ang ulo niya sa back rest ng inuupuan niya at tumingala habang nakapikit ng mariin. Nag taas baba ang adams apple niya dahil sa sunod sunod niyang pag lunok.

"Sa susunod, pigilan mo ako," biglang sabi niya na para bang hirap na hirap siya.

Napasandal din ako at napatunganga nalang sa kalsada. Ngayon ko lang naramdaman ang pag hinga ko at hinahabol ko iyon ngayon dahil pakiramdam ko ay kinapos ako kanina. Namuo ang pawis sa noo ko.

"Paano kung gusto ko pala?" kahit ako ay nagulat sa sinabi ko.

Nag init ang pisngi ko nang marinig ang halakhak niya dahil sa sinabi ko. Pati pag halakhak niya ngayon ay iba sa pandinig ko. Nagagawa ninyong mag bigay ng init sa buong katawan ko at ayaw ko iyong sabihin sa kanya dahil nakakahiya!

"Sa akin, okay lang. Sa iyo, hindi pa..." kinurot niya ang tungki ng ilong ko.

Ngumuso ako. "Bakit hindi?"

"Gusto mo bang mabuntis ng maaga?" umiiling habang tumatawa na sabi niya.

"Bakit naman mabubuntis ng maaga?" tanong ko pa ulit.

"Pag ginawa natin iyon, sisiguraduhin kong may mabubuo para wala ka ng dahilan para iwan ako..." bulong niya pero sapat lang para marinig ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ako at matatakot na ayaw niya akong pakawalan. Na natatakot siyang mawala ako sa buhay niya. Pero ang malaman na may nagmamahal sa akin ng katulad ng pagmamahal niya ay ang sarap sa pakiramdam.

__________

short ud lang! hehe. btw, may bago akong BTSVELVET fanfic and action siya yey! the title is... "One Silent Sound" ♡

tsaka maghahanap pa ba ako ng rp nito o huwag nalang? haha

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon