Kabanata 17

3.8K 91 57
                                    

Kabanata 17

Masaya Ka Ba

"Are you serious, Jarrik?!" Nanlaki ang mata ko at nakangiting tanong ko, hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

"Oo nga..." ngisi niya.

Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya at mahigpit na niyakap. Natigil kami sa paglalakad at tanging ang malakas na alon lamang na nagmumula sa dagat ang naririnig. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap.

"Thank you, Jarrik! Maraming salamat."

Hindi siya sumagot kaya bumitaw ako sa yakap. Seryoso ang mukha niya ngunit nang magkaharap na kami ay agad siyang ngumiti habang nagtataas-baba ang kilay niya.

"Wala iyon," sagot niya. "Basta, para sa iyo..."

Nag-init ang pisngi ko at parang may humawak sa puso ko. Sobrang saya ko talaga ngayon. Ilang linggo na akong nangungulila kay Vien, at heto na, magkikita na kami ulit!

"Kailan pala?" Tanong ko atsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Maybe, saturday? Mag-iipon muna ako ng pamasahe natin..." he chuckled. Ginulo niya ang buhok ko nang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ko.

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang paninitig niya sa akin. Para siyang nanunuod ng isang pelikula at ayaw umiwas ng tingin dahil baka may makaligtas sa mata niya na importanteng scene.

"Oy, bakit?" Kunot noong tanong ko habang natatawa.

Natawa rin siya atsaka umiling. Tumingin siya sa daanan namin habang naglalakad. Nakalagay sa likod ko ang kamay ko habang pinapanuod kung paano mag-iwan ng bakas ang mga paa ko sa buhangin.

Akala ko ay kapag hinihintay ang araw, tsaka bumabagal. Pero mukhang hindi yata umubra sa akin iyon dahil mas bumilis pa ang araw. Saturday na ngayon at nasabi na sa akin ni Jarrik kahapon na nakapag-ipon siya ng pamasahe namin.

"Nay, aalis ho ako!"

"Mag-iingat ka roon, ha?"

Ang sabi ng school ay pwede naman daw bumisita at matulog doon kaya nagdala kami ni Jarrik ng mga pamalit. Pagkalabas ko ng bahay ay naroon siya, agad akong sinalubong at binuhat ang maleta ko.

"Oh, eto ang buhatin mo," binigay niya sa akin ang bag pack niyang wala naman yatang laman sa sobrang gaan.

"Wala ka bang dinala?" Takang tanong ko habang sinusuot iyon sa braso ko.

"Isang t-shirt, short, pants at underwear lang ang dala ko." Humalakhak siya. "Ikaw, mukhang nadala mo na yata lahat ng gamit sa drawer mo!"

Ngumuso ako. Mas maganda nang sobra ang dala mo kaysa kulang. Tatlong t-shirt, dalawang short, isang pajama, isang pants, apat na underwears at kung ano ano pa ang dinala ko.

Sumakay kami ng tricycle para ihatid kami sa station. Tatlong minuto yata ang layo noon mula roon ngunit ang ngisi ko ay hindi ko na mapigilan. Halos mapunit na ang labi ko. Sinandal naman ni Jarrik ang ulo niya sa back rest atsaka pumikit.

"Jarrik, ano sa tingin mo ang magiging reaction ni Vien? Ano kaya ang ginagawa nila roon?" Sunod sunod kong tanong. Kahit naman kasi nakapikit si Jarrik ay halatang hindi siya tulog.

"Magugulat iyon, panigurado..." tamad na sagot niya.

Iniisip ko palang na magugulat si Vien at sasaya sa oras na makita niya ako mamaya ay pakiramdam ko buo na araw ko. Nang makarating kami sa Bus Station, wala pa masyadong tao kaya nakaupo kami ni Jarrik. Nasa bandang bintana ako. Nilihis ko ang kurtina para mas makita ko ang mga tao.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon