Kabanata 5

6.2K 139 38
                                    

Kabanata 5

Freedom of Love

Ngumuso ako nang matapos nanaman ang isang palabas na pinapanuod namin ni Jarrik. Walang nagsasalita sa amin at tanging sa TV ang tingin namin. Medyo nakakailang, pero wala naman akong magagawa. Nasaan na ba kasi ang Vien na iyon.

Naka-indian sit ako sa couch habang nakapalumbaba. Siya naman ay nakasandal habang ang isang kamay ay nakaakbay sa back rest ng couch. Narinig ko ang buntong hininga niya. I bet parehas kami ng pakiramdam ngayon.

"Gusto mo bang lumabas, Jarrik?" tanong ko.

Ang inosente at maamo niyang mata ay agad na naglanding sa akin. Nagtatanong ang mga iyon. Mukhang iba yata ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko kaya nanlaki ang mata ko habang umiiling.

"What I mean is, tayong dalawa ang lalabas."

Gusto kong tuktukan ang sarili kong ulo dahil sa sinabi. Nagmukhang pinapalabas ko siya ng bahay. Damn it, Vien, where are you? Kung sinabi mo lang sa akin na aalis ka ngayon ay sana hindi na ako pumunta pa rito. Nakakailang pala kapag wala si Vien sa paligid namin.

Sinarado namin ang pinto at iniwan ko ang susi sa pasong nasa gilid. Doon madalas iwan ni Vien ang susi kapag umaalis kami kaya kung makauwi man siya at wala pa rin kami ay makakapasok agad siya sa bahay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Jarrik. Siguro dadalhin ko nalang siya roon sa lagi naming pinupuntahan ni Vien. Lalo na't noong nakaraan ay hindi siya nakasama sa amin.

"Ilang taon ka na, Jarrik?" tanong ko habang naglalakad.

Hindi malakas ang alon ngayon kaya maganda sana kung lalangoy ngunit wala ako sa mood ngayon. Hindi maaraw at hindi rin maulan. Sakto lang ang panahon. Nakatupi hanggang tuhod ang suot niyang pants para makadaan kami sa gilid ng tubig. Malakas pa rin ang simoy ng hangin kaya nagugulo ang buhok namin.

"20 years old, third year college sa isang unibersidad sa Maynila."

Oh! Same age sila ni Vien. Third year college na rin sa pasukan dito sa Sta. Cruz College. Habang ako naman ay freshmen palang. Sa darating na pasukan ay magkakasama na kami ni Vien sa iisang paaralan. Dati kasi ay magkaiba kami dahil highschool pa lang ako.

"Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo," nakasimangot na sabi ko.

Ilang araw na siyang nawawala. Kahit sino naman sigurong magulang ay mag-aalala kapag nawawala ang anak nila.

"Sila?" nakataas ang isa niyang kilay. "Hindi naman ako hinahanap ng mga magulang ko. Wala iyong pakealam sa akin. Akala nila ay pera ang nagpapaligaya sa akin," umiiling na sabi niya.

Hindi naman ako nagsalita. Masyadong pribado ang usapan namin. Hindi ako basta basta sumang-ayon sa sinasabi niya dahil wala namang magulang na ganoon. Sila Nanay at Tatay nga ay walang inisip kundi ang kabutihan naming magkakapatid.

"May naisip ka na ba kung paano ka kukuha ng pera?" kung may pera lang sana kami ay ako nalang ang gumastos sa mga kailangan niya, e. Kaso, wala.

"Magtatrabaho nalang siguro ako. Kahit ano, basta makaipon kahit kaunti," aniya.

Kahit anong trabaho? Kung ganoon ay baka abutin siya ng isang taon dito sa amin. Ganoon kamahal ang pamasahe paluwas ng Maynila. Wala kang kawala sa lugar namin kapag wala kang pera. Si Ate Penny ay gustong gustong lumuwas, kaya todo ipon talaga siya at hanggang ngayon, wala pa rin siyang pamasahe.

Nang makarating na kami roon ay umupo kami sa bukana ng kweba. Humilig naman si Jarrik at sinandal ang dalawang kamay sa kanyang likod para sa suporta. Pinapanuod namin ang tubig na malayang nagpapabalik-balik.

"Siguro mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Nasa lugar ka na hindi mo alam at nakakasalamuha ka araw araw ng strangers," wala sa sariling sabi ko.

Nakatulala kami sa dagat. Hindi na masyadong nakakailang dahil may pinaguusapan kami. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay baka hindi ko makaya. Paano ba kasi siya nakarating dito? Hindi ko alam dahil wala namang nabalita na nangyaring kahit ano kaya imposibleng disgrasya lang ang pagkakarating niya rito. Tinignan ko siya.

"Hindi rin," aniya. "Somehow, nag-eenjoy ako rito."

Our eyes met. Hindi ko alam kung paano umiwas at saan dapat titingin. Nalaglag ang panga ko dahil sa biglaan niyang paglingon at nataranta na. Natawa naman siya at binalik ang tingin sa dagat.

Dammit! What was that? Bakit para akong takot na takot at hindi ko malaman ang mararamdaman nang makita ko ang mata niya? Para akong tumakbo nang milya milya at hingal na hingal ako kahit nakaupo lang ako.

"Thank you for saving my life, Ianne."

Napipe yata ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Umubo ako dahil sa mga bumabarang kung ano sa lalamunan ko. What's wrong with me? Nababaliw ka na yata Ianne Gonzales!

Hinawakan ko nalang ang singsing na binigay sa akin ni Vien. Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Jarrik. Alam na rin niya siguro kung ano ang sagot sa thank you niya. Tanging alon mula sa dagat ang naririnig namin. Sa sobrang tahimik dito ay pati hangin, naririnig na namin.

"Alam mo bang may storya ang lugar na ito?" biglang tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa harapan.

"Hindi," sagot niya. "Ano?"

"Ang kwento ng isang prinsesa at ang dalawang prinsipe." ngumiti ako. "Nagpakasal ang prinsesa sa panganay na prinsipe dahil sila ang tinadhana ng mga magulang nila. Pero alam mo kung sino ang talagang gusto ng prinsesa? Ang nakababatang prinsipe. Kaya tumakas silang dalawa ngunit nahuli rin sila rito mismo sa dagat at binaril kaya sabay na namatay. Tinapon ang bangkay nilang dalawa sa dagat na ito at ang sabi ay nakikita raw silang dalawa na naglalakad dito tuwing gabi."

"Horror story ba iyan?" natatawang tanong niya.

"Love story!" ngising sabi ko. "Akala mo lang ay nakakatakot pero kung titignan mo sa ibang side ay malalaman mong masaya na sila at malaya na silang nakakapaglakad sa gilid ng dagat. Malaya na silang nagmamahalan."

Hindi siya nagsalita. Ano naman kaya ang horror doon? Kwento iyon noong bata ako, hanggang ngayon. Iyon na yata ang kwento ng bayan ng Sta. Cruz. Kaya naturingan itong "Freedom of Love"

"Hopeless romantic," he chuckled.

"Lahat ng tao hopeless romantic!"

Aminado akong hopeless romantic ako. Doon din naman babagsak ang future ng tao, 'di ba? Magaasawa, magkakaroon ng anak, magkakaroon ng malaki at masayang pamilya. Sinong tao ang hindi pinangarap ang ganyan?

"Huwag mo akong igaya." tumatawa pa rin siya hanggang ngayon kaya nilingon ko siya para hampasin ang braso niya.

"Kapag ikaw na-inlove, tatawanan talaga kita!" inis na sabi ko sa kanya.

"Kapag. Eh paano kung hindi? Ikaw naman ang tatawanan ko kung ganoon?" naglalaro sa labi niya ang mga ngisi.

Inirapan ko siya. Nawala na ang awkwardness sa amin. Nanatili kami roon hanggang sa mag-tanghalian. Umuwi kami sa bahay nila Vien para makakain. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi ako kumain kaninang umaga.

"Sa susunod ay sa iba mo naman ako ipasyal," tumatawang sabi niya habang binubuksan ang gate.

"Sa susunod na linggo ay papasok na ako sa Sta. Cruz College, roon naman kita ipapasyal!"

Excited na talaga ako. Bukod sa parehas na kami ng paaralan ni Vien ay naririnig ko rin na magandang maging isang college student. Papasok kung kailan gustong pumasok. Malayang nakakalabas ng school at marami pang pwedeng mangyari.

"Tulungan mo na rin kaya ako maghanap ng trabaho?"

Humalakhak ako sa sinabi niya. Kahit naman hindi niya sabihin ay tutulungan ko talaga siya. Lalo na't wala siyang mga papeles. Pero dahil isasama rin namin si Vien, hindi imposibleng makahanap agad siya ng trabaho. Fortalejas ang kasama, e.

"Saan kayo galing?"

Napawi ang tawa namin nang biglang bumukas ang pinto at nakasandal doon si Vien. Ngingiti sana ako sa kanya ngunit hindi ko makitaan ng humor ang mukha niya. Madilim iyon at seryoso. Nakatago sa bulsa ng Nike Jacket niya ang dalawang kamay at naka-cross ang paa.

"V-vien..."

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon