Wakas

6.9K 116 72
                                    

Wakas

Pakiramdam ko ng araw na iyon ay ako na ang pinakamalayang ibon sa lahat. Malaya akong nakakalipad kahit na saan ang gusto ko at saan ako magpunta. Hindi na ako katulad ng dati na naliligaw na isla.

Umiyak si Spring kanina noong pinuntahan ko siya sa bahay nila, pero maiintindihan niya ang desisyon ko. Umuwi ako ng bahay na nakangitiㅡna hindi ko nagawa ng ilang buwan. Hindi ako nakalanghap ng hangin ng ilang buwan.

"Ready?" Tanong ni Ate Penny nang makarating ako sa bahay.

"Ready." Ngumiti ako.

Pagkatapos naming mag-ayos, sinulyapan namin ng ilang sandali ang bahay namin. Ang bahay kung saan una akong huminga, umiyak, natutong maglakad, magsalita, magmahal at masaktan. Ang bahay kung saan kami lumaki.

Isang magandang lugar ang Sta. Cruz. Walang turista ang pumupunta dahil malayo sa kabihasnan at lalong lalo na't walang signal. Pero mas okay na iyon, atleast napapanatili ang ganda at linis ng dagat na maipagmamalaki namin sa iba.

Hindi ibig sabihin na iniwan na namin ang lugar na ito ay hindi na kami masaya rito o dahil nagsasawa na kami sa pamumuhay ng normal. Iniwan namin ang lugar na ito para matuto sa ibang bagay sa ibang lugar.

Gamit ang cellphone ni Ate Penny na dinala niya ay tumugtog ang isang kanta na sa tingin ko ay bagay sa akin. Sinaksak ko ang earphone sa magkabilang tainga ko habang nararamdaman ang pagtaas ng eroplanong sinasakyan.

"How long have you been smiling?

It seems like it's been too long

Some days I don't feel like trying

So what the fuck are you on?"

Pinikit ko ang mata ko para makaidlip kahit na hindi talaga ako inaantok. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo. Handa na akong humarap sa bagong buhay sa lugar na hindi ko alam.

Wala akong sinabihan kahit na isa sa kanila kung saan ako pupunta. Maging si Spring. Hindi sa hindi ako nagtitiwala sa kanya, gusto ko lang munang lumayo. Kapag naka-move on na ako at sa tingin ko ay handa na akong humarap muli, 'tsaka ako babalik sa Sta. Cruz.

"'Cause all the kids are depressed

Nothing ever makes sense

I'm not feeling alright

Staying up 'til sunrise

And hoping shit is okay

Pretending we know things

I don't know what happened

My natural reaction is that we're scared

So I guess we're scared..."

Huminga ako ng malalim at sa oras na pakawalan ko ang hiningang ito, sisiguraduhin kong maiiwan iyon sito sa Sta. Cruz at hindi ko na muling madadala pa sa kung saan ako pupunta.

Ilang oras na ang byahe namin. Hapon kami umalis at gabi na ngayon. Nakatingin ako sa bintana kung saan nakikita ko ang liwanag ng bawat bahay na bukas ang ilaw. Ang liwanag pala rito. Bakit hindi ako makakita ng isang liwanag noong naghahanap ako?

Pumikit kong muli ang mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising nalang ako sa tapik sa aking balikat. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang masayang mukha ni Heavy. Ngumiti ako at inayos ko na ang gamit ko.

"Touchdown, Manila." Aniya habang excited na excited.

Nakakuha kasi si Ate Penny ng bahay rito sa Maynila kaya napagpasyahan niyang dalhin na kaming lahat dito. Para makapagsimulang muli sa ibang paraan. Pagpapahingain niya sina Nanay at Tatay at magtatrabaho sila ni Ate Reina para sa pang-aral namin ni Heavy.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon