Kabanata 3

8.7K 178 57
                                    

Kabanata 3

Marry

"What's your problem?" iritang tanong niya.

Kanina pa kami nakarating sa pagliliguan namin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakakairita kasi iyong ginawa niya. Bakit kailangan pa niyang ipasama si Jarrik doon, eh hindi naman niya kilala ang mga kaibigan niya. Atsaka alam kong bad influence ang mga iyon, baka gawin din nila iyong pagpapainom na ginawa nila kay Vien kagabi.

"Ewan ko sa iyo," inirapan ko siya.

Hinila na nang mga kaibigan niya si Jarrik. Ni-hindi na nga nakarating dito iyong tao kaya it end up na kaming dalawa lang ni Vien ang narito. Nakaupo kami sa puting buhangin at nakasilong sa bukana ng kweba. Medyo masikat na rin kasi ang araw at masakit pa sa balat. Maghihintay muna kami ng isa o dalawang oras para lumangoy.

"What? I'm trying to help here, tapos ako pa ang mali?" tinanggal niya ang kamay niya na nakapulupot sa baiwang ko.

Irita ko siyang nilingon, "Ano bang point mo?"

Madilim ang mukha niya. He licked his lower lip kaya lalong pumula at namasa-masa iyon. Ang kanyang panlalaking pabango ay nasanay na sa ilong ko. Nagugulo ng hangin ang kanyang buhok kaya napunta iyon sa mata niya pero kahit ganoon, kitang kita ko pa rin ang matalim niyang titig sa akin.

"Ang point ko lang ay kailangan niya rin ng kaibigan dito sa lugar natin maliban sa iyo. Who knows kung ilang linggo o buwang iyan dito..." nagkibit balikat pa siya.

"Eh ano naman sana kung ako lang ang kaibigan niya?" inirapan ko siya.

Ang galing niyang itaboy si Jarrik sa mga kaibigan niya tapos siya ay hindi manlang itinuturing na kaibigan si Jarrik? Ano ba talaga ang problema niya? Hindi na ito tungkol sa pagbibigay ko ng hangin kay Jarrik kagabi, e. Iba na ang nararamdaman ko.

"I'm jealous!" nag-iwas siya ng tingin at hindi na makatingin sa akin. "Damn it..." mahina at malutong na mura niya tsaka naghilamos ng mukha.

"Bakit ka naman magseselos?" ang kaninang galit at irita ko sa kanya ay biglang napawi. Mahinahon na ako ngayon at may kung anong naglalaro sa tiyan ko.

Hindi siya sumagot. Pumunta siya sa likuran ko at hinila sa kanya kaya ang likod ko ay nakadikit sa dibdib niya. He rested his face on my neck. Tumaas lahat ng balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga roon.

"Sana naman maging sensitive ka sa nararamdaman ko," bulong niya.

Hindi na ako makasagot. Ang dalawa niyang kamay ay nasa bandang tiyan ko. Nasa pagitan ako ng dalawang paa niya. Hindi na bago sa amin ang ganitong posisyon ngunit lagi nalang akong nagugulat sa bilis ng tibok ko. Para bang kumportable ako sa piling niya. Nakakainis kasi tuwing nag-aaway kami ay kunting sweet words lang mula sa kanya ay ayos na ulit kami.

"Just don't mind him. Alam ko namang mag-eenjoy siya roon so..." huminga pa siya ng malalim sa may kanang tenga ko, "Why don't we enjoy this moment too?"

Matagal ko nang alam na possessive at madali siyang magselos. Minsan hindi na rin healthy ang ganoon kaya nagpagsasabihan ko siya. Hindi ko naman nararamdaman ang ganoong selos dahil umiiwas na siya bago ko pa masabihan.

Hindi naman talaga kami away-bati. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Simula kagabi ay parang nakatatak na sa utak ko ang mga sinabi niya. Iyong hindi niya paghatid sa akin pauwi pero sinundan naman ako. Alam kong naimpluwensyahan lang siya ng mga kaibigan niya dahil ayaw nila sa akin. Ayaw ko rin naman sila.

"Si Wave? Sus, feeling strong ang isang iyon. Iniwan kasi ng babae," natatawang sabi niya.

Pero kahit na ayaw ko sa mga kaibigan niya ay kailangan may alam din ako sa mga background nila kaya nagpakwento ako kay Vien. Taliwas sa impression at iniisip ko tungkol sa kanila ang kwento ni Vien. Siguro kung hindi ko kilala ang mga iyon, iisipin kong mababait sila. Pero dahil mas nauna ang meet-up kaysa kwento, parang hindi pumapasok sa isip ko na mabait nga sila.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon