Kabanata 26

4K 93 56
                                    

Kabanata 26

First Kiss

Ilang minuto kaming nag-away ni Vien dahil ayaw niya nang bumalik sa Lugar Escondido. Gamit ang Van na sinasakyan namin ay dinretso niya ang daan pauwi sa kanilang bahay. Halakhak lang niya ang sagot sa bawat palo at suntok ko sa braso niya.

"I'm driving!" Nanlaki ang mata niya habang tumatawa.

Hindi ko malaman ang ugali nang isang ito. Kanina ay takot na takot pa naman ako dahil mukha siyang makakapatay ng tao. Mukhang kayang kaya niya talagang patayin si Jarrik kanina pero ngayon ay para na siyang bata kung mang-asar sa akin.

"Vien..." tawag ko sa kanya tsaka bumuntong hininga.

"Hmmm?" Kahit ang pag moan niya ay husky pa rin ng boses niya.

Kinurot kurot ko ang likod ng kamay ko tsaka lumunok. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa nangyari kanina kahit na wala naman akong kasalanan. Pakiramdam ko kasi ay may kasalanan ako sa kanya.

"I'm sorry."

Pagkasabing pagkasabi ko noon ay biglang sumeryoso ang mukha niya. Umigting ang panga niya at nakita kong nag-ugat ang braso niya sa higpit ng hawak niya sa manibela. Namumula rin ang tainga niya at masasabi kong nag pipigil siya ngayon ng galit.

"Mahal kita, Ianne..." seryosong sabi niya.

Nagulat ako kasi imbes na sigawan niya ako, ilabas niya ang galit niya, o humingi ng paliwanag sa akin ay iyan pa ang sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko deserve ang pagmamahal na binibigay sa akin ni Vien. Pakiramdam ko ay hindi ko napapahalagahan iyon.

"Hindi ko alam na kaya ko palang mag mahal ng ganito," humalakhak siya habang seryoso at diretso ang tingin sa daan.

Tinitigan ko ang mukha niya. Natatamaan ng street light ang mukha niya ngunit kitang kita ko ang seryoso niyang mukha. Kumikinang din ang diamond earring niya sa kanang tainga and the silver necklase hung on his neck at kumikinang din tuwing natatamaan ng liwanag.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Nangapa ako sa aking dibdib ngunit wala akong nakuhang sagot. Yumuko ko at pinaglaruan nalang ang daliri ko. Kinurot kurot ko iyon.

Pagkarating namin sa bahay nila ay sa kwarto agad niya kami dumiretso. Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya habang nagtatanggal ng damit. Nanatili akong nakatayo sa gilid at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanuyo ang lalamunan ko kaya ilang beses kong sinubukang lumunok pero ang baradong naroon ay hindi pa rin natanggal.

"Let's sleep..." he said softly nang matanggal niya na ang pang itaas niya.

Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang paa ko papunta sa kanya o mananatili akong nakatayo. Pakiramdam ko kasi ay naugat ang paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ko kayang maglakad papunta sa kanya.

"Come here..." he called again. This time, with authority.

Unti unti kong hinakbang ang paa ko papunta sa kanya. Ang magaspang niyang kamay ay inabot ang kamay ko para hilahin papunta sa kanya. Halos mapatili ako nang bigla niya akong hilahin kaya napaupo ako sa binti niya. Niyakap niya ako patalikod. Nagtaasan lahat ng balahibo sa aking katawan nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking leeg.

"Matulog na nga tayo," he chuckled on my ear. "Baka kung saan pa mapadpad ito, eh."

Kahit na sanay na ako sa pagiging straight forward niya ay nag iinit pa rin ang pisngi ko sa tuwing sinasabi niya ang mga iyon.

Sabay kaming pumasok kinabukasan. Hindi na ako umuwi ng bahay dahil wash day naman ngayon at hindi kailangan mag uniform. Sinuot ko ang mga gamit na iniwan ko noong isang araw dito. Suot ko ang grey oversize v neck sweater at ripped grey skinny jeans.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon