Kabanata 6

5.9K 111 29
                                    

Kabanata 6

Away

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan niya. Suot niya ang hoodie niya at naka-black pants siya. Dahil sa hangin ay naamoy ko ang pamilyar at panlalaking amoy ng pabango niya. Maayos din ang pagkakaayos ng buhok niya. Nanatili siyang nakasandal sa pader sa gilid ng pinto at nakatingin sa akin ng walang ekspresyon.

"Don't answer with anothe question, baby," madiin at makahulugan niyang sabi.

Alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan. Hindi ako manhid. Umirap ako dahil imbes na ako sana ang magalit kasi hindi siya nagpaalam sa akin ay siya pa itong galit na galit ngayon. Mukhang napansin iyon ni Jarrik.

"Pasensya na, bro, namasyal lang kami," aniya.

"Ah, namasyal?" umarte siya na akala mo ay may pakealam siya sa ginawa namin. "Nice."

Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sa kanya. Hinila ko ang dulo ng hoodie niya at hinila siya pataas. Ayoko siyang awayin sa harap ni Jarrik dahil baka kung ano pa ang masabi niyang kung ano ano. Wala pa namang filter ang bunganga ng kupal na ito.

"Nice, Ianne. Nice," paulit ulit at sarkastikong sabi niya.

Hindi naman niya ako pinigilan at nagpahila na rin siya sa akin. He laughed with no humor. Iritang irita siya. Now, I'm suddenly pissed too. Kung siya ang lalabas ay wala akong karapatang magalit, pero kapag ako, magagalit siya?

"Ano nanaman ang problema mo, Vien?" sinarado ko ang pinto.

Umupo siya sa gilid ng kama niya habang nakatingala sa akin. Nag-iinit ang mukha ko sa galit kaya malamang ay pulang pula ako ngayon. He clenched his jaw. I find it hot, pero hindi ngayon ang tamang oras para pagpantasyahan siya.

"Why are you with him?" seryosong tanong ko.

Magkasalubong ang kilay niya at tamad ang mga matang tinitignan ako. Madilim ang mukha at alam kong anumang oras ay kaya niyang pumatay ngayon. In short, nakakatakot siya magalit.

"Wow!" I exclaimed. "Bakit, Vien, sinabi mo ba sa aking aalis ka pala ngayon? Saan ka naman galing?"

Umigting ang panga niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at hindi na muling nagsalita. Namaywang ako sa harap niya. May tinatago yata ang isang ito sa akin.

"Lagi ka nalang ganito, Vien."

"Napipigilan ba ang selos?" ang kaninang malakas at galit niyang boses ay biglang humina. Hindi na rin siya makaangat ng tingin sa akin.

"Goodness, ano ba ang nakakaselos kay Jarrik? Kaibigan ko lang iyong tao!"

Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng kaibigan? Tingin ba niya ay mataas ang depinisyon niyon kaysa sa kasintahan? Friend. Boyfriend. Alin ba ang tingin niya mas matimbang?

"I'm just jealous, dammit!" malutong niyang mura.

Kung dati ay natutuwa ako tuwing nagkakaganito siya dahil pakiramdam ko ay napaka-espesyal kong tao. Ngayon ay hindi nakakatuwa. Nakakairita dahil kahit anong sabi ko na kaibigan ko lang iyon tao ay binibigyan pa rin niya ng malisya.

"Jealous my ass-"

"I'm jealous the way you're happy without me, Ianne!" ginulo niya ang buhok niya sa frustration.

Ngayon ay hindi na ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pinapanuod ko lang kung paano siya mafrustrate dahil sa nangyayari. Bakit ba napaka-possesive ng isang ito, to the point na nakakairita na?

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon