/5/ Signus Academy

30.3K 1.1K 146
                                    

Nasa harap na namin ang higanteng gate ng Signus Academy. Kulay ginto ito at may mga mythical creatures na nakaukit tulad ng dragons, unicorn at iba pang mga elemental spirits na mas nagpaganda sa kabuuang disenyo nito. Nagliliwanag ito at mahahalata rin ang makapal na protective barrier na ayon sa librong nabasa ko ay nakapalibot sa buong akademya.

May malalaking letra na gawa sa nagliliwanag na ginto at bumubuo ng mga salitang, "SIGNUS ACADEMY"

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil magsisimula na ang kalbaryo ng buhay ko. Susuungin ko ang pugad ng mga taong sa pagkakaalam ko ay pumatay sa pamilya ko. Ngunit hindi ako sigurado. Hindi ko alam. Wala akong ideya. Kinakabahan ako sa mga malalaman ko simula sa araw na ito.

"Since hindi ka pa official student ng Signus Academy, itapat mo ang palad mo sa nakaukit na araw sa gate. Gayahin mo lang Ate ang gagawin ko," sabi ni Marko. Tinapat niya ang kaniyang kamay sa nakaukit na unicorn sa gate at nagpalabas siya ng dilaw na liwanag sa kaniyang palad. "Padaluyin mo lang ang signus mo, Ate."

Pinadaloy ko ang kapangyarihan ko sa aking mga ugat hanggang sa umabot ito sa aking kanang kamay. Naglabas ang palad ko ng lilang liwanag. Nang maitapat ko ang nagliliwanag kong palad, parang may kung anong pwersang humigop sa buong katawan ko. Sa isang iglap, nasa loob na ako ng akademya.

Bumungad sa akin ang malapad na pathway na pinapagitnaan ng malawak na luntiang grass field kung saan maraming estudyante ang nakatambay. May nagliliwanag at kumikinang na mga halaman at bulaklak sa paligid. May mga tila kutitap na palipad-lipad sa ere na nang lapitan ko ay mga fairies pala. Sa bandang unahan ng kinatitirikan kong pathway ay may mga gusali at estrukturang nakakahanga ang pagkaka-inhenye.

Sa kalagitnaan ng paghanga ko sa natatanging ganda ng Signus Academy, nabaling ang atensyon ko sa biglag pagtili ng mga estudyante. Hindi ko maiwasang sundan kung saan sila nakatingin; sa isang grupo ng mga estudyanteng nagtatawan at naghaharutan. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga mukha nila. They were all gorgeous and handsome, enough to gain everyone's attention. Ibabaling ko na sana sa iba ang aking paningin nang mahagip ko ang kulay ng linings ng uniporme nila. They were silver. 'A-rank students. So they're the famous ones', sa isip ko. Nakumpirma ko ito sa suot nilang silver na singsing na kumikinang at agaw atensyon.

Akala ko ay wala silang pake sa paligid nila ngunit isang lalaki ang lumingon sa direksiyon ko. saktong nagtama ang mga paningin namin. His eyes were fierce. Para akong hinihigop ng mga ito. Nakakapanghipnotismo.

"Krring!" biglang pagtunog ng alarm dahilan upang mahimasmasan ako. Nagsitayuan din ang mga estudyante at nagsipuntahan palapit sa mga gusali.

"Ate, kailangan ko na magpalit para makahabol sa klase ko. Just go to Headmistress' Office to become an official Signusian. Welcome to Signus Academy!" nagmamadaling sabi ni Marko. Sandali kong nakalimutan na nasa tabi ko pala ang kapatid ko. Napatango nalang ako sa kaniya at ibinalik ang paningin sa kaninang grupo ng estudyanteng dumaan sa harap ko. Ngunit paglingon ko sa grupong iyon ay wala na sila. Paglingon ko ulit kay Marko ay wala na rin siya sa tabi ko.

Naiwan akong nakatayo mag-isa. Huli na nang maalala ko na hindi ko pala alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Paano ko ngayon hahanapin ang HM's Office? Bahala na!

Nagsimula akong maglakad, naglibot-libot sa akademya upang hanapin ang headmistress office. Inisa-isa kong puntahan ang limang matatayog na gusaling parang castle ang disenyo, nagbabaka-sakaling mahanap ko ang HM's Office ngunit wala.

Nakakapagod maghanap ngunit napawi ito nang may masaksihan akong nakakamangha. May isang babae akong nakita kanina when I was at the 2nd floor of the building. I was with her that time ngunit nang bababa na kami, bigla na lamang siyang lumubog sa sahig. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko siyang nakalabas na sa pinto ng ground floor. She was amazing. She could phase through objects. She had an amazing signus.

Speaking of signus. Kahit na sampung taon akong tumira kina Tatang Isko at Marko, kakaunting impormasyon pa lang ang alam nila sa pagkatao ko. Kahit na ang signus ko ay hindi nila alam kung ano maging ang tungkol sa nangyari sa aking pamilya. Basta nalang nila akong kinupkop, inalagaan at pinagkatiwalaan kaya tinuturing ko rin silang pangalawa at tunay kong pamilya.

Nilibot kong muli ang akademya. Napansin kong pinalilibutan ng limang gusaling pinuntahan ko kanina ang isang napakalaking arena. Naisip kong imposible namang nasa loob ng arena ang opisina ni headmistress kaya hindi na ako pumasok pa. Sa halip ay pumunta ako sa bandang likod ng akademya.

***

Someone's POV

Tinalon ko ang napakataas na sanga upang makaakyat sa punong palagi kong pinagtatambayan upang doon ubusin ang aking oras. Umupo ako sa sanga at isinandal sa puno ang aking ulo. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa aking mukha.

Mahimbing akong natutulog nang bigla akong nakadama ng presensya. Dinilat ko ang mga mata ko at tiningnan kung saan ito nagmumula. Isang babae.....isang magandang dilag ang pinagmumulan nito. Side view lang ang nakikita ko sa kaniyang mukha ngunit makikita mo talaga ang taglay niyang kagandahan. Nang humarap siya sa kinaroroonan ko ay isang imahe ng babaeng kahawig niya ang pumasok sa aking isipan.

'Nakikita ko SIYA sa kaniya. She looks just like her!'

***

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon