/17/ Land of Blossom

22.4K 946 132
                                    

Chapter 17:
LAND OF BLOSSOM

Ester's POV

Lumipad ako nang napakabilis. Wala pang isang oras ay narating ko na ang katimugan ng Archania. Tatlong daang kilometro ang distansya ng nilipad ko sa loob ng wala pa isang oras. My decision was right. Ngayon, mas marami pa ang oras ko sa paghahanap ng Uwu flower.

Mula sa himpapawid ay natatanaw ko na ang isang parte ng lugar na napakaganda dahil sa ipinapakita nitong iba't ibang kulay, marahil sa iba't ibang bulaklak. Baka ito na ang Land of Blossom.

I flapped my wings at nagpabulusok sa direksyong iyon. Kasabay ng paglapag ng mga paa ko sa lupa ay ang pagbabalik anyo ko bilang si Ester.

I turned my signus off para hindi ako maka-attract ng ibang nilalang na maaaring narito. Sinimulan kong hanapin ang bulaklak na hinahanap ko ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Napakaliit lang ng Land of Blossom kung titingnan sa himpapawid pero sobrang lawak pala nito," sabi ko sa sarili ko.

Napakaraming uri ng bulaklak ang aking nakikita. Iba't ibang uri at may iba-ibang kulay. Nakakaakit sa mga mata ang gandang ipinapakita ng Land of Blossom lalo na ang bangong nilalabas ng mga bulaklak. It is so addictive at parang ayaw ko ng umalis sa lugar na ito.

Sandali... Bakit parang inaantok ako? No way! The flowers are making me sleepy!

Tinakpan ko kaagad ang ilong ko para labanan ang antok. Kahit na alam ko nang may lason ang ibang bulaklak, ipinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap. Mayroon na lamang ako isa at kalahating araw. Kailangan kong makakuha ng Uwu Flower sa mas madaling panahon.

Makalipas ang isang oras ay halos nasa gitna na ako ng lupain ng Land of Blossom. Palakas nang palakas rin ang nararamdaman kong antok. Kailangan kong mahanap ang bulaklak bago pa ako makatulog. Ngunit matapos ang lima pang hakbang ay tuluyan na talagang bumagsak ang katawan ko.

****

Third Person's POV

"What? She left without telling us?" inis na sabi ni Heaven. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang pag-alis ni Ester nang walang paalam.

"Let her be. Umalis siya nang walang paalam dahil kaya niya na ang sarili niya," saad ni Finnix na prenteng nakaupo sa couch.

"Land of Blossom ang pinuntahan niya Finnix. Binabantayan iyon ng mga Elven at isa pa, malapit na ito sa lugar ng mga Drakos na mortal na kaaway nating mga Archanian. Napakadelikado ng lugar na 'yon Finnix at alam mo yon. Kung hindi ka nag-aalala kay Ester, h'wag mo akong gayahin sayo," galit na sabi ni Heaven.

Taliwas sa sinabi ni Finnix and nararamdaman niya. Sa totoo lang, nag-aalala rin siya para kay Ester. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdam niya kay Ester. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aalala.

"Pero wala na tayong magagawa, hindi tayo pwedeng lumabas ng campus," walang pag-asang sabi ni Crystal na sinang-ayunan naman ni Ten at Winwin.

Samantala, walang kibo namang nakikinig sa gilid sina Lucas at Hydra.

"Wala na tayong magagawa kundi maghintay sa kanya," komento ni Hydra.

'Masyadong delikado para sa kaniya ang pumunta doon nang mag-isa. I'll go find her,' someone thought.

***
Ester's POV

"Mama, kanina ka pa namin hinihintay ni Kuya Kram. Bakit ngayon ka lang mama?" tanong ng isang batang babae. Maitim na maitim ang kaniyang buhok at mapupungay ang kaniyang mga mata.

Sandali, hindi ba't ako ito nang kabataan ko? Ako ang batang babae at si mama ang kausap ko. Sumikip ang dibdib ko nang makita ko si Mama. Namimiss ko na kayo, Ma.

Parang nanonood ako ng pelikulang napakalinaw at detalyado.

"May kinuha lang ako, Nak. Tingnan mo." Isang kulay violet na bulaklak ang hawak-hawak ni Mama. Napakaganda ng bulaklak na ito, kasing ganda ni Mama, ang isa sa mga taong pinakanami-miss ko.

"Ano po 'yan, Mama?" tanong ko sabay kuha nito mula sa kamay ni Mama. Kasing laki lang ito ng hinlalaki ko ngunit batid ang kagandahan nito.

"Ito ang tinatawag na Pixie Flower, Nak. Look closely." Pumitas si mama ng isang petal at inipit niya ito sa pagitan ng kaniyang hinlalaki at hintuturo. Sinimulan niya itong durugin at nagsilabasan ang mga kulay violet na pixie dust mula sa kaniyang daliri. Nilipad ito ng hangin at umiilaw-ilaw sa madilim na gabi.

Lumapit sa amin si Kuya Kram. "Wow! Ang ganda, Mama!"

Nagmistulang galaxy ang paligid dahil nagpatuloy kami sa pagdurog ng mga petals ng Pixie Flower. Parang nagkaroon ng mga lumilipad na mga bituin sa madilim na gabi.

"Wooooow!"

"Wooooooow. Ang ganda talaga!"

"Woah!"

"Mama, itong bulaklak pa lang ang nagpasaya sa akin bukod sa inyo nina Kuya at Papa. Tatawagin ko itong Uwu Flower," sabi ng batang ako kay Mama.

"Uwu Flower?" Isang boses ang sumingit sa aming kasiyahan.

"UNCLE!" sabay naming sigaw ni Kuya Kram.

*End of dream*

Nagising ako mula sa pagkakatulog. Nasa gitna pa rin ako ng field ng mga bulaklak. Ngayon, wala nang epekto sa akin ang pampatulog na dala ng pinaghalo-halong amoy ng bulaklak.

Inalala ko ang panaginip ko kanina hanggang sa mapagtanto ko. "It was not a dream! It was one of my forgotten memories!

Pixie Flower is Uwu Flower. Kaya pala wala sa kahit na anong libro ang Uwu Flower dahil sa akin mismo nanggaling ang pangalang iyon. At si Mr. Magnus.., "He is my Uncle!"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. May tumulong butil ng luha mula sa kanang mata ko. All these times, akala ko wala na akong kadugo na nabubuhay sa mundong ito. Kailangan kong makabalik kaagad.

Agad akong pumunta sa parte ng Land of Blossom kung saan madaming Uwu Flower. Kaagad akong pumitas nito at nilagay sa magic pouch.

I have to go back as soon as possible. I am excited to see Uncle Magnus!

Ngunit bigla ako nakaramdam ng presensya ng ibang tao. Hindi lang ako ang narito. At ang mga presensiyang ito, mula ito sa mga drakos. Naramdaman ko ang presensya nila, tiyak naramdaman rin nila ang presensya ko. Mukhang tama ako dahil papunta ang direksyon ng siyam na Drakos sa direksiyon ko.

'You are in danger!' May bumulong sa isip ko.

"No, I'm not," sagot ko. "I can fight them."

Kaso kung may labanang magaganap dito sa Land of Blossom, tiyak masisira ang ganda ng lugar na ito. At hindi ko hahayaang mangyari iyon..

"They are getting closer, Ester! You have to run!" Someone said in my mind.

"Run!" Not just one but seven voices echoed in my mind.

- End of Chapter 17 -
*************


Hiddenthirteen's Note!

The next four chapters will contain explaination Ester's signus. Yes! FIVE CHAPTERS!

I hope your wild guesses about her signus are right!

Don't forget to comment and VOTE!"

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon