/43/ Reen's Nightmare

17.6K 766 52
                                    

Chapter 43:

REEN's NIGHTMARE

*************
Ester's POV

Matapos naming kumain ay inilibot naman kami ni Reen sa buong academy. Kaming tatlo lang ang magkakasama. We invited the rest of our friends nang minsa'y makita namin sila pero may gagawin pa raw sila at baka raw ma-distorbo kami.

Strolling around the academy left us being tired. Kaya pagsapit ng gabi ay dumiretso kaagad kami sa kuwarto ni Reen matapos naming kumain ng dinner. Napagpasyahan naming sa sahig na lang matulog dahil hindi kami magkakasya sa maliit na kama ni Reen. Finnix suggested na kung pwede siya nalang sa sahig at kami ni Reen na parehas babae ang hihiga sa kama but Reen disagreed. Gusto niya daw kasi kami makatabi pareho kaya sa huli ay sa sahig kami nahiga.

"Ate Ester, huwag ka sanang magagalit kung magigising kita mula sa mahimbing na pagtulog. Baka kasi dalawin na naman ako ng paulit-ulit na bangungot na nagpapahirap sa akin tuwing gabi. Magsosorry na ako ngayon palang," malungkot na sabi ng bata.

"It's okay, Reen. I'll be here to comfort you if that happens," malambing kong tugon. Sa isang araw na bonding naming tatlo ay masyado na akong napalapit kay Reen. Ramdam ko na ang nararamdaman ni Finnix towards Reen.

Reen is like a doll na kahit kailan ay hindi mo makikitang malungkot. She is always happy and positive. Matalino siya at mabait. Hindi ko namalayang napalapit na ako sa bata. At dahil napalapit na siya sa akin, she now belongs to the group of people that I swear to protect.

"Reen?" pagtawag ko sa kaniya baka gising pa siya.

Reen is between I and Finnix. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kaniya.

"Psh! She's asleep already. Masyado siyang napagod kanina," tanging kami na lang pala ni Finnix ang gising ngayon at parehas kaming nakatitig sa umiilaw na mga bitwin sa kisame.

"Ilang taon na kayong magkakilala ni Reen?" I asked out of the blue.

"7 years. I know her since she was a baby," sagot niya.

"Really? Paano mo siya nakilala? Is it by coincidence?"

"Pansin mo sigurong malapit kami kay Mr. Huklens, hindi ba? Nang bata palang kami, 13 years old to be exact, we were once camping with Mr. Huklens when he was still an elementary teacher of Signus Academy. That night we saw a baby in the forest. Her forehead is glowing with a birthmark, parang libro na nakaukit sa kaniyang noo. That was when we thought Reen is special. Pero huli na nang malaman namin that her birtmark on her forehead is a curse. That is why she is always having the same nightmares."

"Can you tell me about her nightmares? Maybe we can do something about it."

"Hindi ko alam. Walang sinuman ang nakakaalam kung anong panaginip ang dumadalaw kay Reen. Sa tuwing tatanungin namin siya tungkol sa kaniyang bangungot ay hindi niya magawang makasagot. Kapag ikikwento niya kung tungkol saan ito, her birthmark will appear at kalauna'y sasakit ang ulo niya. It seems her birthmark is stopping her from telling something about her nighmares. Pinatingin na rin namin siya sa pinakamagagaling na healer o kung sino mang makapagpapagamot sa kaniya but they all failed. Even Tatang Isko failed to know the reason why she is suffering like this. Pero umaasa pa rin kami na may isang taong makakapagpapaalis sa sumpang meron siya." Kahit na madilim at hindi ko siya nakikita ay alam kong lumuluha ngayon si Finnix. He is really soft towards Reen. She is very important to him. Now, I see another side of him. The well-known Finnix is crying right now.

"Don't worry Finnix. I'm sure there will be a person who can help Reen." I comforted him.

Muling nabalot ng katahimikan ang silid. Wala na akong narinig na sagot mula sa kaniya. I waited for his response for another minute pero katihimikan pa rin ang bumalot sa buong silid. I guess nakatulog na siya. Matutulog na rin ako.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat