/11/ Meet The Bluebloods

24K 1K 112
                                    

Chapter 11:
MEET THE BLUEBLOODS

Ester's POV

"Class dismiss."

So yeah, the boring class has finally ended. Nakakaantok ang history class namin. Wala akong natutunang trivial matters.

"Ester!" I know that familiar voice. Lumapit sa akin si Crystal. "Sabay ka na sa'min kumain," pag-aaya niya. She pointed her circle of friends at kasama doon si Finnix pati na ang lalaking may dark hair na nakakuha ng atensyon ko.

"Nagyaya kasi si Lucas na kumain muna bago pumunta sa next subject. He said he is hungry," at tinuro niya sa akin ang lalaking may dark hair. So Lucas is his name. I wonder kung ilang oras niya na tiniis yung gutom mula kanina nang mabasa ko ang nasa isip niya. What a big baby. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kaniya kaya lumingon siya sa direksyon ko. Hindi naman ako umiwas ng tingin bagkus ay nakipagtitigan ako sa kaniya hanggang sa siya mismo ang unang umiwas.

"Sure. I'll join you," sabi ko at lumapit na kaming dalawa sa grupo nila. After many thoughts, napagdesisiyunan ko na maging malapit sa Bluebloods dahil gamit ang reputasyon nila, matutulungan nila akong gawin ang misyon ko nang mas mabilis. Magkaka-acess ako sa maraming bagay gamit sila.

Nagsitinginan sa akin ang mga kaibigan ni Crystal, which made me feel awkward..

Naglakad na kami papuntang cafeteria. Since si Crystal lang ang kilala ko sa kanila, siya lang ang nakakausap ko. Nagtatawanan ang magkakaibigan at halatang napaka-close nila sa isa't isa samantalang nasa likod lang nila ako, sinasamahan ni Crystal para raw hindi ako ma-out-of-place.

Sa wakas, nakarating na rin kami sa cafeteria. The cafeteria is separated from the rest of the buildings. Napakaliit lang nito kung tititigan sa labas ngunit nang pumasok kami, halos maluwa ang mata ko sa lawak ng lugar. Napakaaliwalas. The walls are painted in white, and the different kinds of plants being displayed on the wall made the cafeteria look cool and refreshing.

Tinungo namin ang isang mahabang mesa na may nakalagay na 'Bluebloods'.

"Isn't she the new student?"

"She is."

"Then why is she with the Bluebloods?

"I heard she is just a D-rank."

"She's a social climber for sure."

Naging komosyon ang pagsama ko sa Bluebloods. Ako ang naging usap-usapan ng mga estudyanteng kumakain ngayon sa cafeteria. Yes, I can hear it all pero hindi ko ito pinansin. Instead, pinulupot ko ang kamay ko sa kamay ni Crystal para lalong inisin ang mga taga-hanga nila. Tumingin naman sa akin si Crystal na nakakunot ang noo then I pointed those people na pinag-uusapan ako.

"Did she just do it to Crystal?"

"What a bitch! Humanda siya sa akin mamaya for touching the Bluebloods" mission success. Epektibo ang pang-iinis ko sa kanila.

"You really have the guts, huh," Crystal said with a grin.

Nang makaupo kami ay agad na nag-volunteer si Crystal at ang lalaking may gray-hair para mag-order.

"Transfer your kuns now," sabi ni Crystal. Isa-isa namang nagsilabasan ang hologram mula sa signus ring nila. They tapped on the hologram then a beep was heard, a confirmation that the kuns were transferred to Crystal's account. Ako nalang ang hindi pa nakapag-transfer ng kun kaya sinimulan ko nang pindutin ang hologram ng signus ring ko but...

"Except from you, Ester. Remember, I'll treat you for a week. Just tell me what you want," she made a gun using her hands then she winked. She really is always jolly.

Sinabi ko sa kaniya ang gusto kong kainin. I want to eat veggies a lot so I asked for a vegetable salad.

"Okay, and I'll now order our usual meal."

I am left with THEM, and it is very awkward. No one is speaking. Nagtititigan lang kami na parang ewan. Until, the lad with an angelic face started the convo.

"Hi, lady! I'm Winwin, an Archangel," pagpapakilala niya. Nakipagkamay pa siya sa akin na hindi ko naman tinanggihan hanggang sa isa-isa na silang nagpakilala.

"I am Heaven, a Grand Wind Elementalist...," pagpapakilala ng babaeng may puting buhok, "...and she is my cousin, Hydra, a Grand Water Elementalist. She doesn't speak much kaya masanay ka na lalo na at we are all dormmates."

Kaya pala kanina ko pa napapansing hindi umiimik ang babaeng may light blue na buhok. She is just busy reading a book.

"That guy with a red hair is...," sabi ni Heaven.

"Don't bother telling my name to her, I bet she knows me already," Finnix interrupted without signs of emotions. Nagtaka naman sila ngunit panandalian lang ito dahil halos lahat ng newbies sa Signus Academy ay nakikilala kaagad si Finnix bilang the top and scariest Signusian.

"Yeah, I happened to know Finnix yesterday," I agreed, but did not say any details. I can still use this information to blackmail Finnix. I smiled secretly in my mind.

Tanging isang tao na lang ang hindi pa nagpapakilala sa akin. Siya ang lalaking may dark hair, na kanina pa walang imik tulad ni Hydra.

Ramdam niya siguro ang awkward ng sitwasyon kaya nagsimula na siyang magsalita.

"Lucas," he plainly said. His has a deep voice that complements his dark yet soft features. He is here, but his mind seems not to be here. Mukhang may malalim siyang iniisip kaya nakatulala siya all the time. Hanggang sa maalala ko ang nabasa ko sa isip niya 'I'm hungry'. Ito pa rin ba iniisip niya?

Now it is my turn to introduce myself.

"I'm Ester, and nothing is trivial about me," I said. Napalingon sa akin si Lucas sa hindi ko malamang dahilan ngunit panandalian lang iyon.

"No, don't believe her. She is something!"




***
JAYWALKER's NOTE:

Yaaaay the Bluebloods are out! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito!

Don't forget to click the star icon, Signusians!

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now