/42/ Unofficial Confession

19.4K 786 91
                                    

Chapter 42:

UNOFFICIAL CONFESSION

*************

Ester's POV

Hindi ko alam kung totoo na ba talaga itong nararamdaman ko para kay Finnix. Am I really in love with this man?

Sa wakas ay narating na rin namin ang canteen. Napakaraming tao as what I expected. Almost all the students are here. Mapa-bata, teenagers, hanggang sa mga matatanda. I mean the faculty and the teachers are here too. They are all busy eating their meal. Napakalapad ng canteen na ito kaya nagkasya ang napakadaming estudyanteng kumakain nang sabay-sabay. Dahil sa sobrang dami ng tao ay nahirapan akong makakita ng bakanteng mesa na maaaring pagpwestuhan.

Sa gitna ng aking paghahanap ay nahagip ng mga mata ko ang isang bakanteng mesa malapit sa gilid ng canteen. Isang mesang maliit na kasya ang walong tao with two seats each side. Tatlo lang naman kami ang kakain kaya pwede na 'yon.

"There!" Tinuro ko sa kanila ang mesang iyon na kaagad naman naming tinungo. Akala ko ay maaabutan naming kumain sina Heaven and the rest of our friends, pero akala ko lang pala iyon. Kanina ko pa rin hinahanap ang mga mukha nila baka sakaling nandito pa rin sila pero wala. My eyes couldn't find them.

Pagkarating namin sa mesa, binuhat ni Finnix si Reen at itinabi sa kaniya while I sat opposite to them. Pero muli namang tumayo si Reen at lumapit sa akin. Her small hand held mine at hinila ako. Sa una'y hindi ako nagpahila sa kaniya ngunit nang makita kong nalungkot siya ay nagpadala ako sa huli. Dinala niya ako sa kung saan naka-upo si Finnix.

"Sit beside Kuya Finnix!" utos niya sa akin na parang wala akong karapatang tumanggi.

"Alam kong wala kayong card ng academy so hindi kayo makakakain dito without my help. Just sit here at ako na ang bahala sa orders niyo," sabi niya na parang isang matanda. She doesn't seems like a 7-year old girl that she is. She thinks and speaks like a mature one.

"Ah! Before I forgot. May bayad ang paglibre ko sa inyo. You're payment to your meal will be...I want you to hold hands until I come back here, okay?" Kinuha niya ang kamay ko at ang maugat na kamay ni Finnix. Sapilitan niya itong pinagbigkis sa isa't isa. I can feel the heat of Finnix's hand. It is warm, and it feels nice.

"Kailangan pagbalik ko magkahawak pa rin ang mga 'yan. Bibili lang ako sandali. I'm watching you!" saka siya pumunta sa counter ng canteen. Kaagad ko namang tinangkang kumalas mula sa pagkakahawak sa kamay ni Finnix ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

"The kid is watching. Let's just do it for her,"  mahinang sabi niya. He evem winked as he said those words.

"Are you really doing this for her or you are doing this intentionally?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya sa'kin. Kanina ko pa kasi iniisip. When we met Reen, she was really against with the thought of me and Finnix being in a relationship, though it's fake. But after nang may binulong si Finnix sa kaniya, she is suddenly pushing us into each other. Ano na naman kaya ang sinabi ng lalaking ito? "What did you tell her? Why is she suddenly acting like this?"

"Ibubulong ko ba ito sa kaniya kung hindi ito sekreto na para sa amin lang?" sagot niya sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti. Ngiting mas mapapaisip ka kung ano ba talaga ang ibinulong niya sa bata.

Kung tutuusin kaya ko namang basahin ang isip ni Finnix ngayon upang masagot ang katanungan ko, but I chose not to. Sa mga panahong naging magkasama kami, pati na rin ang iba pang mga naging kaibigan ko, isang bagay ang natutunan ko: everybody needs privacy at ito ang bagay na hindi ko dapat nakawin mula sa kanila lalo pa't mga kaibigan ko na sila. Ito na lang ang isang mabuting bagay na magagawa ko para sa kanila kapalit ng pagpapanggap, pagsisinungaling at pagtatago ko sa kanila ng aking mga sekreto. Siguro'y maaalis ko na ang salitang pagpapanggap dahil nagsisimula na akong ipakita ang tunay na ako. Paunti-unti na akong nagbabago. I am now having different feelings that I haven't felt my whole life.  Nagsisimula na rin akong sumandal sa mga taong alam kong masasandalan ko sa panahon ng kagipitan. I am now trusting people na ni minsa'y hindi ko nagawa simula nang GABING iyon.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now