Chapter 63: Truths and History

11.9K 561 76
                                    

At Rathro's Room

Third Person's POV





"King Rathro, pinapunta po ako rito upang ipaalam na kumpleto na po ang mga hari at reyna sa loob ng conference hall. Ang iyong presensiya nalang ang hinihintay upang masimulan ang pagpupulong." pag-uulat ng isang lalaking pula ang buhok kay Rathro na maayos na nakatindig suot ang eleganteng kasuotan. Humarap si Rathro sa lalaki at ngumiti nang matamis nang makita ang mukha nito.

"Hindi ba't ikaw ang anak ni Haring Feugo?" tila napakahinahong tanong ni Rathro.

"Ako nga po, Mahal na Hari. I am Finnix Ignus, Prince of Ignus Kingdom." Pagpapakilala ni Finnix baka sakaling hindi siya kilala nito.

"I guessed it right! Kopyang-kopya mo ang maangas na mukha ng iyong ama. O siya, sige. Bumalik ka na sa conference hall at sabihan silang lahat na kung maaari ay  maghintay pa sila ng ilang minuto at may tatapusin pa akong mahalagang bagay." Magalang na saad ni Rathro.

"Masusunod po, Mahal na Hari." Magalang rin na sabi ni Finnix bago tumalikod.


"Sandali. Sa susunod, maaari mo akong tawagin sa aking pangalan. No need for formalities." Rathro said with a wink.



"Uhm..." 'di alam ni Finnix ang kaniyang sasabibin. "As you wish King...Rathro" napailing na lang siya nang maalala niya ang sinabi ni Rathro. He just but his lip.

Rathro chuckled. "You don't need to be nervous, kid" he waved his hand as a sign that Finnix is now allowed to leave.

Tuluyan nang tumalikod si Finnix at naglakad palabas ng silid ni Rathro. Kakalabas niya pa lamang ng silid sa tapat ng pintuan ay labis niyang ikinabigla ang dalawang tumatakbong kawal ng Archania Palace. Sa tingin niya ay papasok sila sa silid na kaniyang nilisan, ang kuwarto ni Rathro. Isa sa kanila ang General of Archania Warriors na sa pagkakakilala niya ay si Docar at ang iniisip niya ay hindi tatakbo nang ganito ang general kung walang emergency.

'May nangyari ba at ganito sila kung tumakbo?' Finnix thought. He finally made a step forward para bumalik na sa conference hall na matatagpuan sa first floor ng palasyo.

"King Rathro, nahuli na namin ang bata." Medyo malakas na pagkakasambit ni Docar. Napahinto naman si Finnix sa paglalakad dahil sa narinig. Pati ang kaniyang tenga ay tila tumalas upang pakinggan ang mga susunod na sasabihin ni Docar ngunit nadismaya siya nang wala na siyang narinig na boses ng lalaki.

Pinagpatuloy niya na lang ang paglalakad na may pagtataka sa kaniyang isip.






Ester's PO

Halos hindi maiproseso ng utak ko ang lahat ng nalaman ko.

Ako? Magliligtas sa Archania? Parang ayaw kong maniwala kay Masked Mistress...kay Oracle Minea. Pero kung iispin lang nang mabuti ay may punto ang mga sinabi niya.

"May rason kung bakit nagkita kami ni Reen. May rason kung bakit ko nakita ang panaginip niya. May babala sa kaniyang panaginip na kung sino man ang magliligtas sa mundo ay kailangang maghanda upang maisakatuparan niya ang kaniyang responsibilidad. Hindi ko akalaing ako ang tinutukoy ng kaniyang panaginip." May kalakasang bulong ko sa sarili ko.

Ako nga ba talaga?

"Hindi ka pa rin ba naniniwala, Ester? Kung gayong ang tagapagmana na mismo ni Historian Rene ang nagpakita sa iyo ng nakaraan?" biglang tanong ni Masked Mistress.


"Tagapagmana ni Historian Rene? Si Reen? Pero paano nangyari iyon? Ipinakita sa kin ng panaginip ni Reen na namatay silang dalawa ni Elven Dysia. Walang anak si Historian Rene kaya..."

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now