/54/ Warn Them

15.1K 576 41
                                    

Chapter 54:
WARN THEM
*************

Ester's POV

Something ticklish is on my face na siyang nagpagising sa akin. That annoying fairy again!

Medyo sanay na rin naman akong ginigising niya tuwing umaga pero ang nakakainis lang ay ang paraan niya nito. Hinuhulog niya ang pixie dust niya sa mukha ko para magising ako.

A day has passed, and a new day starts again.

'Knock! Knock! Knock!'

"Sleepyhead, wake up!" I heard someone outside the closed door shouted. It was Hydra's out-of-patience tone.

O'o nga pala. The girls will move their things to my room this morning. We will share my room dahil darating na ang mga estudyante mula sa ibang akademya mamayang hapon. Hindi naman sa gipit o maliit ang Signus Academy pero napakaraming estudyante ang tutuloy dito lalo pa't ang pitong akademya ang inimbita ni Headmistress para sa okasyon bukas. The school faculty ordered that each room will be shared by four students kaya lilipat sila sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at tumbad sina Heaven at Crystal na kaagad na nag-unahang makapasok. Dala-dala nila ang kanilang bagahe na muntik nang magpatumba sa akin nang masagi ako nito. Hydra and I both sighed with their childish acts.

"You made us wait on your ugly door!" I think that is Hydra's way of saying good morning. Napaismid na lang ako at hindi na pinansin ang pagmamaldita niya.

"Akala ko ba sa isang linggo lang tutuloy dito ang mga bisita, bakit parang dinala niyo na rito lahat ng gamit sa kwarto n'yo?" tanong ko nang mapansing halos lahat ng laman ng kanilang kwarto ay bitbit nila maliban kay Hydra.

"Alam mo ba ang nangyari last AAC? Nawala lang naman ang mamahalin kong liptint, and I don't want that to happen again!" mataray na sabi ni Heaven.

"Nawala din ang eyeliner ko. I also don't want that to happen again!" panggagaya ni Crystal.

"How about you, Hydra? Why did you bring that less unlike them?" I asked again.

"Wala naman sigurong magnanakaw ng makakapal kong libro sa kwarto," tipid niyang tugon.

"Mabuti naman. Hindi ko alam kung mapagkakasya ba natin 'yang mga 'yan dito," I sighed in releif.

"By the way, Ester, hindi ka ba natatakot sa disenyo ng kwarto mo? What's with these daggers and swords?" curious na tanong ni Heaven.

"Hindi naman. In fact, I like my room this way." Maybe this room sensed my magnus which is weapon mastery when I first came here, so it automatically designed itself based on it. What if paganahin ko ang signus ko rito? Ano kaya ang magiging design ng kuwarto ko? Stop with that thoughts Ester!

"Weirdo!" Hydra commented.

"Nagsalita ang hindi," Heaven also commented which made Hydra's lips to twitch.

"Stop! Alam ko kung saan na naman ito hahantong. Bago pa mangyari 'yon, let's go have our breakfast na lang," pagsingit ni Crystal. Nahuhulaan ko na rin ang mangyayari. Magkakaroon na naman ng giyera ang magpinsan kapag hindi namin sila inawat.

"Pero paano ang mga gamit ninyong hindi pa naaayos?"

"Don't worry. The fairies will do the job. Let's go!" Crystal replied.

Ah! Oo nga pala. Nabasa ko sa school guide dati na fairies can move things using their pixie dusts.

"Tara na! Baka malunod ko pa ang pinsan ko nang wala sa oras," banggit ni Hydra na siyang nagpatahimik kay Heaven.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon