Chapter 65: Heaven in Evil's Hand

10.8K 483 28
                                    

Heaven's POV

"Wala man lang kaalam-alam ang mga hari at reyna na palabas ko lang ang lahat upang makuha ko ang korona. I pity that man's life. Now everyone thinks that he is the traitor and even his daughter suffers because of it."

This is not true!

Hindi totoo ito!

Pero kay Rathro na mismo nagmula ang mga salita. Inaamin niya mismo na siya ang may gawa ng lahat. Siya ang rason kung bakit dumanak ang dugo at...

at....

at namatay si Lucas!


Then Ester is innocent. Wala nga siyang kinalaman. Hind ko dapat siya sinisi. Napakatanga ko! Nagpadala ako sa aking naramdaman. Mabilis ko siyang hinusgahan! I failed as her friend. Kailangan kong bumalik kay Ester at sa mga kaibigan ko. I have to tell them about this!


"So what do you plan to do now?" dinig kong tanong ng matanda na siyang muling nagpahinto sa akin na umalis.


"On my coronation day, there will be genocide. I will kill everyone and turn them into my..."


"Hik!" Nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng aking bibig. Bakit ngayon pa ako sininok? Kita ng mga mata ko kung paano bumaling sa kinaroroonan ko ang atensiyon ni Rathro. He walked towards my direction na labis na ikinakaba ko. Pigil-hininga akong tumalikod ako at inihanda ang sarili kong umalis.



"Where are you going, Rathro?" rinig kong tanong ng matanda.


"Wala ka bang narinig?" patanong na sagot ni Rathro. Kahit na nakatalikod ako ay nailalarawan ko sa aking isip ang nangyayari sa loob.


"Maybe you are just hearing things. Bumalik ka rito at sabihin mo sa akin ang iyong plano. Tutulong ako sa gusto mong mangyari," saad ng matanda. Gamit ang hangin ay pinakinggan ko ang yabag ng mga paa. Mabuti na lamang at papahina ang mga tunog nito tanda na siya ay papalayo mula sa kinaroroonan ko. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil dito. Hindi na ako humarap pa upang muling sumilip at inisip kong umalis na pero parang may nag-uudyok sa aking manatili at makinig sa kanila. Tila sinasabi nitong may malalaman akong mahalagang impormasyon kapag ako'y nanatili.



"Katulad ng sinabi ko, sa araw ng aking koronasyon ay papatayin ko ang lahat ng taong dadalo kasama na ang mga hari at reyna. Isasailalim ko sila sa aking kapangyarihan. Sa paraang ito ay wala ng lalabag pa sa akin at susunod silang lahat sa gusto ko," saad ni Rathro. Nanindig ang mga balahibo ko. This man, Rathro. He is evil! He is an angel in disguise! Mabuti at nanatili ako. Kung hindi, hindi ko sana malalaman ang planong kademonyohan niya. Kailangan kong balaan ang lahat. Kailangan nang malaman ito ng mga kaibigan ko at ng mga hari at reyna.



"Ate Heaven, are you there?" A sudden voice entered my mind. I know this voice. Kilala ko kung kanino nagmula ito."Reen?"


"Ako nga, Ate Heaven!" Reen replied telepathically. "Ate Heaven... please help me?"



"Bakit? Nasaan ka?"


"I'm behind the wall. I am scared, Ate Heaven. Please help me!" Pagmamakaawa niya sa aking isip. I can also feel the fear in her inner voice.


She said she is behind the wall. Humarap ako muli sa pader. "Are you referring to this wall?"


"Yes Ate. Please rescue me from these two scary men"

Two scary men. Behind the wall. Si Rathro at ang matanda ba ang tinutukoy niya? Hindi ko malalaman kapag patuloy lang akong magtatanong sa sarili ko. Sa isa pang pagkakataon ay sumilip ako sa pader. Nakita ko si Rathro at ang matanda na nakatayo pero wala dito si Reen katulad ng inaakala ko. Sinubukan kong tumingkayad. I shifted my body to the left side para makita ko ang kanang bahagi nina Rathro ngunit wala pa rin akong Reen na nakita. I shifted again to the right side at laking gulat ko nang makita ko Reen. Nakita ko ang maliit na katawan niyang nakagapos at mayroon pang takip ang kaniyang bibig.


Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now