/15/ The Final Test

22.2K 896 150
                                    

Chapter 15:
THE FINAL TEST

Ester's POV

"Really? You passed his first test?" tili ni Heaven. Tumango lang ako para sagutin ang kaniyang tanong.

Nasa cafeteria kami ngayon. Wala si Lucas, Hydra at si Finnix dahil may simpleng misyon na ipinagawa sa kanila. Tanging ako, sina Heaven, Ten, Winwin at Crystal ang naririto.

"That was the first time, you know that? It has been a decade since someone passed his test. Even Lucas did not pass his test when he tried to join that guild," namamamanghang sabi ni Ten.

"Baka masuwerte lang talaga ako," sabi ko.

Habang kumakain kami ay isang announcement ang narinig sa buong akademya.

"Calling for the attention of Ms. Flixtov, please proceed to Viper Guild Headquarters. Calling for the attention of Ms. Flixtov, please proceed to Viper Guild Headquarters."

"Ester, that was you right? Baka official member ka na ng Viper Guild," sabi ni Heaven.

"No, kailangan ko pa ipasa ang pangalawang test para maging miyembro nila." This test will not be an ordinary one. Tiyak na mas mahirap ang test ngayon kumpara nung una. I hope I am prepared.

Muling umulit ang announcement kaya tumayo na ako. "Mukhang kailangan ko na kaagad pumunta. Sige na, mauna na ako," pagpapaalam ko at iniwan silang kumakain.

Habang naglalakad ako palabas ay maraming mata ang nakatingin sa akin. Marami rin akong narinig. They are wondering kung may sira raw ba ako sa utak ba't Viper Guild pinilit ko; kung paano ko raw naipasa ang first test, at kung tumatanggap na ba raw ulit ng members ang guild.

Mabilis nga talaga kumalat ang balita.

Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa'kin. Dumiretso na lang sako sa Viper Guild.

***

Mr. Magnus POV

Sinabi ko kaagad kay Ester ang second test pagkarating niya ilang minuto Matapos umalingawngaw ang announcement. Ngunit parang hindi siya makapaniwala sa pinagagawa ko sa kaniya. Kaya nilinaw ko ito sa kaniya.

"Yes, you heard it right. All you have to do is to bring me an 'Uwu Flower', and you will pass my second test,' sabi ko kay Ester.

Ito lang ang paraan para masagot ang mga katanungan sa isip ko.

"Uwu Flower? Mr. Magnus, nabasa ko na ang lahat ng libro tungkol sa mga magical herbs pero wala akong natatandaan na Uwu Flower mula doon. Is this really the second test?"

"Yes, that is your second test, Ms. Flixtov. Give me an Uwu Flower or you will fail this test. Bago ko makalimutan, mayroon ka lamang tatlong araw para hanapin ito," dire-diretsong sabi ko. "Remember, the time is running" dagdag ko.

***

Ester's POV

Kaagad akong dumiretso sa library upang maghanap ng mga impormasyon tungkol sa Uwu Flower. Kumuha ako ng napakaraming libro tungkol sa magical herbs. Karamihan sa librong nakuha ko ay nabasa ko na ngunit minabuti ko pa ring basahin ang mga ito ulit.

Inuna kong basahin ang "1,000 Herbs". Ito ay libro tungkol sa mga pinakaunang magical herbs na natagpuan at pinangalanan sa mundo ng Arcania.

1. 5-Petal Celantro

2. Red Chiver

3. Glowing Savory......

659. Pixied Clover....

999. Yellow Star Plant

1000. Metal Rose

Halos maduling ang mata ko sa bilis ng pagbabasa ko. Natapos ko ang buong libro ngunit walang nabanggit na Uwu Flower. Halos lahat ng mga Signusians na dumadaan sa puwesto ko ay napapatingin sa akin dahil sa tambak na libro na nasa taas ng mesa ko.

Five hours had passed at apatnapu't walong libro na ang natapos ko ngunit kahit isang impormasyon tungkol sa Uwu Flower ay wala akong nabasa. Sumasakit na rin ang mga mata ko dahil sa dami ng librong binasa ko. Nakakapagod at nakakaantok ang ginagawa ko ngunit pinigilan ko lahat ng ito.

I have to do this. I have to pass this final test.

"Huuuy!"

'Ay anak ng tuko!' Napasigaw ako sa isip ko. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkagulat. Si Hydra pala. Kakabalik lang nila galing sa misyon. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya dahil nakasentro ang atensiyon ko sa pagbabasa.

"What are these books all about?" tanong niya sabay kinuha ang upuan sa harap ng puwesto ko at umupo.

"These?" pagturo ko sa mga libro. "I am scanning for something na kailangan ko para sa final test ni Mr. Magnus."

"Are you sure na sa Viper Guild mo talaga gustong sumali? I mean, you can also join our Rose Guild."

"I am sure of this, Hydra. Hindi naman ako mag-aaksaya ng oras na basahin ang gabundok na librong 'to para lang sa kung ano," sagot ko naman. Hindi ko alam kung bakit kapag si Hydra ang kasama ko, hindi ako naiilang magsalita. Siguro dahil sa parehas kaming tahimik kaya gano'n.

"Okay then," Hydra na mukhang convinced sa sinabi ko. "Ano bang impormasyon ang hinahanap mo? Baka lang alam ko at matulungan kita."

"Do you know something about 'Uwu Flower'?"

"Uwu Flower?"

"Yes, Uwu Flower. Mr. Magnus wants me to bring him an Uwu Flower as the final test. I thought it was simple pero mukhang nagkakamali ako. Wala sa mga librong nabasa ko ang Uwu Flower."

"I don't think there is an 'Uwu Flower'. I have read all the books here in the library, and I am one hundred percent sure na wala kang mababasang Uwu Flower sa kahit na anong libro diyan," saad niya.

"You mean Uwu Flower doesn't exist?"

"Yes and no," Hydra answered. Napakunot naman ako ng noo. What does she mean by that?

Tumawa nang mahina si Hydra. "Wala ka bang na-realize sa pinagagawa niya sayo? Maybe Master Magnus is just doing this to make sure you would not pass. O baka, meron talagang Uwu Flower but it has other names. I mean, Uwu Flower is known as Uwu Flower, but it was not named like that before," she explained. Naintindihan ko naman ang punto niya.

What if Uwu Flower is just known as Uwu flower as its nickname?

"You know what, may mas madaling paraan para makahanap ka ng impormasyon. Ano pa ang silbi ng mga Maestro natin. Ask Maestra Fauna. She knows all herbs na nabubuhay dito sa Arcania. She is even known as the Queen of Herbs," suhestiyon niya.

"Oo nga no. Ba't 'di ko naisip yan? Sige, pupuntahan ko siya kaagad ngayon. Sayang ang oras. I need to finish this test ASAP," excited kong sabi at binalik na sa shelf ang mga libro. "Thanks nga pala, Hydra, Kita tayo sa dorm mamaya!" pagpapaalam ko ng tuluyan sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin, unang beses na nakita ko siyang ngumiti. Sinuklian ko naman ito ng ngiti bago tuluyang umalis.

- End of Chapter 15 -
*************

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now