Chapter 60: The Summoner's Wrath

12.8K 454 19
                                    


"Dahil sa inyo! Dahil sa inyo ay ayaw sumama sa akin ng anak ko!" nabato ang lahat. Kung kanina ay tila kulog at kidlat ang boses ni Egar, ngayon ay tila si kamatayan na mismo ang nagsasalita. Hindi na rin normal ang mga galaw ni Egar sa mga mata ng lahat. Parang siya ay sinasapian. Nawala si Egar sa kaniyang kinatatayuan at nagpakita ito sa tabi ni Rizka. Hinawakan nito si Rizka sa buhok at itinaas ang ulo. Makikita sa mata ni Rizka ang takot lalo pa at nakatutok sa kaniyang leeg ang espada. Isang maling galaw niya ay siguradong hihiwain ang kaniyang leeg ng talim nito. "Kapag wala kayo, walang ibang pagpipilian si Ester kung hindi ang sumama sa akin. At mangyayari lang ang bagay na iyon kapag napatay ko na kayong lahat!" Rizka felt a pain on her neck and blood gushed out.



"Rizkaaaaaaaaa!" narinig ni Rizka ang sigaw ni Ester na puno ng pag-aalala at lungkot. 'Atleast sa tingin ko'y napatawad na niya ako bago pa ako mawala' Rizka thought. She displayed a smile and a tear left her right eye. Binitawan siya ni Egar at napasalampak ang katawan niyang wala ng lakas sa lupa.


"Rizkaaaaaaa!"



Egar disappeared from their sight. Ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig silang sigaw ng babaeng humihingi ng tulong. Pagdako ng kanilang tingin doon ay nakahawak na sa leeg ang babae habang pinipigilan ang pagdaloy ng kaniyang dugo mula roon. Lumalabas na rin ang namumuong dugo sa mula kaniyang bibig.


Two seconds later and another scream was heard. This time, it was a professor. Nakita nalang nila itong  butas na ang dibdib at wala ng puso.


Nabalot ng takot ang lahat. Kung walang magawa ang propesor upang iligtas ang kaniyang sarili, ano pa kaya ang magawa nila na pawang estudyante lang. Wala na silang ibang maisip kung hindi ang tumakas. Nagsitakbuhan ang lahat sa iba't ibang direksiyon. Nagkagulo. They all ran in panic. Nagpapanic sila lalo pa't sa bawat segundo ay may sumisigaw at namamatay. Hindi nila alam kung sila na ba ang susunod. Sunod-sunod na sigaw at pagkamatay ang naganap na labis na ikinabalisa ng lahat.


Sa kabila ng kaguluhan ay magkakasama pa rin sila Finnix. Hindi sila umalis sa kanilang kinatatayuan dahil hindi nila pwede iwanan si Ester na natuod at hindi makagalaw sa nasaksihan. Nasaksihan niya kung paano patayin ang kaniyang mga kamag-aral ng kaniyang sariling ama, kung paano pinatay si Rizka. Hindi siya makapaniwala at hindi ito kayang iproseso ng kaniyang isip.


"Ester, let's get out of here!" Finnix said. Nagulantang si Ester dahil dito.


"Pero si Papa..."


"Sa tingin mo ba siya pa ang Papa mo?" diretsong tanong ni Winwin. Dito natauhan si Ester. Her father is not someone she knows now. Isa na itong halimaw na wala alam gawin kung hindi ang pumatay.


Akay ni Finnix si Ester at nagsimula na silang walo na tumakas mula sa kaguluhan. Nakakailang hakbang palang sila nang may pwersang bumagsak sa lupa. Humarang si Egar sa kanilang dadaanan. Finnix spread his arms with his palm facing backwards to stop the rest from moving.



"At saan sa tingin niyo dadalhin ang anak ko?" kinilabutan si Finnix. Hindi niya alam kung kaya niya bang protektahan ang babaeng mahal niya sa harap ng halimaw nitong ama.



"Egar! Itigil mo na ito!" pagsingit ni Magnus nang mahanap niya ang grupong kaharap na si Egar sa gitnang kaguluhan




"Magnus! Ang magaling na si Magnus na ikinulong ko sa loob ng apat na buwan. Sinabi kong ilayo mo si Ester mula rito kapalit ng buhay at kalayaan mo. Ngunit hindi mo ito sinunod! Kaya ngayon ay kukunin ko na ang buhay na ipinahiram ko sa iyo!" lumalabas na ang kaniyang mga ugat sa sintido dahil sa galit.


Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon