Chapter 74: Death of Life

10.3K 517 92
                                    

Ester's POV

"It was fun seeing you getting your hopes up," nakangisi niyang sambit at marahas na hinugot ang mahabang sandatang nakabaon sa tiyan ko. Bahagya akong napaliyad at napatingala dahil sa pwersa ng espadang hinuhugot mula sa katawan ko. It felt like my soul was being ripped apart.

Napuno ng dugo ang bibig ko kaya hindi ko nagawang humiyaw upang sana'y ibsan ang sakit na nadarama ko. Naramdaman ko na lang na dahan-dahang bumabagsak ang katawan ko batay sa ihip ng hangin at sa mabilis na paggalaw ng mga ulap sa paningin ko.

Mabilis na gumapang si Tres sa aking mga ugat at sinimulang pagalingin ang malalim kong sugat, gayundin si Sais na ginawang manhid ang aking katawan. Bumagsak ang likod ko sa matigas na lupa ngunit wala akong naramdaman. I did not feel the pain of falling, pero ang sakit ng realisasyong nabigo ako ang siyang namutawi sa buo kong pagkato.

"ESTEEEEEEER!" Marahan akong lumingon patungo sa pinagmulan nito. It was Finnix and I saw his worried expression all over his face. Sinimulan niyang takbuhin ang malayong distansyang namamgitan sa amin. "Don't," walang boses na lumabas sa bibig ko. Siguro ay nabasa niya ang pagbuka ng aking labi dahilan para siya ay umiling lang siya at ipagpatuloy ang pagtakbo papalapit sa'kin.

Nagliyab ang buo niyang katawan. Lumutang siya sa ere't bumulusok na parang isang kometa. Namataan ko rin na sabay-sabay na tumakbo sina Hydra na nakasakay sa alon, si Heaven na nakasakay sa hangin at si Crystal na pinapalutang ang sarili gamit ang kaniyang signus. Nakasunod sa kanilang likod ang lumilipad na si Winwin at si Ten na nakasakay sa maitim na ulap na sa ilalim ay may mga kidlat . Pare-parehas ang suot nilang ekspresiyon: almost tearing-up because of what happened to me.

Pati ang mga hari at reyna ay nagsipagtakbuhan na rin. Lahat sila ay papunta sa kinaroroonan ko, upang isalba ako.

Naramdaman ko ang muling paglapit sa akin ni Rathro at bumulong, "Since you're dying anyway, I want you to see how I kill each and everyone of them." Kung hindi lang sa nanghihina kong katawan ay nasuntok ko na sana siya ngunit ni-ang igalaw ang aking mga daliri ay hindi ko magawa. Tila paralisado ang buong kong katawan.

Isang nakakatakot na pakiramdam ang nagpatayo sa aking mga balahibo. Nakita kong may mga itim na usok na anyong tao ang sumingaw sa lupa. I suddenly heard them scream, screams of injustice. They seemed to be souls of the dead who died with hatred and without justice.

Bumalot sa paningin ko ang isang senaryong halos ikinapigil ng aking paghinga. Lumapit ang mga kaluluwa at nagpaikot-ikot kay Rathro na kasalukuyang nakadipa ang mga braso. The black souls moved around Rathro's body suddenly turning his white suit into a black robe. The sword in his hand disappeared and his wounded body healed completely. "It's showtime!" he said, thrilled.

Tumakbo siya at sinagupa si Finnix. Nang sila'y maglapit, unang nagpakawala ng apoy ang nagliliyab na si Finnix. "Fire Beam!"

Tumama ang tuloy-tuloy na apoy kay Rathro but something seems to be shielding him. The souls surrounding Rathro is protecting him. They acted like a shield not letting Finnix's fire touch him. "Your fire will never hurt me," aniya.

Dumating pa sina Hydra, Heaven at Crystal upang tumulong. Nagpakawala si Heaven ng wind blades at ganundin si Hydra na nagpakawala ng dalawang nagliliwanag na tubig. Crystal created bombs out of her spells at tinapon ito kay Rathro. Ngunit balewala ang lahat ng ito sa panangga ni Rathro.

Winwin flapped his wings to throw his feathers and all of them acted like pebbles hitting a thick wall.

Ten called out lightning from above at binagsak ito kay Rathro ngunit wala rin itong epekto.

"Didn't your professors teach you that once a summoner becomes diefied, no signus will be able to touch him?" Rathro said while still standing without even moving an inch. Yet, he remained unhurt. "But once you reach the diefied state, everyone below could be seen as a mere ant," kinumpas nito ang kaniyang kanang kamay at may anim na kaluluwang mabilis na sumugod sa anim kong kaibigan.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now